chapter twenty five--Limits..

7.8K 223 3
                                    

25th - Limits... 


Nakauwi na ng bahay si Charlie. 

December. 2 weeks na siyang nasa bahay. 

And 6 days from now, pasko na. 

Nararamdaman niya ang lamig ng hangin ng pasko. 

Ngunit hindi ang ispirito nito. 

"Bestfriend..." ani Andie dito. 

Kasama niyang nagsstay sa bahay ang dalaga, pati na rin si Jap. 

Malaki kasi ang bahay kung magisa lang siya doon. 

"Hmm?" sagot ng dalaga. 

"W-wag kang magagalit ha? I asked Ethan to come here.." usal ni Andie. "I want you guys to clear things out." 

Tumango ang dalaga. "Siguro nga, panahon na.." 

Niyakap siya ni Andie. "Be strong. Kaya mo 'yan. Nandito lang kami. Okay?" 

"Thank you, best. Thank you..." 

******** 

"Oo nga. Everything has it's limit. At oo, nakalimutan kong may limitasyon 'tong lahat. Itong pagpapanggap natin, iyong sa atin -- oh God, wala nga palang 'atin'. Masakit! Alam mo ba yun? Kasi minsan, sumagi sa isip ko na sana ikaw na lang. Ikaw na lang yung daddy nito. Na sana totoo na lang ang lahat. Mas masakit, kasi magaling kang umarte. At nadala ako doon." Umiiyak na sabi ni Charlie. 

"Honey, please --" 

"Putang ina, Ethan. Wag mo 'kong mahoney-honey. Di mo 'ko asawa. Di nga tayo kasal, di ba?!" sigaw ng dalaga sa gitna ng pagiyak niya. 

Nanginginig na siya. 

Sa sakit. 

Emosyonal. 

Pisikal. 

"Leave." aniya sa binata. 

"Charlie..." mahinang usal ng binata. "Pagexplainin mo naman ako." 

"Okay. 5 minutes. Explain mo lahat." anang dalaga. 

"Yna's my exgirlfriend --" 

"You lied to me, sa simula pa lang. Ang sabi mo, di mo siya kilala." umiiyak pa rin ang dalaga. 

"She...she just helped me with one thing. Interior designer siya and --" 

"At ano, pinadesignan mo yang katawan mo?" 

"Charlie, no." anang binata sabay abot ng isang susi sa dalaga. "Here's the key. Malalaman mo diyan."

"Okay, last question. Habang magkasama kayo dito sa mismong pamamahay ko for I dont know how many times, did something intimate happened to both of you?" pikit matang tanong ng dalaga. 

Dapat handa siya sa isasagot ng binata. Positibo man o hindi. 

Hindi nakasagot si Ethan, napayuko lang ito. 

Ang sakit...ang sakit na sa mismong pamamahay niya pa nangyari ang lahat. 

Napapikit ng madiin ang dalaga. 

"Are...are you d-drunk that time?" 

Umiling ang binata. "Hindi ko alam ang nangyari." ani ni Ethan. 

"Hindi ka nakakainom that time, so alam mo." diin ng dalaga. 

Ethan looked away. 

"Y-You knew it, pero hindi ka tumanggi. How was that?" 

"Charlie..." usal ni Ethan. 

"Ginusto mo 'yun, Ethan. At yun ang totoo. Now, leave." sabay turo ng dalaga sa pinto. 

"Im sorry." anang binata. 

He turned his back on her. 

He left her...wala na, wala ng Ethan. 

Napaluhod ang dalaga ng marinig ang sorry nito. Lalo siyang napaiyak. 

Inamin ba nito na nagkamali siya? 

Ano bang mali? Yung may babae si Ethan? Yung may nangyari sa kanila? 

God, Charlotte. Sino ka para magselos?! Tunay niyang anak yun, sakaling magbunga yun. Anong laban mo?! Nagkukunwari lang kayo! - anang isip niya. 

--

WANTED: Perfect DaddyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora