Chapter 39 : Last Bonding

1K 31 0
                                    


SARRAH POV

"The best day" masayang sabi ni Risk at niyakap ako "Thank you big boss" at niyakap ko siya pabalik. Ramdam ko ang pag-ngiti nito at sumubsob nalang ako sa kanya "Sana ganito nalang tayo lagi" sinuntok ko ito ng mahina at tumawa "tsk! Sira ka talaga! Tara na pasok na tayo sa loob" aya ko at bumitaw na ito. Sabay kami nitong naglakad papasok habang hawak hawak niya ang mga pinamili ko.







Nadatnan namin silang nasa sala "What the!!" Sigaw ni Jerald habang nakatingin sa kamay namin ni Risk. Hindi ko napansin naka holding hands pala kami hehe "Let's eat gutom nako" bored kong sabi at nilagpasan sila "Mom? Saan ang room ko?" Tanong ko dito at tinuro niya naman yung kulay puting pinto at pumasok na ako. Naka ayos na ang mga gamit namin at nilagay ko nalang sa closet yung mga minamili ko at agad nakong dumiretsong kusina.







"Kain na tayo" at umupo na ako. Nandito silang lahat at walang kibuan. Wala naman akong ibang ginawa. Nasa kanan ko si Jerald sa kaliwa si Risk. Si Risk na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko halos nakatingin lahat sa amin. Pero kumain nalang ako "Magpaka-busog ka" tumango ako at kumain ulit. Ng bigla nalang tumayo si Jerald at naglakad palayo hinayaan ko siya at kumain ulit "Wala ka bang gagawin? Hindi mo ba siya hahabulin?" Tanong ni Kate sa akin.






"May ginawa ba ako para magka-ganoon siya? Diba wala. Hindi bakit ko siya hahabulin? Hindi moko katulad" supalpal kong sagot sa kanya at natahimik naman silang lahat. "Sarrah sundan mo muna si Jerald anak" utos ni Mom. Sa akin gaya nga ng sabi ko tsk! "Kung gusto niyo kayo nalang." Uminom muna ako bago tumayo "Tapos nako" paalam ko at naglakad na pabalik sa kwarto ko. Nang makapasok ako nakita kong nakatayo sa beranda si Jerald habang may hawak na kopita sa kanang kamay.






Hindi ko siya nilapitan, umupo nalang ako sa kama at may nakita akong electric cigarette. Kinuha ko ito at inamoy strawberry? Ayos na. Humithit ako at binuga ang makapal na usok. Matagal narin pala akong walang bisyo, Hindi nagmumura at lumalaban, nakamiss rin pala minsan yung mga bagay na nakasanayan mo tapos bigla mo nalang titigilan. Tinuloy ko lang ito. Masarap ang mga bawal ika nga nila.






Naka dim light ang kwarto namin kaya kada buga ko makikita mo ang usok. Pinaglaruan ko lang ito kung kailan ko ibubuga at tityempo para maghugis bilog ito. Nakasanayan ko na eh, expert sabi nga nila. Tumayo ako at naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Hindi ako gumagamit ng mga bawal na gamot pero na try ko ng humithit ng damo.





Madalas wala sa sarili at mahilig makipag-away para akong gagong hindi makatulog yung mata ko lumubog na noon. Lagi nga akong naka cap kapag lalabas ako. Dalawa o apat na beses ko lang ginawa yon at tinigilan ko na. Sigarilyo at alak ang madalas kasama ko kapag may laban ako dati. Nasanay na yung katawan ko sa pagod. Namanhid nako.





Kumapit ako sa kabilang railings at bumuga ng usok habang siya malayo ang tingin sa dagat at umiinom ng kanyang alak "Bakit mo kasama yung lalaking yon?" Tanong niya. Wala paring pinagbago ang posisyon nito "He's my friend" nilagok nito ng isang tungahan lang ang alak na nasa kopita niya . "Ah really? You two is sweet" note it in tone of full of sarcastic. Nag smirk nalang ako at humithit ulit "Siya si Bigboss" sabay buga ko ng usok sa mukha niya.






Tumingin nalang ulit ito sa malayo, Parang naadik ako sa sigarilyong to ah! Binalibag ko to kung saan at dahan-dahan kong binuga ang usok na naipon ko "Jealous?" Tipid kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mga taong dumadaan. "A little bit. " tumango tango nalang ako. Pinagmasdan ko lang yung mga batang naglalaro sa papang. Gumagawa sila ng sand castles ang saya nilang tignan napangiti nalang ako ng may lahong poot ganyang ganyan din ako noon inosente.





I'm Cold But I Have A HeartWhere stories live. Discover now