FORTY FOUR (part 2)

370K 5.4K 121
                                    

New cover! ==> Thanks Ate Demisse :)

Enjoy reading guys!

CHAPTER FORTY FOUR (part 2)

LARA

Napamulat ako pero agad ko din iyong ipinikit, nakakasilaw. Ilang sigundo lang siguro ako pumikit, at idinilat ko muli ang mata ko.

Puti ang paligid, lumingon ako sa paligid para tignan kung may kasama ba ako, pero wala. Pero mag-isa lang ako, may nakita akong bulaklak at basket ng prutas sa side table at napangiti ako.

Inisip kong mabuti kung ano ba ang nangyari, kung bakit ako nasa hospital, ilang sigundo pa uli, bago ko naalala kung ano ang huling nangyari.

Yung baliw na Racel nagwawala, at si Ethan... Napabalikwas ako ng bangon ng ma-alala kong baka gising na ang anak ko, pero para akong nahilo. Kaya napapikit ako at napahawak sa ulo ko.

"Babe, are you alright?" Kahit nakapikit ako, alam kong si Ric 'yon. Naramdaman ko nalang na inaalalayan nya na ako sa likod.

"Ayos ka lang ba? May kelangan ka ba? Sabihin mo lang." di magkandaugagang tanong nito.

Nang sa wakas ay nawala na ang sakit nang ulo ko ay dumilat na ako, at nakita ko si Ric. "What happened? Asan si Ethan? Ayos lang ba sya?" sunod-sunod namang tanong ko.

"Relax babe, okay?" sabi nito, na inalalayan uli ako pahiga. "I'll answer your questions, one by one, but first, I'll ask you if you need anything?"

"Wala..." sagot ko na nagrelax na katulad ng utos nya.

"You lose conscious matapos magwala ni Racel, so I admitted you here. And well Ethan is fine, hindi na sya nilalagnat, he is now awake, well actually, yesterday."

"Yesterday?" di makapaniwalang tanong ko. "Oo, yesterday, sobrang pagod ka daw kasi, I guess dahil kulang ka sa tulog and all the stress, kaya ayun, nagsama-sama sila at natulog ka ng..." tumigil ito at tumingin muna sa relo."15 hours."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "15 hours?"

"Yes 15 hours, mabuti na rin yun, at least nakapagpahinga kayo..."

"Kami?" Para lang kaming nag ku-question and answer portion dito.

"Teka may hindi ka ba sinabi sa'kin?" nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"About what? Sinabi ko na sa'yo ang tungkol sa sulat..."

"Sa palagay ko hindi mo rin nga alam." Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Kinuhanan ka kasi nila nang test kahapon and after an hour or so... they found out that..." binitin na naman nya ang sasabihin nya. Lumapit sya sa'kin at hinalikan ako sa noo.

"You're pregnant Babe..." hindi ko na narinig ang kasunod ng mga sinabi nya, dahil pakiramdam ko nabingi ako sa binalita nya.

Tulala lang ako, hanggang sa hinawakan nya ako sa mukha. "Babe..." dun ako natauhan.

"Seryoso? Hindi ka ba nagbibiro?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Bakit naman kita lolokohin? Do you want me to call the doctor para sure?" tanong pa nito.

"No need... ilang buwan?" tanong ko, "Mga 4 to 5 weeks daw." Nahawakan ko ang impis kong tiyan at napa-isip sa sinabi nya, nagbilang ako sa isip ko and indeed almost 4 weeks na akong delayed, and those cravings and my sickness. Masyado na akong nasusurpresa sa nalalaman ko, pero kailangan ko munang makita si Ethan.

"Ric, gusto ko makita si Ethan."

-----

Ayoko sana magpa-wheel chair pero makulit si Ric, ayaw nya daw na mapagod ako. At pinakain nya muna ako ng breakfast, bago kami pumunta kay Ethan kasi tulog pa daw ang anak namin. 9 am na at pumunta na kami sa kwarto ni Ethan na katabi lang ng akin.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon