Chapter 28 :Mommy!Daddy!

1.3K 39 1
                                    


JERALD POVS

Tumawa lang ako at binatukan naman ako nito "Nakakarami kana ah!" Sita ko sa kanya . tinignan ako nito ng matalim. Lagot! Wrong move! "Nagrereklamo ka?" Tanong nito sa akin habang naka taas ang isang kilay to the Mount Everest lang yung taas!! Umiling ako at ngumiti naman sya "Baby! Tara na?" Tanong nito . "Wait kunin mo muna yung bag nya. Nandon na yung mga kailangan nya" utos nya sa akin. Agad akong pumuntang kwarto at kinuha ang baby bag ni Caramel at lumabas na .

"Mag stop tayo sa 7/11 huh?" Paalala ni Yabs at tumango lang ako sinuot nya na ang bag nya at sinuot ko narin ang sa akin at sinakbit sa balikat ko ang baby bag ni Caramel . ni lock kona ang pinto at naglakad na kami papasok sa elavator. "Yabs comportable kaba sa suot mo?" Tanong ko at tumango naman sya , ilang minuto pa bumukas na ang elavator marami rami rin ang nakasakay . sumakay na kami. Hindi naman masyadong crowd kaya ayos lang mga 8 or 10 kami dito saloob. Hinintay nalang namin. Kahit kanina pako naduduwal dito ang asim kase ng amoy ng katabi ko .

Kinorner ko si Sarrah ng Walang makalapit sa kanya . inakbayan ko naman ito ...wooh!! Pinagpapawisan nako ! Ang tagal naman! Ang baho na eh! Pinunasan naman ni Sarrah ang pawis ko "Ayos ka lang?" Tanong nya at lumapit ako sa kanya "honestly? Hindi ang asim nitong katabi ko! Naka-kain ata ng dalawang kilong sampalok" bulong ko sa kanya . natawa naman ito ng mahina sa sinabi ko "Akin na si Baby baka mangawit ka" sabi ko at kinuha sa kanya si Caramel .Ilang minuto pa bumukas na ang pinto sa wakas!! Wwwoooh!! Thank you lord!

Nakakapit sa braso ko si Sarrah habang buhat buhat ko si Caramel . konti lang ang tao sa lobby. Mahigpit kase ang security dito , di ka pwedeng makapasok kung wala kang sariling unit  ,kung ordinary o nakaka angat ka lang hanggang tingin ka lang sa building nato. Ako? Matagal rin akong nagipon bago mabili yung unit ko . more than 8 million+ ang bili ko dito. Nung una talagang na shock ako sa price nya .

Naglakad na kami papuntang parking at nakalabas na ang Ferrari black ko . inabot sa akin ni wey yung susi isa sya sa nagtratrabaho sa building  nato. Binuksan kona ang pinto at pinasakay si Sarrah inabot kona saKanya si Caramel sinakay ko naman sa back seat yung mga bag namin at umikot nako at sumukay na ng kotse. Agad nakong nagdrive si Caramel parang sirang DBD kanina pa sya nagsasalita ng Mommy at Daddy . tapos tumatawa pa.

Nag stop ako sa 7/11 agad na bumaba si Sarrah ,sumunod naman ako at ako na nagbuhat dito sa batang manika nato! Kumuha sya ng mga chocolates at bumili sya ng mga juice in can. Kumuha narin ako ng mga snack at binigay ko na ang card ko agad naman syang nagbayad . "Tara na?" Yaya nya , sinakay kona sila sa kotse at nagmaneho nako . hanggang School. Maraming mga studets kaya sa kotse muna kami. Narinig ko pa ang mga tilian nila ng dumating sina wil. Pinanuod ko lang sila kinuha ni wil ang phone nya at tinapat sa tenga . nagring naman bigla ang phone ko. Kumakain lang si Sarrah ng chocolate silang dalawa ni Caramel

I'm Cold But I Have A HeartWhere stories live. Discover now