TWENTY NINE

461K 6.3K 277
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

LARA

"Where is my son?" may diin ang pagbigkas niya sa bawat salita, nag-iigting pa nga ang kanyang mga bagang kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin, my wife?" mariing tanong niyang muli na pilit na hinuhuli ang paningin ko mas lalo tuloy lumapit ang mukha niya sa akin. Damn! I don't want what I am feeling right now, my heartbeat suddenly became wild. At natatakot akong ipagkanulo ako ng sarili kong katawan.

Sa sobrang lapit niya ay langhap na langhap ko pa ang amoy niya, he's still used his favorite scent. Yong amoy niyang inaayawan ko nung buntis ako ay parang nanghihipnotismo sa akin. Dagdagan pa ng mapupungay niyang mga mata na parang humihigop sa pagkatao ko. Those eyes, damn those eyes. Shit! I love those eyes, it mirrored my son's eyes.

"Answer me. Where's my son?" damang-dama ko ang init ng hininga niya napumaypay sa mukha ko sa pag-ulit niya sa tanong niya. Pakiramdam ko tuloy ay parang nanlalambot ang mga tuhod ko, kaya habang may natitira pa akong lakas ay itinulak ko siya.

"Wala kang anak." Buo ang kumpyansang sagot ko. Umiling-iling at ngumiti siya ng nakakaloko. "Wala kang anak, he's mine, only mine. Wala lang karapatan, because after what you've done a few years ago ay wala ka nang karapatan, 'di ba muntik nang mawala ang anak ko sa akin because of you?" matapang na sumbat ko sa kanya.

"So ganun, Lara? Pagkatapos mong lumayo, babalik ka without any plan to introduce to me my son? Bakit may bago ka na ba? Don't tell me na ang kinikilalang ama ng anak ko ay ang lalaki mo? Tandaan mo we're still marri—" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sa pagdapo ng kamay ko sa pisngi niya.

Malakas ang pagkakasampal ko sa kanya dahilan para magmarka ang palad ko sa pisngi niya na nagpatahimik sa kanya. "How could you acuse me? Wala kang alam, Enrique, at h'wag na h'wag mo akong itutulad sa iyo." Gigil na sigaw ko.

Hindi ko narinig kung may sinabi pa siya dahil lumabas na ako ng kwartong iyon. Namalayan ko na lang natumutulo na pala ang mga luha ko, kaya mabilis ko iyong pinahid bago pa man ako makarating sa opisina ko.

"Mam s'an po kayo ga—" natigilan si Edrin sa itatanong niya nung makita ako. "Are you alright?" sa halip ay alalang tanong niya. Tumango lamang ako at nagtuloy na sa loob. Kinalma ko lang ang sarili ko at nagpatuloy na sa trabaho ko.

Maaga rin akong lumabas dahil babyahe pa ako pa-Bulacan. Mabuti't mabilis ang naging byahe ko, kaya wala pa mang dalawang oras ay nakarating na ako sa bahay.

-----

Naagaw agad ang atensyon ko ng isang revo na nakaparada sa harap ng bahay. Alam kong hindi amin iyon, so I guess may bisita kami. Unusual kasi late na din, it's already 8pm at may bisita pa si Dad. Nagkibit balikat na lang ako na bumaba ng sasakyan at nagmartsa na papasok sa loob ng bahay.

"Moooooooooommy!" masiglang salubong agad sa akin ng anak ko.

"Ooops! Sweetie, slow down," pakiusap ko sa kanya, kasi tumatakbo na naman siya pa lang makalapit sa akin. Nang makalapit ay agad na nagpakarga sa akin si Ethan.

"How's my boy?" kamusta ko sa anak ko.

"Still handsome, Mom—" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil pinupog ko na naman siya ng halik. Kaya napuno ng malakas niyang tawa ang buong living room.

"Are you a good boy? Do you listen to Manang while Mommy's not home?"

"Of course Mommy! Ethan's a good boy!" mayabang na sagot niya na mas lalong nagpalapad ng ngiti ko.

"Have you finished your dinner, Sweetie?"

"Yes, sir!" sumaludo pa siya sa akin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan siya sa pisngi.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon