chapter thirty--Reunion(ending)

9.8K 239 0
                                    

30th - ReUNION. Ending. 


Sa kwarto ni Charlie. 

"This, or this?" tanong ni Charlie kina Elie at Andie. 

Nagaayos sila ngayon. 

At namumrumblema si Charlie sa isusuot niya. 

"Party? Party?" nangaasar na sabi ni Elie. "Get together lang ng barkada 'to 'neng. Nakita ka nga nila ng buntis ka e!" 

Napanguso lang ang dalaga. 

"Pano, darating ang love of her life. Kaya yan nagpapaganda!" natatawang gatong ni Andie. 

"Oy. Di ah!" tanggi ng dalaga. 

"Sus. Nangyari na 'yan dati. Remember nung interview?" natatawang dagdag ni Elie. 

"Nakakainis kayo, alam niyo 'yun?" asar na sambit ng dalaga. 

"Napikon." natatawang sabi ni Elie. "O siya. Yung white na lang." tukoy nito sa damit. 

Sina Dave naman at Jap ay busy sa pag-iihaw sa labas. 

Ang bata namang si Lee ay pansamantalang dinala sa Lolo nito, kay Ysmael. 

Baka kasi sakaling mauwi sa inuman ang kwentuhan mamayang gabi. 

-- 

Kumakain na sila. 9pm na ngunit wala pa rin ang Ethan. 

Napansin din nila Jap na kanina pa tingin ng tingin sa relo si Charlie. 

"Darating 'yun. Wag kang excited." natatawang sabi ng binata sa dalaga. 

"Che. Shattap. Excited mo your face." inis na sabi ng dalaga. 

Matapos kumain ay napagpasyahan nilang manuod ng DVD habang umiinom. 

Sari-saring kwento ang naishare nila. 

Inalala rin nila ang mga pangyayaring di nila malilimutan. 

"Remember our first meeting?" natatawang tanong ni Dave. 

"Ay oo. Grabe, supalpal si Jap kay Andie nun." sabi ni Elie. 

"Eh bakit? Siya nga, tanong ng tanong e. Di naman pala siya yung buntis!" sagot ni Jap. 

"Wag kayo, dun kaya unang nagtagpo si Ethan at Charlie." tukso ni Andie. 

"At si Ethan, ayaw pa raw nung una." ani Jap. 

"Ipasa raw ba sa 'kin yung trabaho? Edi di ko nakatuluyan 'to." ani Dave sabay gulo sa buhok ni Elie. 

"Eh eto. Nung dinugo si Charlie." di mapigilan ni Jap ang pagtawa. "Emergency raw ba 'yun? Gago talaga e." 

"Bat ba puro kami ang topic? Mga 'to." inis na sabi ni Charlie. 

11pm. 

Wala pa rin si Ethan. 

Matutulog na siya. 

Bandang mga 2am ay biglang may kumatok sa kanyang kwarto. 

"Honey..." patuloy itong kumakatok. "Honey..." 

Napamulat siya ng mata. Nagulat. 

Tatayo ba siya? Matutulog ulit? 

"Hon?" patuloy ang katok ng binata. 

"A-Ayan na.." anang dalaga. 

Animo'y nagbibilang siya ng hakbang sa bagal niyang makarating sa pinto. 

Paanong pagharap ba ang gagawin niya? 

Pikit mata niyang binuksan ang pinto. 

Boxer. Sando. Unan. 

Nawala ang hiya niya at natawa ng malakas. 

Nangyari na ito dati. 

"Anong..." anang dalaga. 

Nagkibit-balikat ang binata. "Uhhm. One of the benefits? Sleep with my wife.." at nagtataas na naman ang kilay nito. 

Natawa na ng tuluyan ang dalaga. 

"Nandito rin ako para maningil, may utang ka pang benefit sa 'kin." pilyong sabi ng binata. 

Unti-unti niyang nilapitan ang dalaga hanggang mapahiga ito sa kama. 

"O-Oy, Ethan. 'Wag kang --" 

"Ano? Di ka na buntis ngayon..." malanding sabi ng binata sa dalaga. 

Tumabi siya rito. 

"Namiss kita.." bulong ng binata. "Tara, tulog na tayo." 

Napanguso ang dalaga at nagdadabog na umayos sa pagkakahiga. 

Naramdaman niya na lang ang pag-uga ng kama dahil sa pagpigil ng tawa ng binata. 

"Anong tinatawa-tawa mo?! Lumayas ka nga diyan!" inis na sabi ng dalaga. 

"Wala. Hanggang ngayon kasi nadidisappoint ka pa rin." natatawang sagot ng binata. 

Pagkuwa'y bigla nitong dinaganan ang dalaga. "Ano bang gusto mo?" landi nito sa dalaga. 

"Pa-Parang...parang may naalala ako." anang dalaga na tila litong lito. 

Umayos ng higa ang binata at umalis sa pagkakadagan sa dalaga. 

"Five years..." usal nito. "Tagal nating di nagkita." 

"Y-Yeah. Bukas, wala ka na ulit. Uwi kang madalas ah?" anang dalaga. 

"Miss ba 'ko ng honey ko?" seryoso ang binata, ngunit natawa ang dalaga. 

"Ang tagal na walang tumatawag sa 'kin ng honey.." 

"Edi namiss mo nga ako." anang binata. 

Magkaharap silang nakahiga ngayon. Tinitignan ang isa't isa. 

Hindi sumagot ang dalaga, bagkus ay ngumiti ito ng ubod ng tamis. 

"Payakap nga.." anang binata habang umuusad palapit sa dalaga. 

At gaya nga ng nais niya, niyakap niya ang dalaga. 

"Sobrang namiss kita." anang binata, di niya mapigilan ang paghikbi. 

Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi ito ang Ethan na kilala niya. 

Ni minsan ay hindi siya umiyak para lang sa isang babae. 

Tahimik lang naman ang dalaga at pinakikinggan ang bawat paghikbi ng binata. 

"W-Wag niyo na pahanap 'yung ama ni Liethan, ako na lang." anang binata. Nagmamaka-awa. "Ako na lang...please." 

Nagsisimula na kasi ang paghahanap sa tunay na ama ng bata. 

"Gusto kita, Charlie. Importante ka sa 'kin. Mahal kita. Mahal ko kayo ni Liethan." anang binata. 

Walang masabi ang dalaga. 

Gusto niyang sabihing the feeling is mutual. 

Pero hinalikan siya ng binata. 

Maiinit na halik ang iginawad sa kanya nito. 

Hanggang sa di na mapigilan ang pag-galaw ng kamay ng binata. 


--

WANTED: Perfect DaddyWhere stories live. Discover now