Chapter 17 : Windang Moment

1.8K 43 2
                                    

SARRAH POV

Napaka tanga ko bat agad ko syang kinamuhian eh hindi ko naman alam ang rason nya . napaka tanga ko talaga .

"Sassy ok ka lang?" Tanong nya at tumango lang ako that name? Ang dami kong naaalala . tumayo ako at naglakad pa puntang banyo "Sarrah san ka pupunta?" Tanong ni Jerald "mag babanyo lang" Sagot ko at naglakad na papuntang banyo agad kong binuksan ang shower para marinig nila pero nasa harap lang ako ng salamin

Hindi ko mapigilang hindi maiyak! Bwisit bakit ba ang tanga ko!? Kasalanan koto eh!! Lahat ng mga taong nasa paligid ko nasasaktan nalang!?

Napaka walang kwentang tao ko talaga pati si Keith nasaktan ko . ang tagal nyang lumaban para sakin para mabuhay pa sya ng matagal tapos gaganyanin kolang sya . ang sama ko

Tumulo nalang ang mga luhang kanina pa gustong pumatak . nung niyakap nyako dun ko naramdaman ang pagmamahal nya sakin pero anong ginawa ko? Sinaktan ko lang

Agad akong naghugas ng mukha . hindi naman namugto ang mata ko pero namula lang ng konti ang ilong ko . pinatay kona ang shower at lumabas na . nakita kong nag kwekwentuhan si Keith at larry

Umupo ako sa sofa at huminga ng malalim "ok kalang? Nag alala ako sayo" bulong ni Jerald sa tenga ko at tumango lang ako bilang sagot . isa pato? Masasaktan lang sya . bat pa kase minamahal nila ko hindi ba pwedeng layuan nalang nila ko?

"Sassy bat umiyak ka?" Tanong ni Keith at napatingin lahat sila sakin "hindi naman" Pagsisinungaling ko sa kanya "Tsk! Dimoko maloloko . look ang pula ng ilong mo!" Sabi nito hayys alam na alam talaga ako neto "Oo na . kaya pwede manahimik ka!" Malamig kong sagot at nanahimik naman sya

Nanood nalang sila . tumayo ako at lumabas sa bahay mga 4 pm narin malamig rin pero hinayaan ko nalang. dumiretso akong garden at tumayo . nagmasid masid nalang ako

Feeling ko ang hina ko . kaya hinding hindi nako iiyak  . parang isang iglap lang yung pagiging malakas ko naging mahina na . ganon siguro kase hindi naman ako malakas .

May naramdaman akong palapit sa akin . agad ko syang sinipa dahil gusto kong mamugmog ngayon dahil ang hina ko bwisit !! Naiinis ako sa sarili ko

"Ouch" Sabi nito at tumayo tinignan ko sya si Jerald pala . tumayo na ito "Ang sakit naman" reklamo nito at lumapit sa akin agad akong nag amba ng suntok at naka iwas naman sya

"Kahit ngayon lang kalabanin moko? Gusto kong mamugmog !! Bwisit ang tanga ko!!" Sigaw ko at tumango nalang sya . tinadyakan ko sya at naka ilag naman sya sumugod sya ng suntok at agad akong tumakbo sa likod nya at agad ko syang tinadyakan sa likod nya

Tumayo sya at hinayaan ko sya sinapak nyako pero wala akong maramdamang sakit . sinapak ako nito ng sinapak hanggang pumutok na ang labi ko "Ganyan kaba kahina? Kaya ka umiiyak? Bat hindi ka lumaban !" Sabi nito at sumugod ako ng suntok tadyak sa kanya . oo siguro nga tama sya ganon ako kahina

I'm Cold But I Have A HeartWhere stories live. Discover now