chapter thirty one--Epilogue

15.7K 444 73
                                    

Epilogue 


"Ano na? May nangyari ba?" usisa ni Eunice sa kapatid. 

Nagaayos ito ng gamit dahil ngayon na ang balik niya sa Baguio. 

"Ate naman. Di na tinatanong 'yan!" naiinis na si Ethan. 

Kanina pa siya tinatanong ng Ate niya tungkol sa kanila ni Charlie. 

"Bakit? Gusto ko lang naman malaman." anang Ate niya. 

"Kababae mong tao, Ate!" iritang sabi ni Ethan. 

Nagtatalo sila ng Ate niya ng biglang may mangistorbo sa kanila. 

"Daddy!" sigaw ng bata. 

"Hey...come here, Liethan." anang binata. 

Kaagad na nagpakarga ang bata sa Daddy niya. 

"Did you tell your Mommy about this?" tanong ng binata. 

Umiling si Lee. 

"Gago ka, tinakas ko lang 'yan. Sabi ko ipapasyal ko." natatawang sabi ni Jap. 

Tinext kasi ni Ethan si Jap na kung maaari ay magkita sila ng bata bago siya umalis. 

At heto na nga. 

Awang naman ang bunganga ng Ate ni Ethan. 

Ngayon lang kasi niya makikita ang bata. 

Maigi niyang pinagmasdan ang bata. 

"You really looked like Ethan.." aniya sa bata. "Magkamukhang-magkamukha kayo. Imposible." baling niya sa kapatid. 

"Ofcourse its possible. He's my Dad." agad na sagot ng bata. 

Natawa naman si Ethan sa anak. "Ganyan nga, 'wag mong pansinin 'yang Tita Eunice mo. Panget 'yan." 

Tumango naman ang bata. "Yeah. She really is." 

"Aba't..." ani Eunice. "Magtago ka na sa pundya ng Daddy mo, gugulpihin kita!" biro nito. 

Tawa ng tawa ang bata. 

Naamazed naman ang binata sa tawa ng anak. 

Kailan kaya niya ito makikitang muli? 

"Oy. Iwan ko sa 'yo yan ah." ani Jap. "Sunduin ko lang si Elie sa grocery. Pinapasundo ni Dave e. Kung gusto mo, ikaw na rin ang maghatid. Para naman...alam mo na." 

Natawa si Ethan. "Oo na. Lumayas ka na." 

"Daddy! Are you leaving?" tanong ng bata ng makita ang mga gamit ni Ethan. 

"Uhhhm. Yeah." sagot ng binata. "I need to work." 

Tumango-tango naman ang bata. 

"Daddy!" tumingin naman ang binata sa kaniya. "Smile!" 

Pinicturan pala nito ang binata gamit ang camerang binili ng nito para sa kanya. 

"Akina, picturan ko kayong dalawa." ani Eunice kay Lee. 

Agad namang ibinigay ni Lee ang camera niya. 

Nakaupo si Ethan sa kama. Tumayo naman si Lee sa kama at lumapit sa Daddy niya. 

Pagkuwa'y pumunta ito sa likod ng binata at niyakap ito mula doon. 

Ang cute nilang tignan. 

"Smile!" ani Eunice. 

Nagulat na lang ang binata ng bigla siyang sinakal ng bata. 

Panay lang ang picture ni Eunice habang naghaharutan ang mag-ama. 

"Ah ganun ah?" ani Ethan. "Hetong sa 'yo!" kiniliti niya ang anak. 

"Stop! Daddy, stop!" tawa ng tawang sabi ng bata. 

Tumigil naman si Ethan. "Come on, help me." aniya sa bata tukoy sa pagaayos niya ng gamit. 

Tumulong naman ang bata. 

At wala pa ring tigil ang pagkuha ni Eunice ng picture sa dalawa. 

"Daddy Jap told me something, Dad." biglang seryosong sabi ng bata. 

"Huh? What was that?" 

Ngingiti-ngiti ang bata. Ngiting pilyo. 

Ethan na Ethan talaga. Sa isip ni Eunice. 

"You and Mom." anang bata. 

"What about them?" tanong ni Eunice. 

Lalong ngumiti ng pilyo ang bata. "They slept together last night...And --" 

"Liethan!" saway ni Ethan dito. 

Tawa naman ng tawa si Eunice. 

"Ayun! Nasagot din ang tanong ko kanina!" ani Eunice. 

Kumunot ang noo ni Ethan at ngumuso. 

Binelatan lang naman siya ng anak. 

At muli, kinuhanan ni Eunice ng litrato ang eksenang yun. 

Nang matapos sila ay ang kotse naman ang aayusin nila. 

Ililipat nila ang mga importanteng gamit ni Ethan sa bagong kotse nito. 

Remember, binigyan siya ng bagong kotse ng company kaya siya nasa Maynila ngayon. 

Pinaandar na muna ni Ethan ang lumang kotse. 

Papainitin muna niya ito dahil siguradong mai-stock ito sa mahabang panahon. 

Pumasok si Lee sa loob ng kotse. Sa passenger seat. 

Kinulit niya ng kinulit ang Daddy niya. 

Kumandong pa siya rito. 

"Picture!" ani Eunice. 

Sabay silang dumungaw sa bintana ng driver's seat. 

Matapos noon ay tinulungan ulit ng bata ang Daddy niya. 

"Daddy! Kailangan mo pa ba 'to?" anang bata sabay taas sa isang lumang shades na galing rin sa loob ng kotse. 

"Di na!" sigaw ng binata na nasa kabilang kotse naman. 

Idinederetso ng bata ang mga gamit na di na kailangan sa basura. 

Maraming naitapon. Mga bagay na di na gagamitin ng binata. 

Natawa bigla ang bata sa gitna ng pagsimot niya ng laman ng kotse. 

Tinaas niya na parang nandidiri pa ang bagay na nakita niya. 

"Dad! Eh eto, kailangan mo pa?" natatawang tanong ni Lee. 

Isa iyong panty na nakita niya sa ilalim ng upuan. 

Nagulat si Ethan at mabilis inagaw iyon sa bata. Tinapon niya kaagad sa basurahan. 

"Kadiri." natatawang sabi ng bata. 

"Loko ka." anang binata sabay gulo sa buhok ng anak. 

Again, picture. 

Nagtaka na lang ang binata ng biglang natahimik ang bata sa paghahalungkat. 

"Liethan! Wala na bang laman --" anang binata. Napatigil siya ng makita ang anak. 

May tinitignan ito. 

Ang wallet ni Charlie. 

"Ang dami namang resibo." ani Liethan. 

Natawa si Ethan. 

"Bakit nandito yung wallet ni Mommy, ha? Ikaw siguro talaga Daddy ko 'no?" parang wala lang na tanong ng bata. 

Sa gitna ng paghahalungkat ng bata sa mga resibo, isang papel ang naiiba sa mga ito. 

Pamilyar sa binata ang papel. 

Agad niyang kinuha ito at tinignan. 

Its a note. 

'GO HOME. EVERYTHING'S PAID.' 

"This...is..my...handwriting..." usal niya. 

Sa pagkakabasa niya sa nakasulat sa papel, napahawak siya sa ulo niya. 

Isa-isang nagflashback ang mga pangyayari. 

Nakita niya si Charlie noon, umiiyak ito. 

Pakialam niya? Ni hindi nga niya kilala 'yun. 

Pero hindi niya maitanggi sa sarili na nagagandahan siya rito kahit pa umiiyak ito. 

Naglalakad ang dalaga papunta sa CR. 

Parang babagsak na ito sa kalasingan. 

Nagpasya siyang sundan ito. 

Delikado kasi kung magisa siyang pupunta sa CR. 

Doon kasi ang tambayan ng mga lalakeng may ginagawang hindi kanais-nais. Mga nagddrugs. 

Nagulat siya ng biglang bumalik ang dalaga, dahilan kung bakit ito bumangga sa kanya. 

"Sino ka?! Si Anthony ka ba?! Walang hiya ka!" at pinaghahampas siya ng dalaga. 

Kung sino man ang Anthony na 'yun, di niya alam. 

Nagulat siya ng bigla siyang nasukahan ng dalaga. 

Kung sa ibang pagkakataon ay maiinis siya dito. 

Ngunit iba ang nararamdaman niya noon. 

Alam niya, kailangan ng dalaga ang comfort. 

Hanggang sa humantong ang lahat sa isang hotel. 

"Kaya ba ipinagpalit niya ko, kasi di niya makuha ang virginity ko?" biglang sabi ng dalaga. 

Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. 

Kaya sumasakit ang ulo niya pag may nababanggit ang mga kaibigan. 

"D-Daddy?" ani Liethan. 

Kinarga niya ang bata. 

"Ako..." naiiyak na sabi ni Ethan. "Ako ang daddy mo." 

Niyakap naman ng bata ang Daddy niya. "Alam ko. Alam ko naman talaga na ikaw ang Daddy ko eh. Sinabi sa 'kin ni Daddy Jap." 

"A-alam ni Jap?" 

Tumango ang bata. "Wag kang magalit sa kanya. Gusto lang daw niya na ikaw ang makaalam." 

"Alam ba ng Mommy mo?" 

"Hindi." anang bata. "Hatid mo na 'ko, Dad. Talk to Mom." 

**** 

"Momma!" sigaw ni Liethan. Agad itong yumakap sa Mommy niya. 

"Lee!" ani Charlie. 

"Im with Dad.." biglang sabi ng bata. 

"Daddy Jap? Daddy Red? Daddy Dave is here--" 

"My real dad, Momma." sabi ng bata. 

Agad nagkatinginan si Andie at Dave. 

"Liethan...you dont know --" ani Charlie. 

"No, Mom. I do. He's waiting for you outside." nakangiting sabi ng bata. 

Alangan man ay pumunta pa rin si Charlie sa labas. 

Nakita niya ang lalakeng nakaputi, nakajacket, nakasumbrero, nakapantalon at rubbershoes. 

Bigla niyang naalala. Iyon ang suot ng lalakeng nakabuntis sa kanya. 

"I-Imposible..." usal ng dalaga. "I-Ikaw..." 

Lumapit sa kanya ang binata. 

"This..." anang binata sabay abot sa kanya ng papel. "A-Ako ang nagsulat niyan. Sulat-kamay ko 'yan..." 

"Ethan.." 

Tumango ang binata, at mahigpit na niyakap ang dalaga. "Ako nga, ako nga.." 

Di mapigilan ng dalaga ang pagiyak. 

"Hindi ka naman naka-white shirt nun e.." reklamo ng dalaga. 

Natawa naman ang binata. "Wala na yung damit ko, tinapon na yata kasi puro dugo. Naaksidente ako di ba?" 

Niyakap ulit niya ang dalaga. "Pwede mo na 'ko mahalin.." 

"Kahit naman nung hindi pwede, ginawa ko na e.." sagot ng dalaga. 

Ngumiti si Ethan hinalikan ang dalaga ng buong pagmamahal. 

"PICTURE!" ani Liethan na kanina pa pala nanonood. 

Kinuhanan niya ng picture ang dalawa. 

"Loko kang bata ka. Kaya pala kamukha kita." anang binata sabay kurot sa pisngi ng bata. 

"Parehas kaming pogi, di ba Mommy?" ani Liethan habang pataas-taas ang dalawang kilay. 

Ethan na Ethan. 

Natawa ang dalaga sa ginawi ng anak. 

"Momma, ngayon you dont have to send me to Lolo's house pag may gagawin kayo gaya kagabi --" at biglang tumakbo ang bata dahil hinabol siya ng Daddy niya. 



-- END.

WANTED: Perfect DaddyWhere stories live. Discover now