FORTY FOUR (part 1)

350K 5.2K 131
                                    

Dedicted to Demisse :) Ayie, hi Ate Ela!

Happy 3M reads my Baby ONM! Salamat sa mga walang sawang nagbabasa... Pinapasaya nyo ako!

CHAPTER FORTY FOUR (part 1)


Sinabi sa'kin lahat ni Ric ang itinawag ng mga pulis. Yes, I know that Racel is such a b*tch. Pero paano nya nasikmurang manakit ng batang inosente? I think she's out of her mind.

According daw kasi sa mga pulis, tinawagan daw nila ang car rental service na nagmamay-ari ng kotse, at dun nila nalaman ang pangalan ng humiram, kaya tinanong nila si Ric kung kilala nito si Racel Garcia, at nung sinabi nya na kilala nya ay nagkaroon lalo ng hinala na maaaring intensyon nyang gawin yun at hindi isang aksidente lamang.

In-assure na din nila kami that they'll do their best to make her pay.

At least we already knew who done this to Ethan, kaya hindi na kami mahihirapan pang maghanap ng kung sinong Poncio Pilato ang dapat managot. I swear, pagbabayaran nya ang ginawa nya.

-----

Natigilan ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng mga katok, ang bilis naman ata ni Ric? Napatingin ako sa wall clock, wala pang 30 minutes mula nung umalis sya kaya imposibleng sya ito, kasi bukod sa umuwi sya para kumuha ng mga gamit ko at bumili pagkain ay bakit kailangan nya pang kumatok.

I guess, bisita ang kumakatok kaya lumapit na ako sa pinto para pagbuksan ito.

And I was shocked when I saw who is outside, hindi ko tuloy alam kung magsasara uli ako ng pinto o sasampalin ko sya.

It's Racel and she look devastated. Ang lalim at itim ng paligid ng mata nya, mukhang galing sya sa pag iyak at wala pang tulog.

"Ang kapal ng mukha mong pumunta dito!" Galit na bungad ko dito. Mahina pero puno iyon ng emosyon.

"Magpapaliwanag ako." maiyak-iyak pa ito habang nakiki-usap. "Please... I'll explain." pagmamakaawa pa nito. Hindi ko tuloy maisip kung maniniwala ba ako na sincere sya o hindi, kasi nakakaawa yung itsura nya para syang napagbintangang guilty na totoo naman. Pero parang totoo nga, kasi sincere nga yung itsura nya.

"Please let me explain first," pakiusap uli nito. "Then, magpapahuli na ako, kusa akong susuko." mahinang bulong nito, pero hindi iyon nakalagpas sa pandinig ko.

Hindi ako kumibo at tumingin lang sa kanya, parang sinisiguro ko kung totoo ba talaga ang sinasabi nya o hindi. "Lara, I'm begging, sana pakinggan mo naman ako." Pakiusap na naman nya.

"Promise after this, kusa akong susuko. Alam ko namang maling-mali ang ginawa ko eh... what I've done to your son..." sumulyap pa ito sa anak ko na tulog.

Sinara ko ang pinto at lumabas. I think I should let her explain. But not in front of my sleeping son.

Pinagsalikop ko ang mga braso ko at tumitig sa kanya, nang mapansin siguro nito na handa na akong makinig ay nag-umpisa na ito.

"I am really sorry, palagay ko ay kinain ako ng insecurities ko kaya ko yun nagawa." Pag-uumpisa nito, "Hindi nga ako pinatulog ng ginawa ko eh." Sino ba namang tao ang makakatulog ng matiwasay sa ginawa nya? Mga halang lang ang kaluluwa at mga kriminal lang ang kayang gumawa nun.

Nagpunas ito ng luha at suminghot, magsasalita na sana sya ulit nung biglang sumigaw si Ric.

"Anong ginagawa ng kriminal na yan dito?" Galit na sigaw ni Ric. "Lara bakit ka nakikipag-usap sa kanya?" tanong agad nito sa'kin na binitawan ang dala nyang gamit sa upuan. "You should call me or the police officer." Seryosong sabi ni Ric na dudukot na dapat ng phone pero pinigilan ko.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon