ONE

1M 12.1K 312
                                    

I'm warning you... madaming typos and grammatical errors, meron ding nawalan ng spacing sa hindi ko malamang dahilan.

But if you still want to continue, happy reading and enjoy! Thank you. :)

CHAPTER ONE

LARA

I immediately covered my nose when I smelled the perfume that my co-model Lia sprayed all over her body. "Ang tapang naman ng pabango mo Lia." Iritang puna ko sa amoy ng pabango niya. Tumirik ang mata niya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Hello Cassie, last month ko pa kaya ito gamit, tapos ngayon ka lang nag-reklamo at kung hindi ako nagkakamali you loved this scent the first time I used it."

"Ah basta, I don't like that scent anymore."

"Yesterday, you hated the scent of the spray net na lagi nating ginagamit. Now, you hate my perfume." Humarap siya sa salamin at nag-retouch ng lipstick. "Naku, Cassie baka iba na 'yan, ha?" Natigilan ako bigla sa sinabi ni Lia. "I have to go. My boyfriend is waiting outside." Paalam niya na humalik pa sa pisngi ko.

Naiwan akong nakatulala sa harap ng salamin. 'Naku, Cassie baka iba na 'yan, ha?'

Kukunin ko na sana ang phone ko, nang bigla akong tawagin ng coordinator. "Miss Cassie are you ready?" Tumango lang ako at sumunod na sa kanya.

Pinilit ko na maging maayos ang shoot kahit sa totoo lang ay balisa na ako. Iniisip ko pa rin ang mga possibilities.

-----

Now, I believe to what they say, that this was the longest two minutes of wait. Hindi na nga ako halos makahinga, while I was silently praying for a negative result. Kasalukuyan akong nasa banyo ng kwarto ko, habang nag-aantay ng resulta.

Isang buwan mahigit na pala ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon. Tuluyan ko na iyong binabaon sa limot pero hindi pa rin ako makawala. Lagi nalang nasa isip ko ang nangyari nung gabing yun. 'I want you baby.' Hindi na 'yan mawala sa isipan ko whenever I'm alone, para siyang cassette tape na paulit-ulit na tumutunog sa isip ko.

Hindi lang kasi si Lia ang nakapansin ng mga pagbabago ko. Some of my co-models noticed the difference in my body. Nagkaroon ako ng problema sa pag-fit ng damit na nakahanda sa akin. Samantalang 'yon ang standard size ko, parang lumaki daw ang breast and buttocks ko. At hindi lang 'yon, kahit ako ay nakakapansin ng changes sa sarili ko. Madalas na masama ang pakiramdaman ko, there were times na wala pa akong gana o kaya naman ay sobrang magana ako. May mga gusto akong kainin na hindi ko alam kung bakit ko gusto.

Hindi ako tanga para hindi malaman na iba na itong mga nararamdaman at pagbabago sa akin. Delayed din ako, I should have my period last week, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Kaya kahit natatakot ako ay hindi na ako nagdalawang isip pa. I made a disguise and go straight to the drugstore to get a pregnancy kit, mahirap nang may makakilala.

What happened a month ago was something I badly wanted to forget. Kung pwede ko nga lang burahin sa ala-ala ko ang pagkakamaling iyon ay baka matagal ko na iyong nabura.

I was back to reality when I noticed that two minutes have passed. Mariin kong pinikit ang mga mata ko while crossing my fingers. Hindi lahat ng babae ay may tapang na gaya ng sa akin. Hindi lahat ay kayang gumamit ng PT to check their conditions.

Unti-unti ko nang idinilat ang mga mata ko at sinilip ang hawak kong PT. I was speechless and can't breathe normally when I saw the results. Sinubukan ko ulit tignan ang directions. And indeed, two red lines means positive.

It was positive. Anong gagawin ko?

Then I remembered my modeling contract.

'Article IV. As a model in this agency, you cannot get pregnant nor get married or else this contract will be terminated.'

Tulala akong lumabas ng bathroom and helplessly sat on my bed halos wala na ako sa sarili ko.

My god! Ano nang gagawin ko? I needed to earn money especially now that I have this. Hinawakan ko ang impis pang buhay sa puson ko.

Pero ano nalang ang magiging image ko sa career ko?

'The most sought after model in Town Cassie Lopez is now pregnant. But who is the Father?'

Nakakasira ng image. Nabuntis na nga, tapos wala pang maihaharap na lalaki. Ano nalang ang iisipin ng mga taong nakakakilala sa 'kin? Na isa akong babaeng pakawala? And what? As in sirang-sira ang image ko. Not only with my career, but also with my Dad. After all, I was still a loser in his eyes.

Ayokong bumalik kay Daddy. Para ko na ring inamin na wala akong napatunayan sa pinili ko. Pero siya naman ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi niya sana hinarang ang stepping stone ko. E 'di sana napirmahan ko ang kontrata at hindi nangyari ang pangyayari nung gabing 'yon.

'I want you baby' ipinilig ko ang ulo ko nang pumasok na naman 'yon sa isipan ko.

Wag ka na munang gumulo please. Kailangan ko munang isipin ang dapat kong gawin. Shall I go and find that guy who has been on my mind since that night or shall I go back to my father at ipakita ang pagkatalo ko?

What if?

What if?

What if I just turn this down?

Ipinilig kong muli ang ulo ko for the nth time. No! No! No! Hindi naman kakayanin ng kunsensya ko 'yon. This was my own blood and flesh. I knew I was not yet ready for this but I cannot make such crime. Pero how can we survive kung pati ang trabaho ko ay mawawala? Maliit pa ang savings ko sa banko. Oo may trust fund ako, pero I've already used that to buy this condo and my car.

Pero kung hanapin ko nalang kaya yung lalaki. E ano naman ang sasabihin ko sa kanya?

'Hey Mr. Stranger you knocked me up and you should be the one to take the responsibility for me and the baby inside me.'

Would he even believe me? At baka pagdudahan niya pa ako. I don't want to be rejected. And where the hell can I find that guy? Oo 'yong condo, pero hindi ko na alam kung saan 'yon sa dami ba naman ng mga building doon, hindi ko na din pinagkaabalahan pang alamin dahil dire-diretso na akong sumakay sa taxi, pagkalabas ko ng building nung araw na 'yon. At ni hindi ko nga alam ang pangalan nung lalaking 'yon.

And my only choice left now was to swallow my pride and go home to my Dad. Because I don't want to sell my condo. This was my only remembrance of my trust fund from my Mom. The car, well I can sell it pero maliit lang ang makukuha ko. Kukulangin pa 'yon for my needs and my pregnancy. What more pag lumabas pa ang bata? How can I survive kung next month na rin ang tapos ng contract ko? At hindi na ako makaka-ipon dahil hindi ko na pwedeng i-renew ang kontrata ko. I will be quitting on my career, iiwanan ko na din ang pangarap ko.

At panigurado sa mga panahong iyon alam na ni Dad ang sitwasyon ko

Then maybe it's time for me to go home.

---------

Dedicated to a friend @Larawwwr---

salamat sa pagpush sakin to post it! Enjoy reading!

-LEYN-

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon