chapter fifteen--Gig :D

9.6K 238 1
                                    

IKALABINLIMA - Gig. 



Saturday. 

Halos sabay na dumating si Andie at Jap sa bahay ng magasawa. 

"Uy. Aga natin ah." bati ni Jap kay Andie. 

"Maaga ba yan? Alas otso na kaya." anaman ng dalaga. "Kanina pa nga ako tawag ng tawag. Nagdoorbell na rin ako." 

"Wala bang tao?" tanong ng binata. 

"Ewan ko ba. Baka busy yung dalawa." ani Andie, saka ito natawa. 

Natawa rin si Jap. "Yeah right. Busy with their thing." 

Akmang aalis na ang dalawa para sana mauna na sila sa BG, ay nakasalubong nila si Charlie. 

"Uy. San kayo pupunta?" anito. 

"Ha? Ikaw. Where have you been? Buntis kang tao, gabi na nasa kalsada ka pa." sermon ni Andie sa kaibigan. 

Sumimangot naman ito, "Nag grocery lang naman ako. Kasama ko naman si Pula." 

"Eh yung Ethan mo? Nasaan?" nakataas kilay na tanong ni Andie. 

"Wala ba diyan?" sabi ni Charlie habang binubuksan ang gate. 

Kinuha naman ni Jap ang mga supot na dala ng dalaga upang di ito mahirapan. 

"Kanina pa kami dito, kung alam mo lang." sabi naman ni Jap. 

Pagpasok nila sa loob, dinatnan nila ang binata na natutulog sa couch. 

Para bang pagod na pagod ito. Bakit kaya? (* - Take note of this.) 

"Huy." sabi ni Jap, sabay suntok ng mahina sa braso ng binata. 

Nagulat naman ito, dahilan kung bat ito nagising. 

Halatang si Charlie kaagad ang hinanap nito. 

"Di kita nasundo. Sorry. Galit ka ba?" agad na sabi nito. 

"Ok lang. Di ako galit. Hinatid ako ni Red sa may labasan. Ano bang ginawa mo? Pagod na pagod ka." tanong ng dalaga. 

Ngumiti lang ang binata at umiling. "Wala." 

"Oy ano, sasama ba kayo?" tanong ni Andie, tukoy sa gig ni Dave. 

Napanguso si Charlie, "Parang ayoko. Ang laki na ng tiyan ko oh." 

Bumuntong hininga si Ethan. "Eh ano naman? You'll always be the sexiest woman in my eye." 

Napakagat ng labi si Andie. Gusto niyang matawa sa kakornihan ni Ethan ngunit siniko siya ni Jap. 

"Kunwari na lang wala kang narinig." bulong ni Jap kay Andie. 

Pero eto namang si Charlie, "Kahit na, ang pangit ko na. Mukha na 'kong balyena." 

"Hindi ah. Ang sexy mo ngang buntis eh." sabi ni Jap. "Pag nakatalikod ka, promise parang di ka buntis. Ang sexy mong tignan. Pati 'yung lakad mo, parang wala lang." 

"Tangina lang dude ah. Pinagnanasahan mo pala ang asawa ko?!" biro ni Ethan. 

"Uy di ah. Malay mo sexy lang talaga ako." sabi ni Charlie. 

"Oo na." natatawang sabi ni Ethan. "Magbihis ka na." 

At pumunta na nga ang dalaga sa kwarto niya para magbihis. 

"Maswerte ka bro, yung iba kapag buntis mukhang lumba-lumba eh." natatawang sabi ni Jap. 

"Tas ang itim pa ng kili-kili, namamaga pa yung ilong." dagdag ni Andie. 

Natawa si Ethan sa sinabi ng dalaga. "Charlie's different.." usal niya. 

"Dumidifferent ka pa. Ulul mo." 

Siya namang pagbaba ni Charlie ng hagdan. 

"Hey, Im ready." sabi nito. 

Naka-preggy dress ito at... at... nakashort-shorts! 

Short na para sa buntis. :D 

"Kinarir ang pagpapasexy?" natatawang puna ni Andie sa kaibigan. 

"Che." 

"Im so proud of you sis! Kaya mo pa ring magheels kahit buntis ka. Sooo fashionable." ani Andie. 

"Sooo fashionable..." malanding ulit ni Jap. 

Umirap lang si Andie. Inaasar na naman siya nito. 

****** 

"Ang tagal niyo." sabi ni Elie pagdating ng grupo sa BG. 

"Ang aga mo." anaman ni Andie. 

Katabi ni Elie sa couch si Dave. 

"Sinundo niya 'ko e." sabi ni Elie, sabay turo sa katabi. 

Inikot naman ni Charlie ang mata nito sa BG. At nakita sa sulok si Marco. 

"Hmmm. I see." sabi na lang niya. Gets niya na. 

"Ay, girl. Anthony's also here." sabi ni Elie. 

Nanlaki man ang mata ni Charlie sa gulat, agad rin namang nawala iyon. 

"Sino yun?" tanong ni Ethan. 

"Ex 'ko. 'Yung lintek na lalakeng nahuli kong nakikipaglandian sa iba. Dahil sa kanya naglasing ako. Dahil sa kanya nakabangga ko 'yung ama nito. Dahil sa kanya kung bat buntis ako --" tuloy-tuloy na sabi ni Charlie. 

And again, something strikes Ethan's brain. 

"Aww." aniya, napapikit ito sa sakit. 

"Ok ka lang, honey? Wanna go home?" alalang sabi ni Charlie. 

Umiling ang binata. "W-wala 'to. Parang...basta. Ok lang ako." 

Titig na titig si Ethan sa dalaga. 

"Ganda ko 'no." sabi ni Charlie na siyang ikinatawa ni Ethan. 

Siniko naman ni Jap si Andie. "He remembered something, sigurado 'yun." 

"Yeah. Obviously." sabi ng dalaga. 

"Pare. May naalala ka 'no?" tanong bigla ni Dave. 

Nagkatinginan si Jap at Andie, hinintay nila ang sagot ni Ethan. 

"Y-yeah." saka ito ngumiti. "Parang narinig ko na 'yung name na Anthony. Maybe my former schoolmate, o baka former officemate, o baka feeling ko lang." 

Napabuga ng hangin si Jap. "Akala ko pa naman..." hinayang na bulong nito kay Andie. 

"Babe, set ko na." paalam ni Dave kay Elie. 

"Para namang tunay 'tong dalawang 'to. May paalam effect pa." nanunuksong sabi ni Jap. 

"Good luck." sabi ni Elie. 

"Thank you." sagot ni Dave sabay halik nito sa pisngi ng dalaga. 

Nakita nilang nakatingin si Marco, pero di nila pinahalata. 

"Hanggang kailan ka ba susundan niyan, bruha?" tanong ni Andie. 

Nagkibit-balikat si Elie. "Hanggat kami ni Dave, I guess." 

KAMI? 

"Edi tigil niyo na lang yan para lubayan ka niyang si Marco." sabi naman ni Charlie. 

"Di nga niya ko susundan, lalapitan naman niya ko." depensa ni Elie. 

"Mic test. Hello, BG! Wala yatang energy ang mga tao." ani Dave, na nasa stage na pala. "Gusto ko munang mag-hi sa mga kasama ko over there." sabay turo nito sa kabarkada. 

Tinaas naman ni Ethan ang iniinom. "Cheers to that!" 

"At siyempre, sa napakasexy kong girlfriend.." saka ito kumindat kay Elie. 

Hiyawan naman ang mga tao. 

Dumila lang ang dalaga. Nahihiya siya. 

"Eto na naman ako, si Jonathan Dave, JD, Dave... Nathan, or simply 'N', para magwala. Una kong kakantahin, mula sa PNE. Nagkaron ako ng first love, she happened to be my schoolmate when I was in highschool. Di man lang naging kami, lampa kasi ako nun. Weakling. Di ko nga akalain na makikita ko pa siya. Yung feelings na inakala kong nawala na, nandito pa pala. Kung iisipin, years na ang lumipas. Pero siya pa rin pala ang mahal ko. Kaya siguro di ko makuhang magseryoso." sabi ni Dave, at ngumiti siya ng bahagya. 

"Di ba...di ba may girlfriend siya? Ang sakit nun. Harap harapan." sabi ng isang customer. 

"Look...she's crying. My God. Maybe she's hurt that much." sabi pa ng isa. 

At gaya nga ng pinaguusapan nila, unti-unting tumulo ang luha ni Elie. 

"Ok ka lang?" sabi ni Jap. "Nasaktan ka ba?" 

Umiling ang dalaga, ngumiti. Pero patuloy pa rin ang pagagos ng luha niya. "Im fine. Very fine." 

Naguguluhan man ay di na lang nila ginulo muna ang dalaga. 

"...kakalipas lamang ng isang sem nang makita kita na mayroong ibang kasama, magkahawak ang inyong mga kamay, ang dibdib ko ay sumikip, ang paglunok ko ay naipit. Aking napatunayan na nasa huli ang pagsisisi, para bang gusto kong umiyak ngunit para san pa? Wala namang magagawa..." kanta ni Dave. 


-- 
hala. bat umiyak si Elie?

WANTED: Perfect DaddyOnde histórias criam vida. Descubra agora