Chapter 11

20.4K 659 15
                                    

HABANG magkahinang ang mga labi nila Raids at Rain ay halos mahibang sa kakaibang kiliting hatid ang binata kay Raids. Hindi namalayan ni Raids habang nasa ilalim sila ng dusta ng buhatin siya ni Rain palabas ng banyo at dinala sa kama nila. Maingat siyang binaba nito sa ibabaw ng kama bago ito sumampa doon at muli siyang siniil ng halik sa labi.

Maya't maya ay biglang itinulak ni Raids si Rain na ipinagtaka ng binata. Pinaningkitan ni Raids ng mata si Rain habang nakamata sa kanya ang naguguluhang binata.

"B-baby, what's wrong?" Takang tanong nito. Bigla tuloy siyang nagsisi na baka nagagalit sa kanya ang dalaga dahil sa kapangahasan niya ngayon. Gusto tuloy niyang kutusan ang sarili dahil sa kahibangan niya.

"What's wrong with me?" Tanong nito sabay turo sa sarili. Sunod-sunod namang napalunok si Rain dahil sa sinagot sa kanya ni Raids. "Alam mo, Mister. Alam ko kung saan patungo ang lahat ng ito. Kaya bago ko ibukaka itong mga binti ko sayo ay gusto kung makasigurong hindi ako madidihado sayo." Anitong mas lalong nagpagulo sa isip ng binata. Dahil hindi niya maintindihan ang dalaga.

"W-what do you mean?" Anitong napaupo sa kama. Binundol ito ng kaba na kahit kailan ay hindi niya naramdaman sa mga babaeng naging bahagi ng panandaliang saya sa buhay niya.

"What I mean. Hoy! wag mo ako itulad sa mga babae mo ha. Na madali mo lang napapabukaka at matapus ay....boom!!!! tsupe, I don't wanna see you again. Kaya sabihin mo sa akin ngayon kung ano ako sa buhay mo." Anitong napakaseryoso ng mukha niya.

"Baby, you are the most special girl in my life. Kung sa tingin mo ay nagtake advantage ako sayo ngayon ay sana patawarin mo ako. Magbebehave na ako, wag ka lang magalit." Sagot nitong mabilis kinutusan ni Raids sa noo ng mahina.

"Hindi yan ang itinatanong ko sayo." Saad nito kay Rain. "Ang gusto kung malaman ay mahal mo ba ako o hindi. Oo at hindi lang ang isasagot mo. Kung ang sagot mo ay hindi at ang ginagawa mo lang ito just for fun ay pwes sinasabi ko sayo. I'm not just for fun." Saad nito kay Rain na natahimik.

"I see." Ani Raids at napailing siyang bigla. Maya't maya ay nagpasya siyang tumayo mula sa kama upang magbihis. Si Rain naman ay hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Raids. Hindi niya alam kung pano sasabihin ditong mahal niya ito.

Mabilis ang naging kilos ni Raids hanggang maisuot nito ang mga damit niya at dali-dali siyang lumabas nang silid ni Rain. Hanggang sa makalabas siya ng kwarto ni Rain ay hindi lumabas ang binata na kinabuntong hininga niya.

"I knew it, Rain." Anitong agad nagtungo sa sala at hinagilap niya doon ang bag niyang  hindi na niya nadala ng buhatin siya kanina ni Rain. Agad niyang sinukbit sa balikat niya ang maliit niyang  bag at nagpasyang lumabas ng bahay ng binata. Makakabuti siguro ay bumalik na lang siya sa hacienda at doon manatili. Nasasaktan siya sa naging reaction ni Rain ngunit nagpakatatag siya. Pinilit niya ang sariling wag umiyak hanggang makalabas siya ng gate.

Tamang tama naman habang naglalakad siya ay siyang pagdaan ng itim na sasakyan. Agad huminto ang sasakyan sa tapat ni Raids at ibinaba nang nasa loob ng sasakyan ang bintana nito.

"Hey! Bakit ka naglalakad ng ganitong oras dito. It's almost midnight?" Takang tanong ng lalaki na agad nakilala ni Raids na nagngangalang Julian Elijah Ho at isa ito sa mga kaibigan ni Rain.

Hindi naman alam ni Raids kung pano sasabihin sa lalaki ang dahilan kung bakit siya nandoon at naglalakad ng ganung oras ng gabi.

"I see. Come on, get in the car. Ihahatid kita sa pupuntahan mo." Alok sa kanya ni Elijah. "Naku! Wag na, magtataxi na lang ako." Mabilis nitong sagot.

"Look, kapag nagtaxi ka ay kakailanganin mo pang lakarin hanggang makarating ka doon sa mean gate ng subdivision bago ka makakasakay ng taxi. At baka bago ka makasakay ng taxi ay aabutan ka ni Castillo doon." Ani Elijah sa kanya. Kaya agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan ni Elijah.

Just The Way You Are(Completed)Where stories live. Discover now