Chapter 35 : Truth

1.2K 37 0
                                    

JERALD POV

Umupo si Sarrah sa tabi ko habang hawak parin ang baril ni Mark "Sarrah? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Lexus. "Ria tell us. So Start" utos ni Sarrah kay Ria . ano bang ibig niyang sabihin "Ahm wala naman talaga eh. Tsaka tinatanong ko lang promise" sabi nito at tinaas pa ang isang kamay .



"Magsisinungaling kapaba o sasabihin mo na?" Alam kong ayaw ni Sarrah na pinag hihintay kaya tiyak magagalit nayan "Sarrah ano bang gusto mong marinig? Tsaka ngayon palang kita nakilala? Kung ano-ano ng binibintang mo sa akin?! Lexus tulungan mo naman ako " ani nito at umiiyak na linapitan naman ito ni lexus at pinatahan alam kong hindi siya kakampihan ni Lexus dahil kakampihan niya si Sarrah.



"Ria? May tinatago kaba sa akin?" Mahinahon nitong tanong. See? Kay Sarrah siya kumampi. "Pati ba naman ikaw lexus?! Wala nga!" Sigaw nito at humagulgol na "Hoy! Babae ka! Bat mo pinaiyak si Ria!!!" Sigaw ni Kate. Tinignan ito ni kyle na parang sinasabing "tumahimik ka! Wala kang alam!" "Wala naman siyang ginawa sayo ah!" Dagdag ni Cams at ganoon din ang ginawa ni William!



"Wag niyo ngang sigawan si Sarrah!! Hindi niyo siya kilala!!" Pagtatanggol ni Lovely habang naka hawak sa ulo niya. Agad na tumayo si Sarrah at inalalayan maka upo si Lovely "Wag mong galitin ang saliri mo" at hinagod nito at likod ni Lovely. Tinignan niya ang tatlong babaeng naka tayo . kung nakakamatay lang ang tingin nayon baka kanina pa sila naka higa diyan sa sahig.



"Wag niyong hayaang magalit ako! Hindi ako magdadalawang isip na pasabugin kada bungo niyo! Kahit nandito pa ang mga nobyo niyo!" Mahinahong sabi ni Sarrah na nakapag-bigay sindak sa tatlo kumawala sa yakap ni Ria si Lexus at tumabi kina Mark na nasa likod ng sofa. Alam nilang hindi sila pwedeng makialam dahil pati sila madadamay sa galit ni Sarrah.



"Wala kayong kakampi! Nasa tabi ko ang mga lalaking aasahan niyong magligtas sa inyo pero titi-tigan nya lang kayong mamatay!" Ani Sarrah at ngumiti. Ngiting matagal ko ng hindi nakikita yung ngiting makita mo lang mapapasigaw kana matagal niya ng hindi pinapakawalan. "William!! Help me!!" Sigaw ni Cams habang umiiyak "Tinignan na kita kanina pero hindi ka nasindak" walang emosyong sabi ni William.



At tumingin kay Cams na parang hindi niya kilala "William bakit mo to ginagawa sa akin?! Bakit mas kinakampihan mo pa siya sa akin?!" Humahagulgol nitong sabi habang yakap yakap siya ni Kate "Gusto mo talagang malaman? Kase siya yung mahal ko talaga hindi ikaw. Hindi kami pwede kaya mas pinili kitang mahalin kahit hindi ko kaya? Ano masaya kana? Nalaman mona?" Walang kaabog-abog nitong sabi pati ako nabigla ! Wala akong alam na may nararamdaman si William pero nagparaya siya. Napayuko nalang ako sa kinauupuan ko




Nakita kong parang kandilang unti-unting napupupos si Cams. Mga salitang sumaksak sa puso niya. Kung hindi sana sila nakialam walang masasaktan. Akala ko pa naman magiging masaya kami. "Kyle tulungan mo kami?" Nag mamakaawang sabi ni Kate "Kung hindi ka nakialam sana nasa tabi kita. Hindi kita matutulungan kasalanan mo yan" anito at umayos ng tayo. Yung mga hitsura nila yung parang lumalaban kami dati para makapunta sa mga pwesto namin.



Sa rank namin ganyang ganyan sila noon walang pakialam kahit kanino "Ano Ria? Hindi kaba naaawa sa sarili mo? Diba maharlika ka? Pero inaalipusta ka ng kapwa maharlika mo ngayon" nanghahamong sabi nito tumayo si Ria at sumugod kay Sarrah "How dare you!! Isa akong prinsesa pero ginaganto mo ako!!" Galit nito sigaw at sinipa si Sarrah blinock niya lang ito habang tuloy lang ito sa pagsugod.



Nagulat kaming lahat dahil yung Ria na parang maamong tupa naging gutom na tigre "Ano? Masakit bang mainsulto?" Tanong ni Sarrah nabubuo sa mata nito ang galit ano ba talagang nangyayari dito?! "Bakit?! Bakit moto ginagawa sa akin?! Wala akong kasalanan sayo?!" Sigaw nito at tumigil sa pag atake "Binabalik ko lang kung anong ginawa sa akin ng pamilya mo!!" Sigaw ni sarrah at nagpakawala ng isang sipa tumilapon ito sa kabilang sofa pero agad rin itong nakabawi!!



I'm Cold But I Have A HeartKde žijí příběhy. Začni objevovat