chapter twenty seven(part two)--I'm Leaving

8.4K 231 0
                                    

27th - I'm leaving... part 2 



Hindi naman siya dapat na magulat. 

Alam naman ng binata na nasa loob lang ng simbahan ang dalaga. 

Alam din niya na pwede itong lumabas anu mang oras. 

Pero... 

"Huy!" anang dalaga. "Nashock?! OA nito." 

"Ah.. Ano... S-Si Red kasi... Uhh..." utal na sabi ng binata na siyang ikanatawa ng dalaga. 

"Ano ka ba, act yourself. 'Wag kang mataranta. Ako lang 'to." anang dalaga. 

"Yun na nga e. Ikaw lang yan pero daig ko pa ang naiharap sa presidente!" biglang sabi ng binata. Maging siya ay nagulat din sa kanyang nasambit. 

"Ah -- I mean, eto na si Liethan oh." 

"Ayaw mo siyang kargahin?" tanong ng dalaga. 

"G-Gusto. Pero..." 

"Ay. Wala ng pero-pero! Pasyal tayo, tara!" masiglang sabi ng dalaga sabay hila sa binata. 

"O-Oy, teka!" anang binata. 

"Bakit ba? Today is sunday, family day!" pilit ng dalaga. 

"H-Ha?" 

"Ang ano mo naman. Let's be a family, kahit ngayon lang. Tara na!" hila pa rin ng hila ang dalaga. 

"Oo na! Teka, yung damit ko naman!" reklamo ng binata. 

Nagpunta sila sa isang mall. 

"Dahil hindi mo 'ko sinamahang mamili ng damit dati ni Liethan, sasamahan mo 'ko ngayon." anang dalaga. 

Alam niyang hate na hate ng mga lalake ang pagsashopping. 

"Opo.." at tumaas-taas na naman ang kilay ng binata. "..misis." dugtong niya. 

Napakagat sa labi ang dalaga at biglang tumalikod. 

"Aruy. Nagpipigil ng kilig ang misis ko" natatawang tukso ni Ethan sa dalaga. 

"Hindi." anang dalaga. "Kapal ng mukha nito." 

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga habang tulak ang stroller ni Lee. 

Iniwan niya si Ethan. 

"Uy! Honey naman. Teka!" ani Ethan at hinabol ang dalaga. 

"Che!" pagtataray ng dalaga. 

Niyakap ng binata ang dalaga patalikod. 

"Napaka nito. Mainitin pa rin ang ulo." reklamo ng binata habang .... 

"Ay!" humiwalay ang dalaga sa binata. "Ang ano mo!" 

Ibinulsa lang naman ng binata ang dalawang kamay. 

"Ano?" painosenteng tanong niya. 

"Heh! Ang ano mo. Nasa mall tayo, kung makahalik ka ng batok --" 

"Masarap no?" anang binata, habang pataas-taas ang kilay nito. 

Inaamin ng dalaga na isa ito sa mga namiss niya sa binata, ang habit nitong magtaas-taas ng kilay. 

"Huh! Masarap ka diyan." irap ng dalaga. 

"Honey naman... di ka na buntis oh. Pwede nang --" 

"Ay naku, Ethan ah. Lubayan mo 'yang pagnanasa mo sa 'kin." natatawang sabi ng dalaga. 

"Eh may kakapalan din naman pala ang mukha ng misis ko e.." sabi ng binata sabay kurot sa magkabilang pisngi ng dalaga. 

***** 

"Thank you sa buong araw." anang dalaga. 

Nasa labas sila ng mall at nanunuod ng fireworks. 

Umiling ang binata. "Ako nga dapat ang magthank you eh. Gusto ko ring magsorr--" 

Pinigilan ng dalaga ang pagsasalita ng binata. 

Inilagay niya ang index finger niya sa labi ng binata. 

"Hayaan mo na 'yun." 

Niyakap ng binata ang dalaga. 

Matagal. 

Walang nagsasalita. 

Hanggang sa marinig ng binata ang mahinang paghikbi ng dalaga sa dibdib niya. 

"Honey?" alalang tawag ng binata rito. "What's wrong?" 

Hinawakan ni Ethan ang pisngi ng dalaga. 

"Im leaving, Ethan. Lee and I are leaving. We're leaving..." anang dalaga na lumuluha. 

"Kelan ka babalik?" 

Hindi sumagot ang dalaga. 

"Can I... uhhh.." utal na sabi ng binata. 

Napangiti ang dalaga sa gitna ng pagiyak niya. 

Napakamot ang binata. "Ano na? Can I? Can I kiss you?" 

Parang nangyari na ito...sa isip ng binata.

WANTED: Perfect DaddyWhere stories live. Discover now