Bonus

379K 4.8K 249
                                    

BONUS CHAPTER

THIRD PERSON'S

KASALUKUYANG nakatanaw ang lalaki sa dalawang taong naglalakad sa dalampasigan, kung titignan mo sila ay paniguradong makikita mo kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Patuloy lang ang dalawa sa paglalambingan nila at wala silang pakialam kung may makakita man sa kanila, kunsabagay ay hindi naman sila basta-bastang mapapansin doon dahil may kadiliman sa nilalakaran ng mga ito.

Pero sya, naaaninag nya ang ginagawa ng dalawa at nasasaktan sya sa mga nakikita nya lalo na nung magyakapan ang dalawa.

"Are you a masochist? Hindi ka ba nasasaktan sa mga nakikita mo?" nawala ang atensyon nya sa dalawang taong pinapanood nya sa pagsulpot ng isang babae.

Tinignan nya lang ito, pero hindi sya kumibo, in his mind, hindi nya naman personal na kakilala ang babae upang sabihan ng saloobin.

"I know you like her." ngumiti ng nakakaloko ang babae, at sa isip nito ay nakabuo ng magandang idea. Nagpatuloy ang babae, kahit walang kibo ang kausap nya.

"If you love her, hindi pa huli ang lahat. You can still get what you want." nangunot ang noo ng lalaking kaharap nya dahil sa mga pinagsasabi nya.

"Why don't you steal her from him?" napatingin muli ang lalaki sa babae, naku-curious sya sa mga sinasabi nito. "Matutulungan kita."

Napaisip ang lalaki sa offer ng babae, yes he love that girl down there, at hindi nya pa dito nasasabi ang nararamdaman nya. Pero mukhang hindi pa man nya nasasabi ay wala na syang pag asa.

"I like the guy, and I think we can have a perfect tandem, having same agendas.." she stop in a mid-sentence na parang nambibitin. "Atleast di ba pagnakuha mo na ang gusto mo, I can also have the guy." Patuloy nito na tumanaw pa sa baba, kung nasaan ang dalawa. "Ano tatanggapin mo ba ang alok ko?" tanong uli ng babae.

Tinitigan ng lalaki ang babae ng mabuti, waring sinusuri , by looking at her angelic face hindi mo aakalaing may kapasidad itong gumawa ng ganung plano. Yun na nga siguro ang sinasabi nilang, 'you will do anything for love' na wala ka nang pakialam sa tama at mali.

Tumingin uli ang lalaki sa dalawang taong tinitignan nya. At lalo syang nasaktan sa eksenang nakita nya, they are kissing.

Humugot sya ng malalim na hininga at muling humarap sa babae. Desperado na kung desperado. Masyado na syang kinakain ng selos.

"How can you help me?" desperadong tanong nito sa babae, na ngumiti ng makahulugan. "That's my boy" bulong nito sa sarili para hindi marinig ng lalaki.

"Just go with the flow, and I'll tell you, what to do." pagkasabi ng babae nun ay humalik pa sya sa pisngi ng lalaki na ikinagulat ng huli. "We'll win this game honey. Trust me." tumawa ito ng malakas na nagdulot ng kilabot sa lalaki. Para syang kontrabida sa mga telenovela...

----

Reactions/Comment Vote please... silent readers labas na akyo.. so happy sa 1M na reads...

Thanks for reading

-LEYN-

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon