Chapter 40: Last Battle

1.1K 34 0
                                    

SARRAH POV

"Tara na! Mamaya nalang tayo kumain volleyball tayo?" Excited masyado tong si Cloe. Hay nagsitayo na sila at inayos yung net. Uminom muna ako nasa tabi lang namin yung net malawak naman yung pampang  kaya malaki-laki yung net na ginamit namin "Yan talaga susuotin niyo girls?" Tanong ni Mom. Nag-aalala lang siya baka mahubaran sila kapag tumalon or nag spike diba? Mahirap na marami pa naman taong nanonood.




      "Mom wag ka ng umangal" sabat ni Roby habang nagpupunas ng pawis. Certified hunk na talaga tong kapatid ko. "Ayos lang po Tita" sagot ni Lovely habang nakasandig kay Mark itong isang to? Wala ng kwinikwento sa akin! Hindi na tuloy ako updated sa kanya. "Sarrah? Tara na?" Aya ni Jerald sa akin. Tumayo nako at nakisali sa kanya kateam ko si Lexus, Kate, William, Cloe, Risk at ako. Sa kabila naman si Jerald, Lovely, Mark, Ria, Carl, Cams. Si Roby, Kyle mamaya nalang daw.




Sa kabila ang bola at sinerve nani Jerald sa gitna ako eh. Bwisit sila ako pa ginawang pambato. Sinalo ko to at binalik sa kanila "Nice one" puri ni Risk at nag smirk lang ako. Halos ako yung sumalo ng mga serve nila minsan nadadapa pa si Carl kaya tawa kami ng tawa haha ang epic eh!! Hahaha di ako nakapag-moveon ng si Jerald nasubsob kaya tawa ako ng tawa haha!!





Pawis na pawis nako. Hindi pa namin na tatapos ang first set pero pawis na ako. "Magpalit ka muna pawisan kana" payo si Jerald at pinunasan ang mukha ko. Nakalimutan ko naka swimsuit pala ako. Wala akong choice ito nalang kesa bumalik pako ang layo nung bahay. "Tuloy na natin" sigaw ni Mark.tumayo na rin ako at nagsi-pwesto na sila "Tara na Sarrah?" Tawag ni Lexus sa akin ako tuloy tinitignan nila. Take note naka shades at hut ako habang naglalaro.




"Magpapalit lang ako" paalam ko sa kanila "Sige si Kyle muna" sagot ni Cloe "No mabilis lang" sagot ko sa kanya at nangamot naman ito ng ulo "Malayo layo pa yung bahay kaya siya na muna" pilit ni Carl sa akin. Tsk mga to talaga "Sinong nagsabing uuwi ako?" Takang tanong ko at hinubad ko ang hut ko at  nakalugay ang berde kong buhok at inalis ko ang shades ko. "Woahhh" sabi ni William. "Bloody hell red lipstick i love it" puri ni Cams. Inirapan ko lang ito.





"Ang init bwisit!!" Sigaw ko at hinagis sa mesa yung shades ko. Hinubad ko na yung damit ko at naguumpugan ang malulusog kong dibdib. Hinubad ko narin ang shorts ko at hinagis sa mesa. Nakabalendra ngayon sa kanila ang maputi at kumikinang kong balat. Lumitaw lalo ang shape ko. Ng tumingin ako sa kanila naka-tunganga lang sila at namimilog ang mata.






Ngayon lang ba sila naka kita ng tunay na maganda at sexy? Pwes swerte nila. Napapatingin din lahat sa akin lalo na ang mga kalalakihan. Seducing swimsuit kase binili ko maglaway kayo mga ulol! Pagbubugbugin ko kayo eh!!
"Woah!!!" Manghang sabi nila. Umirap lang ako at naglagad papunta sa pwesto ko. Para akong model na yung iba kumukuha pa ng picture ko at halos maglaway lahat sila. Napapahinto lahat ng dumadaan.






I'm Cold But I Have A HeartWhere stories live. Discover now