chapter twenty eight--five years

8.7K 221 2
                                    

28th - 5 years. 


"Mooomm!" sigaw ng isang bata. 

"Yes baby?" sagot naman ng tinawag niyang 'Mom'. 

"Mom, I hate you for calling me baby!!" galit na sabi ng bata. 

"Hoy, Lee! Yang pananalita mo ha. You shouldn't hate your mom, di mo alam ang pinagdaanan ng mommy mo nung pinagbubuntis ka pa lang niya." galit na sabat ni Red. 

"But Daddy Red..." reklamo ni Lee. 

"Ay, tama na nga 'yan!" anaman ni Charlie. 

"Mom, sorry." anang bata. 

"It's alright, Lee. But promise me that you wouldn't say that again." ani Charlie. 

Tumango ang bata. "I promise! Si Daddy Jap kasi eh, he said that Im not a baby anymore!" 

"Wala akong sinasabi ah." Tanggi ni Jap. 

After five years, nasa pilipinas na ulit ang mag-ina pati na rin si Red. 

"Liar!" anang bata kay Jap. "Mommy Andie, he's lying! He's lying!" 

Natawa naman si Andie at bumulong sa bata. "Shhh. Don't say that." 

Tumango naman ang bata. "Momma!" baling niya kay Charlie, at nagpakarga. 

"Hmm?" anang dalaga sabay karga sa bata. 

"When will I go to school?" anang bata. 

Nagulat naman ang dalaga. "Lee, walang pasok dito ngayon. Bakasyon." 

"Momma, I used to attend summer classes in Europe!" reklamo ng bata. 

Natawa sila Jap sa bata. "Sa school ni Andie...photography para sa mga bata." 

"Momma! Gusto ko 'yun! Gusto ko 'yun!" 

Ibinaba ng dalaga ang anak. "Bahala ka. Diyan ka sa Daddy Jap mo magpabili ng camera mo." 

"Charlie naman.." angal ni Jap. 

"Ah bahala ka. Ikaw ang nagsuggest diyan." natatawang sabi ni Charlie. "Oy bruha, samahan mo nga akong magunpack ng bagahe." baling nito kay Andie. 

***** 

"How's him?" pag-oopen ni Charlie ng topic habang naguunpack sila ni Andie. 

"He's fine. Sa Baguio siya nadestino eh." anaman ni Andie. 

"Hmmm." tanging naging reaksyon ng dalaga. 

"Kung gusto mong itanong kung may girlfriend siya, WALA." natatawang sabi ni Andie. 

"Wala naman akong sinasabi ah." depensa ng dalaga. 

"Oy tanda mo na para magdeny." natatawa pa ring sabi ni Andie. 

Natawa na rin si Charlie. 

"Nababanggit mo ba siya kay Lee?" tanong ni Andie. 

Umiling lang si Charlie. "Minsan tinatanong niya kung bakit Liethan ang pangalan niya." 

"Oh ano'ng sinasagot mo?" 

"Sinasabi ko 'yung totoo. Charlie plus Ethan." deretsang sagot ni Charlie. 

"Di niya tinatanong kung sino 'yung Ethan?" 

"Hay naku. Tinatanong niya. Sabi ko friend din natin," natatawang sabi ng dalaga. "But he keeps on teasing me, 'Siya yung daddy ko no?'." 

Natawa si Andie. "Ang daldal niya." 

"Yeah. Really." sagot ng dalaga. 

Katahimikan. Ilang minuto ring natahimik ang magkaibigan. 

"Alam ni Eth na nandito ka na.." basag ni Andie. 

Napabuntong hininga ang dalaga. "Alam ko namang malalaman at malalaman niya e." 

"He wants to see you.." ani Andie. "Baka daw pwedeng magreunion ang barkada paguwi niya sa manila. Binigyan siya ng bagong kotse ng company nila e, kukunin niya sa saturday." 

"Gusto niyang magkita-kita tayo sa saturday?" tanong ng dalaga. 

"Y-Yeah..." 

"Sure. Walang problema." anang dalaga. 

"S-sigurado ka?" gulat na tanong ni Andie. 

"Oo naman. Okay naman 'yung paghihiwalay namin be --" 

Di nga pala alam ni Andie na nagkita sila ni Ethan bago sila umalis, years ago. 

"Andie, nagmeet kami before and were fine. Wag kang magalala." sabi ni Charlie. 

WANTED: Perfect DaddyWhere stories live. Discover now