chapter twenty six--A wonderful gift

8.1K 224 0
                                    

26th - A wonderful gift. 


"...ang sanhi po ng pagparito, hihingi po ng aginaldo, kung sakali kami'y perwisyo, pasensya na kayo, kami'y namamasko. We wish you a Merry Christmas --" 

Tuwang tuwa si Charlie sa mga batang nangangaroling. 

"Tama na." natatawang sabi ng dalaga. 

Siniko naman ng isang bata yung kasama niya. "Ikaw kasi, sintunado ka!" sita nito. 

Lalong natawa ang dalaga. 

It's Christmas Eve. Kasama niyang sasalubong sa pasko sina Jap at Andie. 

"Huy ano ba, wag kayong magaway." natatawang saway ng dalaga. "Gusto niyong kumain? Pasok kayo." 

Nagkatinginan ang dalawang bata. 

"Sige po ate --" anang lalakeng bata. 

"Ano ka ba? Ang timawa mo!" saway naman ng babaeng binata. "Naku ate. Wag na, nakakahiya kasi."

"Di yan. Tara pasok kayo." pilit ng dalaga. 

Wala na rin namang nagawa ang batang babae. 

Napatingin naman si Jap at Andie sa mga bata. 

"Hi ate, hi kuya." anang batang babae. 

Busy kasi sa paglalampungan ang dalawa, kaya hindi kaagad nila napansin ang pagpasok ng dalawang bata. 

"Hello!" nakangiting bati ni Andie. 

"Kakain sila." ani Charlie. 

Tumayo naman ang binatang si Jap. 

"Kuha ko sila, teka." anang binata saka ito tumayo at nagtungo sa kusina. 

"Alam ba ng parents niyo na nangangaroling kayo? 11 na oh. 1 hour na lang, pasko na." tanong ni Andie. 

Umiling ang batang babae. Nasa apat na taon pa lang ito at nasa lima naman ang lalake. 

"Wala naman po kaming magulang. Sa kalsada lang kami lagi." malungkot na sabi ng batang babae. 

Napakagat sa labi si Andie. Naaawa siya sa bata. 

Bigla namang umiyak si Lee mula sa crib nito. 

Nakuha ni Baby Lee ang atensyon ng dalawang bata. 

"Ay! May baby sila, may baby sila Top!" anang batang babae. 

Dali silang nagpunta sa crib ni Lee. 

"Kawawa naman. Nilalamok siguro." sabi ng batang lalake, o si Top. 

Natawa si Charlie. "Di siya nilalamok, nagugutom siya." aniya sabay karga kay Lee para padedehin. 

"Anong name niya, ate?" anang batang babae. 

"Lee." sagot ni Charlie. 

"Siya, Top ang pangalan. Eh ikaw anong name mo?" tanong ni Andie sa batang babae. 

"Cam po." sagot ng bata. 

"Kristopher po ako, siya naman Camille." sabat ni Top. 

"Tuwang tuwa kayo diyan. Kain na kayo." ani Jap na may dala ng spaghetti. 

11:30 pm. 

Tatlumpung minuto na lang, pasko na. 

Masaya naman si Charlie sa kabila ng mga nangyari. 

Biyaya para sa kanya si Lee. 

Kahit na masakit rin para sa kanya na lalaking walang ama si Lee, ayos na rin. 

Sabi nga ni Jap, maraming tatayong ama ng bata. 

"Daddy Jap, pakarga naman si Lee." ani Charlie na pinapasa si Lee kay Jap. "Kukuha lang akong diaper sa taas." 

Sa itaas naman, pansamantalang nahiga si Charlie. 

Inalala ang masasayang alala nila ni Ethan. 

11:45pm. 

Naalala niya ang susing iniabot sa kanya ni Ethan. 

Susi iyon ng kwarto ni Ethan. 

Hindi pa niya ito binubuksan ngunit ngayon ay tumayo siya mula sa pagkakahiga at tinungo ang kwarto. 

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto mula sa pagkakalock nito. 

Kinapa niya ang switch ng ilaw mula sa dingding at ini-on iyon. 

Everything's blue... 

Nagsimulang tumulo ang luha niya sa nakita. 

Crib. Stuftoys. At marami pa. 

The room is painted with boyish stuffs. 

"Liethan..." basa niya sa nakaengrave na pangalan sa crib. 

Nagsimula na siyang humikbi. 

"Charlie! Yung diap-- wow." Si Jap. 

Napahagulgol si Charlie. "Daddy Jap!" aniya. 

"What a wonderful gift..." usal ni Jap. 

"5, 4, 3, 2, 1!!!" sigaw mula sa labas. 

Ang mga bata. 

"Ate! Kuya! Pasko na, pasko na!" tuwang tuwang sigaw ni Cam mula sa ibaba. 

Napangiti si Charlie at nagpasyang bumaba na. 

"Bestfrieeend! Merry Christmas!" ani Andie sa dalaga. 

Niyakap naman siya ni Charlie. "Thank you! Merry Christmas!" 

Maya pa'y may kumatok sa pinto. 

Si Charlie ang nagbukas at nagulat siya sa mga taong nasa labas. 

Si Elie, Dave, at Red. 

"Merry Christmas!" sabay nilang bati sa dalaga. 

"Arrgh! Sabi niyo busy kayo. Nakakainis kayo!" sentimyento ng dalaga. 

"Surprise nga e. 'To naman." ani Red. "Oh, Merry Christmas." sabay abot nito ng regalo sa dalaga. 

"Salamat, Pula!" bawi ng dalaga. "Ano 'to?" 

Nagkibit balikat lang ang binata. 

Binuksan ng dalaga ang regalo ng binata. 

"Wow. Tuloy na talaga tayo sa Europe!" sabi ng dalaga. "Thank you, thank you!" 

"Sasama ako sayo." ani Red. "I need to move on. Masyadong maraming nangyari sa 'kin this year." 


--

WANTED: Perfect DaddyWhere stories live. Discover now