Chapter 20

21.5K 640 14
                                    

THE WEDDING DAY
Warning:Rated SPG
.
.
.
SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Rain. Ang araw na magiging Mrs. Castillo na niya si Raids. Ilang buwan din ang ginawang paghahanda ng kasal nila. Kaya naman halata na rin ang tiyan ni Raids pero hindi naman iyon nakakabawas ng kagandahan ng nobya.

Speaking of nobya ay miss na miss na niya ito. Mahigit tatlong araw niya itong hindi nakikita. Kaya gusto na niyang hilain ang oras makita lang ang nobya.

"Castillo, kanina ka pa dyan hindi mapakali. Pwede bang relax ka lang dahil nakakahilo ka. Baka meron mahilo sa mga guest dito." Sita ni Tyrone sa kanya.

Napakamot naman ng ulo si Rain sabay hinga niya ng malalim. Natatawa na lang ang mga kaibigan niya sa kanya na nakamata sa pinaggagawa niya.

"Ladies and gentlemen, ready for the march. The bride is here." Anang wedding organizer na kinatayo ni Rain ng tuwid.

Agad na pumailanlang ang wedding song na napili nila for the sponsor's march. Matapus ang sponsor's march ay siya namang pagbukas ng pinto kung saan agad na natanaw ni Rain ang nobya na kasama ang magulang nito.

Maingat na naglakad si Raids kasama ang magulang niya habang nakatingin siya ng tuwid kung saan nakatayo ang napaka gwapo niyang nobyo. Gustong gusto na niya itong mayakap at maamoy ang nobyo. Sa tatlong araw na hindi niya ito kasama ay parang taon ang dumaan na magkalayo silang dalawa.

"Rain, alagaan mo ang mag-ina mo at magparami pa kayo." Pabirong anang ama ni Raids kay Rain ng marating nila ang kinatatayuan niya. Kaya maging ang mga kaibigan ni Rain na naroon ay natawa sa tinuran ng ama ni Raids.

"Salamat po 'tay." Anito sa gino sabay abot niya ng kamay ni Raids. Bahagyang pinisil ni Rain ang kamay ni Raids bago niya iyon dinala sa kanyang mga labi at dinampian ng halik. "I miss you, baby." Pabulong nitong aniya sa nobya.

"Me too, I miss you so much." Ganti rito ni Raids sabay ngiti nito ng tipid. Ng tumikim ang paring kakasal sa kanila ay agad silang napatingin dito sabay kamot ni Rain ng batok.

Ng makaharap sila sa pari ay agad na sinimulan ng pari ang seremonya. At ng matapus nilang mag-I do ay binigyan sila ng pari na ihayag ang ginawa nipang wedding vow sa isa't isa.

"Hindi ko inaakalang darating parin pala ako sa ganitong pagkakataon. Actually menemorize ko sana yung wedding vow na sasabihin ko. Pero mukhang nakalimutan ko. Kaya this time ay kung ano ang sinasabi nitong puso ko ang sasabihin ko." Ani Rain na tinawanan naman ng mga kaibigan niya. Dahil alam nilang nagmemorize ito. At sinabihan nila itong wag na magmemorize dahil makakalimutan lang din niya. At hindi nga sila nagkamali.

"Hindi ko akalain na mainlove ako sa isang kagaya mo," anitong kinasimangot ni Raids. "Hindi ikaw yung type ko." Dagdag pa nitong kinalaki ng mata ni Raids.

"Pero nagbago ang ihip ng hangin sa isang iglap. That time na muli tayong nagkita at sinigawan mo ako ay nasabi ko na lang na she is pretty cool. I don't have any idea na ang babaeng napakatapang na iyon ay ang babaeng inaasar ko noon. Kaya ng malaman kung ang babaeng tila galit sa akin at ang stubborn na si Raids noong nene pa ay iisa.....ay kaya naman nakaisip ako ng kapraningan." Anitong kinatulis ng mguso ni Raids.

"Yeah! Ginapang mo ako e." Ani Raids sa isip.

"Kung anong kapraningan man ang ginawa ko noon ay hindi ko pinagsisihan dahil nagbunga naman iyon. I love you in all my heart baby. Stay just the way you are. Because I start loving you day by day with that." Anitong kinatawa naman ng mga kaibigan niya. Tila baliwala naman kay Rain ang mga ito. Moment niya ito kaya manigas sila.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon