Chapter 18

22K 607 17
                                    

NAALIMPUNGATAN si Raids ng maramdaman niyang tila may humahaplos sa mukha niya. Kaya maingat niyang minulat ang kanyang mga mata. Pagmulat ng mga mata ni Raids ay bumungad sa kanya ang mukha ni Rain. Hindi niya mabasa ang iniisip nito.

Tila pagud na pagud ang binata kaya biglang nakaramdam ng pag-aalala para dito si Raids.

"Rain, kanina ka pa ba. Kumain ka na ba?" Magkasunod nitong tanong sa binata sabay bangon niya mula sa pagkakahiga. Hindi kasi niya namalayan ay naidlip na pala siya habang nagpapahinga sa dating kwarto ni Rain.

"Galit ka ba sa akin. May nagawa ba akong kinagagalit mo? Kung ang ikinagagalit mo ay ang pag-utos ko sayong bumili ng santol na walang buto ay humihingi ako ng sorry sayo. Don't worry, di na ako magpapabili ulit sayo. Basta wag ka lang magalit. Kasi hindi ako sanay na nanlalamig ka sa akin. Dahil pakiramdam ko e ayaw mo na sa akin na nagsasawa ka na. Kung ayaw muna sa akin ay sabihin mo sa akin hanggat maaga ng mapaghandaan ko---

Bigla itong natigil sa sasabihin pa sana niya ng ilagay ng binata ang hintuturo niya sa labi ni Raids.

"Don't cry baby." Ani Rain sabay punas niya sa luha ng nobya na kumawala sa mga mata nito. Hindi kasi namalayan ni Raids na naluha na pala siya. Maybe dahil ito sa pagbubuntis niya ay nagiging paiba-iba ang mode wings niya.

"I'm sorry about that, just don't cry. Ayaw kong nakikita kang umiiyak. At wag mo rin iisiping nagsasawa na ako sayo. Dahil hinding-hindi mangyayari iyon. Mahal kita at hindi na magbabago iyon." Anito. Makikita mo sa mukha at mga mata ni Rain ang senseridad at kaseryosohan.

"Mahal na mahal din kita Rain, kaya natatakot akong baka isang araw ay iiwan mo na ako," anito sabay sapo niya ng mukha ni Rain gamit ang dalawa niyang mga kamay. "Hindi ko kakayanin kong mawawala sa buhay ko. Paano ako tatayo at paano ko papalakihin ang baby natin mag-isa?" Saad nito sa binata na parang tinakasan ng dugo ang mukha niya sa narinig.

"Y-you mean, you are? Oh! My God. Oh! My God. Baby, magiging d-daddy na a-ako?" Hindi makapaniwalang ani Rain. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o iiyak. Basta hindi siya makapaniwalang magiging daddy na pala siya.

"Oo, galing ako kanina sa clinic ni Sam at nagpacheck up doon. The result is I'm four weeks pregnant." Sagot nitong kinatayo ni Rain sa kama kung saan siya nakaupo. Ang mga mata nito ay biglang nanlaki sa narinig mula kay Raids. At ang bibig nito ay bahagyang nakaawang.

"Magiging daddy na ako, magiging daddy na ako. Whoa! Magiging daddy na ako. Yes yes yes yes. Thank you dear God for this beautiful blessing." Tila wala sa sariling ani Rain. Paikot-ikot ito sabay pasuntok-suntok sa ere.

"Baby, I love you so much." Muli ay anito sa nobya sabay sapo nito ng mukha ni Raids. "I love you too, Rain." Tugon nito sa nobyo na walang paglagyan ang sayang nararamdaman.

Maya't maya lang ay agad tinawid ni Rain ang pagitan ng mga labi nila. Nang maghinang ang kanilang mga labi ay kusang bumuka ang mga labi ni Raids at buong puso nitong tinugon ang bawat galaw ng labi ni Rain.

Ilang minuto rin na magkahinang ang kanilang mga labi. Nang maghiwalay ito ay kapwa nila habol ang hangin.

"Hubby, bakit ka nga pala uminom last day?" Hindi matatahimik si Raids hanggat hindi niya ito naitatanong sa nobyo.

Bigla naman napakamot ng ulo si Rain. Tila hindi nito alam kung ano ang sasabihin at paano magpapaliwanag sa nobya.

"Ano kasi baby," alanganin nitong aniya. At dahil mukhang naghihintay ng kasagutan ang nobya ay napabuntong hininga na lang siyang namumula ang mukha. Kaya mas lalong nacurious si Raids na malaman kung ano ang dahilan nito at uminom ito at hindi siya nito kinikibo that time. "Uhm! Ano kasi baby. Shit this is embarassing." Anito sabay hilamus niya ng mukha gamit ang dalawang kamay.

Just The Way You Are(Completed)Where stories live. Discover now