Chapter 27 : Bonding

1.3K 54 2
                                    

JERALD POVS

Kanina pa kami sa arcade naglalaro ako si Sarrah karga lang si Caramel , ni hindi nya nga ako pinapansin eh . Kaya eto laro lang ako ng laro . ilang minuto pa huminto nako at kinuha ang mga ticket ko, at pumila nako sa cashier "Sir? Ano pong prize gusto nyo?" Tanong nung babae "yung blue teddy bear nalang" sagot ko at agad nya namang binigay .

Hinanap ko si Sarrah at nakita kong nakaupo sya . agad akong lumapit sa kanya at inabot "Yabs para sayo" masiglang bati ko kinuha nya at pinalaro kay Caramel ni hindi man sya ngumiti, baka may problema "May problema ba?" Tanong ko at umupo sa tabi nya "Wala, pagod lang to" sagot nya at tumango nalang ako at hinagod ang likod nya .

"Ahm bili muna tayo bagong damit ko " yaya ko sa kanya . Dahil wala nakong bago eh . tumango naman sya . ako na kumarga kay Caramel at sya naman nagdala ng bag at teddy bear . "Uiy! Galit kaba?" Tanong ko sa . napatingin naman ito sa akin "At bakit naman ako magagalit sayo?" Tanong nya. Baka kase nagalit sya kanina kay Chandra "Yung kanina. Si Chandra kase eh" sagot ko . napahinto naman sya .

"Okay lang yon" sagot nya at ngumiti , sa wakas ngumiti narin sya . "Baby , Gusto mo ng chocolate?" Tanong ko kay Caramel at nagsisipa naman ito. Ang cute nya ngiti pa ng ngiti kamukha ko? Haha "Eto oh" sabay abot ni Sarrah ng chocolate na diary milk . agad ko namang binuksan at pinakain ito "Nako Caramel hinay hinay sa pagkain huh? Tataba ka! Wala ng magkakagusto sayo" pananakot ko dito as in naman naiintindihan nya "Para kang tanga ke bata bata pinapatulan mo" natatawang sabi nito at naka hawak pa sa tyan

"Tsk! Yabs tinatawanan moba ko?" Inis kong tanong sa kanya "Hindi halata?" Natatawa nyang tanong, inirapan ko lang naman sya eh "pftttt!! Hahahahaha para kang bakla!!" Natatawa nyang sabi buti nalang walang masyadong tao dito . nagpoker face nalang ako . nakakainis sya . promise pero ang dami ng nabago sa kanya  , tumatawa ngumiti nagagawa na nya "Charre na" natatawang sabi nito at sinundot sundot pa ako "Stop that!" Inis kong bulyaw sa kanya tumigil naman sya at binigyan ako ng smack kiss "haha okay na?" Tanong nya at tumango nalang ako pasalamat sya at mahal ko sya nako kung hindi kanina kopa to sinapak. Joke lang ^__~

"Dito nalang tayo?" Yaya nya at pumasok sya sa stall ng nike , Binigay ko sa kanya si Caramel at pumili nako ng mga damit ,pants, at shoes, marami rami narin akong napili. Ang gaganda kase ng mga style eh. Tsaka ang daming bagong style "Ano tapos kana?" Tanong ni Sarrah . kumaway naman si Caramel at kumawag kawag pa "oo tara na" at lumakad nako , agad kong binigay ang credit card ko "Sir. May mga nike baby shirt rin po kami ? Kung interesado po kayo para sa baby nyo?" Tanong ng cashier . haha bakit ba halos lahat sila napagkakamalan kami? Haha "Ikaw yabs gusto mo bili natin si Caramel?" Tanong ko sakanya "Okay, basta manipis lang yung tela baka pagpawisan sya" sagot nya at nilabas naman nung cashier yung mga shirt.

I'm Cold But I Have A Heartحيث تعيش القصص. اكتشف الآن