Chapter 9

22.6K 688 14
                                    

MAGKAHAWAK kamay na pumasok sa V-Mall sina Rain at Raids. At gaya ng inaasahan ni Raids ay pagpipyestahan na naman ng mga kababaihan ang kasama niya. Ngunit mukha atang takot itong matulog sa labas ng kwarto o di kaya ay layasan. Dahil parang wala itong nakikitang iba maliban sa kanya. Habang naglalakad sila biglang binitawan ni Rain ang kamay ni Raids na ipinagtaka niya. Magsasalita na sana siya ng ipilupot ni Rain ang kamay niya sa kanyang baywang.

"Meron talaga akong ma-assassinate na mga lalaki." Anitong tila si Raids lang ang nakakarinig. Kaya kunot noo siyang tiningnan ng dalaga sa mukha.

"At bakit naman, Mister?" Takang tanong nito kay Rain.

"Kasi tinitingnan ka ng malalaki na nadadaanan natin." Seryoso nitong aniya kasabay nito ay magkasalubong ang kanyang mga kilay at halos mag-isang linya na. Kaya muntik ng matawa si Raids sa tinuran ni Rain.

"Baby, I'm serious." Sabi nitong walang ipinagbago ang aura ng mukha niya. Kaya naman huminto sa paglalakad si Raids at mabilis itong tumingkayad sabay dampi niya ng halik sa labi ni Rain.

"Wag kang magselos at magalit kung nakatingin sila sa akin. I'm proud to say I'm beautiful. Pero, hanggang tingin lang naman sila dahil I don't care about them. Pero sayo, naku! meron talaga akong magigilitan dahin sinusugud ka nila ng wala sa oras." Anitong kinangiti ni Rain.

"Wala din naman akong pakialam sa kanila lalo na yung mga girls na gustong makipa-flirt sa akin. Dahil ang mga mata ko at ang sarili ko ay ikaw lang ang hinahanap at hahanapin nito." Saad nito.

"Uhm! PDA na atah tayo dito. Let's go, ayaw kung maging trending sa social media." Aya nito kay Rain sabay angkala niya sa braso ng binata. Kaya nakangiti silang naglakad sabay halik ni Rain sa ulo ni Raids.

Agad silang tumuloy kung saan nila makikita ang mga kailangan nila sa kusina. At agad na namangha si Raids ng makita niyang halos kumpleto atah ng mga kagamitan ang naturang mall. At napansin rin nitong parang kilala ng mga works and staff doon si Rain base sa pag-estema nila sa binata. Ang V Mall kasi ay pag-aari ito ng kakilala nila kaya halos kilala na ng mga workers and staff doon si Rain. At malapit lang ito sa subdivision nila.

"Hubby, refregerator at washing machine ang unahin nating bilhin." Ani Raids.

"Sure, baby." Sagot nito kay Raids. Agad nga silang pumili ng ref at washing machine na maganda ang kalidad. Matapus nilang mapili ang gusto nilang ref at washing machine ay ipinagkatiwala na nila ito sa workers ng V Mall sa pagbalot at paghatid sa bahay nila.

"Bakit dalawang ref agad ang kinuha mo?" Tanong nito kay Rain. "Nhaaaa.....hindi pwedi ang isa lang, baby. Ang mga siraulo kung kaibigan ay mahilig maghanap ng pagkain sa kusina." Sagot nitong kinatawa ni Raids. Dahil kung makapagsalita ito ay parang hindi siya siraulong gaya ng mga kaibigan niya.

"What?"

Kunot noo nitong tanong kay Raids.

"Wala. Natatawa lang ako sayo, kasi kung makasiraulo ka sa mga kaibigan mo ay parang hindi ka belong sa kanila." Anitong kinasimangot ni Rain.

"Baby, naman. Dapat kampi ka sakin e." Saad nito kay Raids na mas lalong natawa. Kaya hindi niya napigilang piningotin ang ilong ni Rain.

"Tara na nga ng mabili natin ang iba pa nating kailangan sa bahay." Yakag nito kay Rain. Kaya agad nilang tinungo ang mga kagamitan sa kusina.

"Hubby, ano yan. Ilang dosenang plato ang mga yan?" Gulat na tanong ni Raids kay Rain ng makita niya ang cart na tulak-tulak ng sale's man na tinawag ni Rain upang tulungan sila.

"I don't know, baby. Basta inilagay ko lang ang mga plato mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamaki." Sagot nitong kinailing ni Raids. Gusto tuloy niyang kutusan ang binata dahil kahit kailan talaga ay praning ito. Dahil kanina ay ganun din ang ginawa niya ng kumuha sila ng mga kaldero at baso. Ang kinuha niya ay mula sa pinakamalaking kaldero hanggang sa pinakamaliit. Maging ang mga baso ay ganun din ang ginawa niya. Daig pa nito ang magtatayo ng restaurant kung makabili ng mga gamit pangkusina. Mabuti na lang at malaki ang kusina ng bahay niya. Kaya kakasya naman siguro ang lahat ng pinamili nilang mga gamit pangkusina ngayon. Pero ang tanong kaya......kaya nilang isaayus ang mga ito sa dami. Iniisip pa lang ni Raids ay tila susuko agad siya sa pagud.

Just The Way You Are(Completed)Where stories live. Discover now