Chapter 12

21.8K 615 11
                                    

AGAD na kinuha ni Rain ang dalawang timba sa kusina ng mansyon at agad siyang nag-igib ng tubig mula sa puso at hinakot niya ang tubig sa dalawang malaking drum na nakita niya. Hindi siya sanay sa ganung trabaho pero para kay Raids ay gagawin niya.

Makalipas ang ilang oras na pag-iigib niya ng tubig ay napuno rin niya ang dalawang drum. Kaya agad niyang sinimulang magsibak ng kahoy sa likod ng mansyon. Marami kasi ang nakatambak doon na sanga at puno ng mangga. Kaya yun ang sinimulan niyang sibakin.

"Holly! shet, fuck fuck." Mura ito ng mabitawan niya ang ginagamit niyang pangsibak ng kahoy. Dahil hindi siya marunong ay hindi niya makuha-kuha kung pano magsibak ng kahoy.

"Hijo, tigilan muna ito. Tama na, kakausapin ko lang si Raids." Boses ng ama ni Raids na tila nag-aalala para kay Rain.

"Okey! lang po ako 'tay, kaya ko po ito. Wag kayong mag-alala." Saad nito sa ginoo na napailing.

"Shet! Shet!"

Sa tuwing sumisimplang ang pagsibak niya ng kahoy ay napapamura siya agad.

"Rain, iho. Tumigil ka muna dyan at kumain. Hindi ka pa nag-almusal. Magtatanghali na oh!" Anang ina ni Raids na nilapitan si Rain.

"Mamaya na po ako kakain 'nay, hindi pa naman po ako nagugutom." Tanggi nito sa tinuran ng ginang. Napailing naman ang ina ni Raids na pinagmasdan ang ginagawa ng binata.

"Oh! men. Fuck! Shet." Napamura ito ng tumilapon ang sinisibak niyang kahoy at tumalsik ito sa braso niya. "God damn it."

"Iho, halika at ng magamot agad ang sugat mo." Ang natatarantang anang ina ni Raids ng makita niya ang dugo sa braso ng binata.

"Nay, maliit lang po ito. Malayo pa po ito sa bituka." Saad nito sa ginang. Agad niyang pinunit ang suot niyang damit at yun ang ginawa niyang pambalot ng sugat niya sa braso. At dahil punit na ang suot niyang damit ay ang ginawa niya ay tuluyan niya yung hinubad at ginawa niyang pantakip ng ulo.

Makalipas lang ang ilang minuto ay muling nagsibak ng kahoy si Rain. Kahit subrang sakit ng braso niyang meron sugat ay tinitiis lang niya. At dahil sa nakikita ng ina ni Raids ay agad nitong pinuntahan ang natutulog niyang anak.

"Jamraida, bumangon ka dyan." Anang ina ni Raids sa dalaga. Bahagya lang itong umungol bilang sagot.

"Kapag hindi ka bumangon dyan ay bubuhusan talaga kita ng mainit na tubig." Pagbabanta ng kanyang ina. Kaya napabangon siya agad. "Napakabaliw mo talagang bata ka. Gusto mo bang mamatay si Rain dahil sa pagud. Kaninang umaga pa niya ginagawa ang ipinapagawa mo sa kanya, pinapatigil ng tatay mo pero ayaw niyang makinig. Hindi pa nga kumakain yun ng almusal at nasugatan din ang braso niya. Nagkasugat-sugat rin ang mga kamay niya dahil hindi marunong magsibak yung tao pero pilit niyang ginagawa ang gusto mo." Anang ina ni Raids.

Dahil sa narinig ni Raids sa ina ay mabilis siyang bumaba sa kama at patakbo siyang lumabas ng kwarto niya. Dali-dali siyang nagtungo sa likod ng mansyon kung nasaan si Rain. At pagdating nga niya doon ay natanaw niya itong pilit nagsisibak kahit panay daing nito sa sakit. Nakahubad ito ng damit kaya kita ang maskulado niyang katawan na kahit pawis na pawis ay hindi ito nakakabawas ng kagwapuhan niya.

"Rain, tigilan muna yan." Anito kay Rain ng tuluyan siyang makalapit dito. "Hey! Baby, don't worry, kaya ko ito." Anitong nakangiti. Pilit nitong tinatago ang nararamdaman niyang sakit.

Agad namang inagaw ni Raids ang hawak ni Rain sa pagsisibak at itinapon yun sa di kalayuan sabay hila niya sa binata. Walang nagawa si Rain kundi ang magpatianod kung saan man siya gustong dahil ni Raids.

Pakiramdam ni Rain ay kahit anong oras ay bibigay ang katawan niya. Ngunit pilit niyang nilalakasan ang loob dahil ayaw niyang sumuko agad at bumigay.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon