chapter thirteen--sino...siya?

10.4K 261 1
                                    

IKALABINTATLO - Sino...siya? 



"Wala pa rin bang naaalala si Eth?" Tanong ni Dave, matapos lunukin ang alcoholic drink na nasa shotglass. 

Nasa bluegates sila ngayon ni Jap. 

Wala pa si Ethan. Family man e. Pinipilit pa ang asawa. :D 

Nagkibit-balikat si Jap. "Mukhang wala pa. Parang di niya parin maalala si Charlie e." 

"Pero isipin mo, di nila alam na siya talaga ang ama." natatawang sabi ni Dave. 

"Wala rin kasing maalala si Charlie e." 

"Mas mabuti na 'yun. At least e nagkaroon pa sila ngayon ng getting to know sta--" natatawang sabi ni Dave, pero naputol. Kaya naputol din ang tawa niya. 

May yumakap kasi mula sa likod niya. 

"Hi, babe!" masayang bati ng babae. 

Nagulat si Dave, maging si Jap ay ganun din ang naramdaman. 

"E-Elie..." anang binata ng humarap ito. 

Nakapulupot pa rin sa katawan niya ang dalawang braso ng dalaga. 

"Marco is here, he's stalking me." mahinang sabi ng dalaga. 

Tumango naman ang binata, at ipinulupot na rin ang kamay sa baywang ng dalaga. 

Naka-red tube cocktail dress ito na above the knee at stilettos. 

"Hi, Jap!" nakangiting bati naman ng dalaga kay Jap. 

"He-hello. What's happening?" takang tanong nito. 

"Shhhhh." anang dalaga, sabay lagay ng daliri sa bibig niya. 

"Ohhhhhhhhhhhh." tumatangong reaksyon ni Jap. Get's niya na. 

"Bakit ba siya nandito?" kunot noong tanong ni Dave sa dalaga. 

"Kanina pa yan sunod ng sunod. 'Kala niya siguro eh di ko napapansin." iritang sagot ng dalaga, sabay upo. [Sa mga nakabasa ng LoEPC, same couch where they found the lifeless Josh. Haha. Di lang ako makamove on sa couch na 'yun. XD] 

"Ganda mo 'te, may stalker." natatawang sabi ni Jap. 

"Ay ewan ko ba 'te! Di maka-get over sa beauty ko. Gardness." sabi naman ng dalaga. 

Pagkuwa'y kunwaring naghanap ng waiter si Dave, ang totoo ay inalam lang niya kung saan nakaupo si Marco. 

Nasa bar ito. 

"He's staring at you..." bulong niya sa dalaga. 

"Do what you want." anaman nito. 

"Sure? Baka talakan mo na naman ako." alangang kontra ng binata. 

"No. I promise." 

Then suddenly, Dave kissed her. 

At dahil pinanganak na may kalandiang taglay, di siya pumalag. Instead, she kissed him back. 

Besides, that was a part of their show. 

"Wow, what a show." anang isang binata. 

"A great, great show." anaman ng isang dalaga. 

"Nice no? Live." natatawang sabi ni Jap. 

Napahiwalay ang dalawang naghahalikan. 

"Ethan..." ani Dave. 
"Charlie..." ani Elie. Sabay sila. 

Tumaas ang kilay ni Charlie at nagsalikop ang mga braso nito. 

Ginaya naman siya ni Ethan at gumanun din. 

"Hmm? Care to explain?" sabi ni Charlie. 

"Yeah. Care to explain?" ulit ni Ethan. 

"Ano ba yan. Nagdala ka pa ng anino." ani Elie kay Charlie. "Wala yun. Idol namin kayo kaya umaarte kami as a couple." 

"Idol?..." nakataas din ang kilay ni Ethan. 

"Okay. Inistalk ako ng ex ko. Si Marco. That's why I have to pretend. Okay na?" 

"Ahh. So benefit din yung kiss na yun. Sarap naman." ani Ethan. "Honey, tignan mo nagkiss na sila --" 

"Shattap." bara ng dalaga kay Ethan. 

"Text niyo nga si Andie.." ani Jap. "Wala akong maasar e." 

"Teka," ani Elie. "Pa-out na yun ng ganitong oras eh." 

"Ano bang trabaho nun?" tanong ni Jap. 

"Digital Photographer ng FabMag." ani Charlie. 

"O flat daw 'yung gulong niya. Wait daw natin siya, maghhail siya ng cab --" 

"Im going to fetch her. Saan ba?" ani Jap at sinundo nga niya ang dalaga. 

Kahit gabi'y nakashades parin si Jap. 

Bubuyog shades. Wala lang. Gusto niya lang. 

Ni hindi pala alam ng dalaga na may susundo sa kanya. 

"Bye, Ma'am." anang dalaga sa boss nito. 

"Bye, Andie. See you tomorrow." nakangiti namang ganti nito. 

"So photographer ka pala." biglang sabi ng lalakeng nakasandal sa wall at nakalagay sa bulsa ang isang kamay. May earphone pa ang tenga nito ngunit agad ding tinanggal ng dumating ang dalaga. 

Napataas ang kilay nito. "Why are you here?" 

"To fetch you. Flat daw gulong mo e. And it's kinda late kung magccab ka pa. Delikado. Lets go." anang binata. 

"No way. Sa 'yo?" 

"O sige. Pano kung magahasa ka? Mamili ka, ako o isang pangit na taxi driver?" nangaasar na sabi ni Jap. 

Umikot naman ang mata ng dalaga. 

"Kitams. Alam mo, di naman ako masamang tao. Kaya tara na." sabi ng binata sabay hila sa kamay ng dalaga, the gentle way. "Yun nga lang, sadyang masarap ka lang asarin." 

"Whatever. Bakit ba biglang nasa BG kayo?" 

Nagkibitbalikat ang binata. "Unexpected. Biglang ikaw na lang yung kulang e." 

"Iinom si Charlie?!" 

"Di siguro. Di yun papainumin ng asawa niya." ani Jap. 

Bumuntong hininga ang dalaga. They're now heading their way to BG. 

"Sana nga, si Ethan na lang talaga. What if, biglang dumating yung tunay na daddy ng baby? That will ruin everything." nakasimangot na sabi ni Andie. 

Natawa si Jap ng kaunti. "At first, kami lang ni Dave ang nasa BG. Then Elie came. And then Charlie and Ethan." 

"So?" 

Ngumiti si Jap. "Let me take you on a date first." 

"Date?! Duh." 

"Sige ka, di mo malalaman ang sagot ko dun sa 'so?' mo." blackmail ng binata. 

"Jap, its midnight --" 

"Sa 24hrs fastfood tayo." sabi ni Jap. 

Natawa ng dalaga. "Wow. First time kong makikipagdate ng hating gabi. And its my first time rin na makipagdate sa fastfood chain." 

"So that's a YES, i guess." nakangiting sabi ni Jap, sabay U-turn. 

****** 

"So ano na?" excited na tanong ni Andie. 

"Chismosa ka rin e no." natatawang sabi ni Jap, sabay kagat ng burger. "Di ba nga, si Dave lang at ako until Elie came. We're talking about something." 

"Then?" 

"Hmmm. Ethan had an accident 3 months ago. He lost some of his memories. Look, Andie. Im begging you, kahit bestfriend mo si Charlie, wag na wag mong sasabihin sa kanya 'to. Let the fate decide. Okay?" mahabang paliwanag ng binata. 

"Not to tell her what?" 

"On the same date Charlie was broken by that...basta, yung ex niya, Ethan met that accident." 

Kumunot ang noo ng dalaga. Lalo siyang nacurious. 

"At yung mga nangyari hours before his accident, yun ang di niya matandaan. He was drunk. Listen. Inuulit ko, Andie. SAME DATE. Si Ethan ang --" 

"Oh. My. God." tanging naging reaksyon ng dalaga. 

"Remember the date nung ginawa niyo 'yung page about the business? We're on the same coffee shop. Si Dave 'yung nakabasag --" 

Tumango-tango si Andie. "Naaalala ko na. You mean, you heard us talking, at kaya nalike mo kagad yung page? You planned all of this..." 

He nodded. "Are you mad?" 

Umiling ang dalaga at ngumiti. "Hindi. Thankful ako. Kasi di na ko mangangamba na lalaking walang daddy yung baby. Di na ko matatakot na pag nasawa si Ethan eh iwan niya si Charlie. Temporary amnesia lang naman 'yun and Im sure, maaalala rin niya ang lahat." 

"You wont tell her, will you?" 

Umiling ang dalaga. "Di ko sasabihin." 

****** 

Dumating ang dalawa sa BG ng may nagkakagulo. 

"Hayup ka!" sabay suntok ni Ethan sa isang lalake. 

Napaismid ang lalake. "Asawa? Tss." 

"Ikaw gago ka, wag na wag kong makikitang lalapit ka sa asawa ko!!" galit na galit si Ethan. 

"Ano ba, tama na!!" sigaw ni Charlie. 

Nagmamadaling tumakbo si Andie kay Charlie. 

"Makukunan si Charlie pag di pa kayo nagtigil." mahinahong sabi ni Andie. 

"Eh etong gagong to e! Niyayakap ang asawa --" 

"Sinong gago, ha?!" 

"Ano ba?! Parang di kayo pinipigilan ah?!" galit na rin si Andie. 

"Kuya naman, please tama na." ani Charlie sa lalakeng kaaway ni Ethan. 

"Sino...siya?" gulat na tanong ni Ethan. 

WANTED: Perfect DaddyWhere stories live. Discover now