Chapter 16

22.2K 631 13
                                    

NANG masiguro ni Rain na maayos na ang hacienda ay saka siya nagpasyang bumalik na sila ng Manila. At ang mga kaibigan niya hindi talaga bumalik ang mga ito habang nandoon rin sila ni Raids. At ang gumawa naman ng sunog na nangyari sa hacienda ng mga Castillo ay ipinagkatiwala na iyon ni Rain kay Frank. Kung ano man ang ginawa dito ng kaibigan niya ay wala na siyang dapat pang isipin hinggil doon. Dahil malaki ang tiwala niya niya kay Frank.

Pagdating nila Rain sa Manila ay tinawagan niya agad ang lahat ng mga kaibigan niyang pumunta sila sa MAV Restaurant. Kahit na mga siraulo ang mga ito ay malaki parin ang naitulong nila sa kanya. Kaya naman gusto niyang pasalamatan ang mga ito.

"Anong meron Castillo at ipinatawag mo kami?" Agad na tanong ni X na kasama si Jham.

"Wala naman, gusto ko lang kayong ilibre ng lunch." Anito.

At habang abala ang bawat isa sa magkakaibigan ay natuon bigla ang mga mata nila ng makita nila ang mga bagong dating na sila Axel kasama nito ang mag-ina niya at isang magandang babae.

Ng makaupo ang mga ito ay naiiling na lang si Axel sa mga kaibigan niya kung makatingin.

"Baka naman matunaw ang pinsan ng asawa ko sa klase ng pagtingin niyo sa kanya." Anitong kinangisi ng mga single pa sa barkada.

"Ikaw na naman." Biglang umasim ang mukha ng pinsan ni Jasmine ng makita niya ang kampanteng naupo malapit sa kanya na si Jeb.

"Yes! Baby, it's me. Bakit may problema ba?" Taas nuong tanong dito ni Jeb.

"Oo, meron problema. Dahil kinikilabutan ako sayo. My God. Hindi ko alam na nasa city na pala nakatira si Tarzan." Anitong kinataas ng kilay ni Jeb. Ang magkakaibigan naman ay naguguluhan sa dalawa.

"Ayaw mo nun, hindi kana mahihirapan pang hanapin sa jungle si Tarzan dahil nasa harapan muna siya." Nakangisi namang sagot dito ni Jeb.

"Hoy! bruha, anong ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong ni Raids sa kabangayan ni Jeb.

"Kilala mo ang pinsan ko?" Takang tanong naman ni Jasmine kay Raids.

"Oo, magkaibigan kami since nasa grade school kami." Sagot dito ni Raids. "Bakit ganyan ka makatingin. Hindi mamatay ng tingin mo yang si Hernandez." Muling ani Raids sa kaibigan niya.

"Gago kasi ang lalaking yan besh, kung alam ko lang na meron naga ala Tarzan na kapitbahay nina insan e hindi na ako lumabas sa bahay nila. My God. Kinikilabutan ako. Kung makaasta ay parang walang tao sa paligid." Nanggagalaiti nitong aniya kay Raids na natawa.

"Hays! dapat masanay kana besh, diba Jas. Kasi malay mo isa pala sa kanilang magkakaibigan ang nakatadhana para sayo." Saad dito ni Raids na sinang ayonan ni Jasmine.

"Mangyayari lang yun kung isa na lang sa kanila ang natitirang lalaki sa mundo." Nakasimangot nitong aniya.

"Oh! 100% Miss mataray na ako ang huling matitira sa mundong ito. Sabi mo nga mahilig ako mag ala Tarzan." Biglang sabat ni Jeb sabay kindat niya dito.

"Ugh! bweset ka. Kung alam ko lang na meron akong makikitang lalaking saksakan ng yabang na kagaya mo e hindi na ako bumalik ng Pilipinas. My God. Masisira ang beauty ko sayong unggoy ka." Nagdudumilat nitong aniya kay Jeb na kinatawa nilang magkakaibigan. Tila hindi naman umubra kay Jeb ang sinabi ng isa sa kanya.

"Miss kanina at ngayon-ngayon lang e ang tawag mo sa akin ay Tarzan. Pagkatapus naman ay naging unggoy. Abah! sa gwapo kung ito e tatawagin mong unggoy. Matatanggap ko pa ang Tarzan pero ang unggoy e malayo atah yun sa kagwapuhan ko." Saad dito ni Jeb na kinaasim ng mukha nito.

"Besh, sino ba ang lalaking ito ng mahambalos ko ng dos por dos ng mahimasmasan. Nagbuhat na nga ng upoan pati ba naman mesa dinamay pa." Naiinis nitong tanong kay Raids.

Just The Way You Are(Completed)Where stories live. Discover now