Teaser

53.1K 873 11
                                    

Ika nga nila ang pag-ibig ay ay wala yan sa edad ng tao. Dahil kusang dumarating yan sa ating buhay kaya wag nating madaliin.

EASTHON RAIN CASTILLO
-AMBERS CLAN SIBLINGS and one of Gangster Squad boys. Maluko, playboy, kaliwat kanan ang fling girlfriend. Ngunit isang babae ang sinisigaw ng puso niya ang babaeng mahal ang kaibigan niya at mahal din ng kaibigan niya. Dahil sa ayaw niyang masira ang samahan nilang magkakaibigan ay nagparaya siya. At ayaw rin niyang pilitin ang babaeng gusto niya na magustuhan siya nito. Kung saan ito masaya ay doon narin siya.

JAMRAIDA 'RAIDS' LUMAYON-Simpleng babae at sa taglay nitong ganda ay kahit sinong kalahi ni Adan ay mahahalina. Ngunit kung kumilos ito ay daig pa ang lalaki. Itinaga nito sa isip na paglaki niya ay magugustuhan din siya ng lalaking crush niya.

"Sino yung lalaking kausap mo?" Anang binatang ani mo'y isang lion sa bangis nito.

"Non of your business, Sir." Sagot nito sa kausap.

"Raids, I'm talking to you nicely. Kaya sumagot ka ng maayos. Wag kang makipag usap sa mga lalaking hindi mo kilala. Baka kung ano ang gagawin nila sa'yo." May pag-aalala nitong turan sa dalagitang si Raids.

"Don't worry, Sir, dahil kaya ko naman ang sarili ko." Ani Raids na ang totoo ay naiinis siya sa kausap. "And one more thing, hindi na ako bata para bantayan mo." Anitong naiinis na talaga dito.

"Bata ka pa Raids kaya mag-aral ka ng mabuti." Anitong lalong nagpainis kay Raids.

"Makita mo kapag hindi na ako nene sa paningin niyong lahat at pagsisihan mo ang pagtawag mo sa'kin ng bata. Itaga mo sa bato." Anitong bubulong-bulong.

"May sinasabi ka ba?" Kunot noong tanong ni Rain.

"Ay! wala sabi ko mag-aaral na nga ako ng mabuti ng hindi madisappointed yung crush ko sa school." Labas ilong nitong saad sa binata sabay alis niya. Kaya napailing na lang si Rain habang nakatingin kung saan pumunta si Raids.

Maganda si Raids pero napakabata pa nito. At alam ni Rain na paglaki nito ay mas lalong madadagdagan ang taglay nitong ganda. Ayaw din ng binatang nadidikit ito sa kanya dahil may nararamdaman siyang bagay na hindi niya mabigyan ng kasagutan.

Abangan....

->I hope so, magustuhan niyo rin ang story ni Rain gaya ng mga kaibigan niyang GSB. Thank you po.

Just The Way You Are(Completed)Where stories live. Discover now