Chapter 5

23.5K 714 11
                                    

KINAGABIHAN habang nakahiga si Rain sa kanyang kama ay panay hinga niya ng malalim dahil hirap siyang matulog. Hindi niya alam kung pano niya ipipikit ang mga mata niya dahil sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay ang mukha ni Raids ang nakikita niya. Maging ang amoy ng dalaga ay tila dumikit na sa unang ginagamit niya ngayon.

"Fuck! Magpatulog ka naman, last night ay hindi mo rin ako pinatulog at ngayon ay don't tell me na hindi ulit ako makakatulog. What hell is happening with me. Your dead Rain, very bad. Sooner your getting crazy." Anito sabay balikwas niya ng bangon at naupo sa kama.

Makalipas ang ilang sigundo ay muli siyang nahiga sa kama. At gaya ng kanina ay ganun parin ang nararamdaman niya. Kaya muli siyang bumangon at tamayo. Maingat niyang pinihit ang seradura ng kwarto at pinakiramdaman niya ang kabahayan. Ng maramdaman niyang tahimik na ang buong bahay ay maingat nitong sinara ang pinto ng kwarto niya at dahan-dahan siyang naglakad at nagtungo kung saan ang kwarto ni Raids.

Samantala habang nakahiga si Raids ay hindi ito dalawin ng antok sa kakaisip kay Rain. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito.

"Hays! Bakit mo ba siya iniisip Raids, diba kakalimutan mo na ang tungkol sa kanya. Kaya wag mo na siyang isipin at malay mo mas gwapo pa sa kanya ang magiging boss mo pagdating mo ng Maynila." Anitong natawa sa iniisip.

"Para kang baliw Raids. Ano yun, parang kwento sa mga nababasa sa pocketbook, wattpad at mga Facebook page na ang boss ay nailove sa secretary niya. Kabaliwan yun Raids, kaya gumising ka hanggat maaga sa kahibangan mo. Dahil hindi muna makikita pa ang kasing gwapo ni Rain sa iba." Sita nang kabilang isip ni Raids sa sarili.

"Hays! nakakapraning naman oh! Pati ba naman ang sarili kung isip ay nagtatalo ng walang kwentang bagay." Anito sa sarili sabay subsub niya ng mukha sa unan niya. Ngunit bigla siyang napabalikwas ng marinig niyang may kumakatok sa pinto ng kwarto niya. Kaya napakunot noo siya kung sino ang kumakatok ng ganitong oras sa silid niya. Hanggang sa maalala niya si Rain. Kaya mabilis siyang bumaba sa kanyang kama at tinungo ang pinto. At gaya nga ng iniisip niya ay si Rain ang napagbuksan niya.

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras na. Bakit gising ka pa?" Tanong nito sa binata na nakamata lang sa kanya.

"I can't sleep." Sagot nitong agad pumasok sa loob ng silid ni Raids. Kaya agad isinara ng dalaga ang pinto ng kwarto niya at sinundan niya si Rain. At nakapamaywang siyang lumapit dito ng makita niya ang binata na agad sumampa sa kama niya at mabilis na nahiga doon.

"Hoy! teka-teka, don't tell me na dito ka matutulog?  No-no-no, hindi ka pwedi matulog dito. Kaya bumangon ka dyan at bumalik ka doon sa kwarto mo." Anito kay Rain na kampanteng nakahiga habang nakaunan ito sa dalawa niyang mga kamay at pinagkrus naman niya ang kanyang mga binti.

"Rain, ano ba. Bumangon ka dyan." Ang naiinis na nitong aniya sa binata ngunit tila hindi ito natinag sa kanya.

"Ayyyyyy.......panty mo butas." Hindi mapigilang maibulalas ni Raids ng bigla siyang hilain ni Rain. Kaya bigla siyang nabuwal at padapa siyang lumanding sa matipunong katawan ng binata. Buti na lang at wall proof ang bawat kwarto ng mansyon kundi baka nabulabog na nila ang mga kasama nila sa loob ng mansyon na natutulog na.

"Kaninong panty ang butas baby? Hindi naman kasi ako gumagamit ng panty dahil pambabae yun. At hindi rin butas ang mga boxer short ko." Tanong dito ni Rain na agad ipinulupot ang dalawang kamay sa bawang ng dalaga na nakadapa parin sa katawan niya. Bigla naman namula ang pisngi ni Raids dahil sa tanong ng binata sa kanya. Gusto tuloy niya kutusan ang sarili niyang walang preno talaga minsan at kung ano-ano ang lumalabas dito.

"Tse! ewan ko sayo. Pakawalan mo nga ako." Anitong nakasimangot kay Rain.

"Hindi kita pakakawalan hanggat hindi ka pumapayag na dito ako matulog." Anito. Si Raids naman ay hindi ito makatingin sa binata. Dahil kapag iniharap niya ang mukha dito ay baka magpang-abot ang mga labi nila. Dahil gahilang hibla lang ang pagitang ng mukha nila.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon