Chapter 23

746K 15K 5.3K
                                    

Chapter 23

I can't believe it. 

"Kailan ang proposal?" Cristine asked him. 

May gana pa silang mag-usap habang ako rito, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pano nila sa'kin 'to nagawa? All along akala ko okay na, akala ko kaibigan ko si Cristine... akala ko alam ko na yung lahat... Puro lang pala ako akala.

Nanginginig ang kamay ko habang hinihintay kong sumagot si Drake. Damn this life! Mahigit isang buwan pa lang simula ng bumalik ako pero puro na agad problema ang dinadanas ko rito! Sana pala hindi na lang ako bumalik!

"The day before the wedding..." said Drake.

I was frantically sobbing with everything. Ayoko na, please... 

"Hmm, okay. What if hindi siya pumayag?"

"She will."

"Nuxx the confidence, ha! Go, Drake!"

"Tss."

Hinintay ko silang umalis. Ako? Mind-f-ucked. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko... Magpopropose siya sa akin! My god! Ano ang gagawin ko?!

Breathing in and out, I calmed myself.

"Think, Alys." I washed myself and then stared at the mirror. "End this madness, Alys."

Pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko at maghanap ng mabibilhan ng tubig, umalis na ako. Mabuti na lang pala na dala ko yung sunglasses ko kasi baka pagtinginan ako ng mga tao rito. My eyes looked freaking bloodshot! Mukha akong umiyak ng umiyak. Pati yung ilong ko ay namumula.

The drive was long and winding, mabuti na lang talaga at narerelax ako kapag nagddrive ako kung hindi baka binunggo ko na lang 'tong sasakyan ko sa puno at humiling sa Diyos na magka amnesia sana ako! God, I'd give anything para makalimutan ko lahat ng alam ko ngayon!

Pagbalik ko sa Manila, dumiretso agad ako kay Tripp. Ayoko ng magsinungaling. Ayoko na. Pakiramdam ko anytime sasabog na ako! 

"Tripp..." I said. Nandito ako ngayon sa office niya. Mabuti na lang at lunch break ng secretary niya, ayokong marinig niya pa ang pag-uusapan namin. I know this will go down dirty.

He looked at me, shocked.

"Bakit ka umiiyak?!" he said and then lumapit siya sa akin, wiping the tears. "Umupo ka nga," sabi niya tapos dinala niya ako sa swivel chair niya.

"Tripp..." 

That was all I can say. Puro Tripp, puro sobs. Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Natatakot ako na baka pagkatapos nito, talikuran niya ako. Ayoko ng secrets. God knows how much I despise secrets! Alam ko na 'yun ang dahilan kaya nasisira ang relationships... Iyon ang dahilan kung bakit kami nasira ni Drake. Ayokong mangyari rin sa amin ni Tripp iyon... We're better than that. 

Umalis siya at iniwan ako.

God! Ngayon pa lang naiimagine ko na na ganun yung gagawin niya once na malaman niya yung mga nangyayari! Paano pa kaya kapag nangyayari na talaga? Kapag nasa harap ko na mismo siya, na nagagalit sa akin kasi all along nagsinungaling ako sa kanya?

Bumalik siya na may dalang bottled water at inabot niya sa akin.

"Uminom ka muna," sabi niya tapos binuksan niya yung cap ng tubig at pinainom ako. He was caressing my back while watching me drink. God, I'm so stupid! Ito ba yung relationship na gusto ni Drake na baliwalain ko para lang sa kanya?!

After drinking the water, he cupped my face and looked at me worriedly. "Okay ka na ba?"

I was still sobbing but nothing beyond control. I nodded and another tear fell from my stupid eye.

"Y-yeah..."

He nodded and then hinawakan niya yung kamay ko. "Okay. Bakit ka umiiyak, Zyril?" he asked, still worried.

Mas hinawakan ko yung kamay niya and stared at him with my most pained expression. "I'm sorry..."

His eyes trembled with fear sa narinig niya sa akin. I guess he'd seen this coming, too.

"Kanina ka pa nagsosorry." He sighed. "Tell me, may problema ba tayo?"

I'd trade anything para sabihin na 'no, wala tayong problema.' But who am I trying to kid? May problema kami! And the longer I prolong this, the messier this will be.

"Wag kang magagalit, okay?" I cooed him.

He took a deep breathe and closed his eyes briefly. "Tungkol na naman kay Drake?"

I nodded. God, this is hurting already!

"Please, makinig ka muna, ha?" I said softly. "I... I heard na magpopropose siya sa akin..."

"ANO?!" sabi niya tapos napatayo siya. "Ano'ng sabi mo?"

And then as if on cue, naiyak na naman ako...

"K-kasi... n-naalala mo y-yung wedding nila n-ni Cristine? Sa... para sa amin pala yun... Sorry, Tripp! Hindi ko talaga alam!"

He was pacing back and forth while massaging his temple. And then nagulat ako ng bigla niyang ihagis yung phone sa lamesa niya.

"I'll kill him! Shit talaga siya!"

Tumayo ako agad at niyakap siya mula sa likod.

"Wag ka ng magalit, please..."

"What the fuck, Alys?! Hindi pa ba ako dapat magalit sa lagay na 'to?! Magpopropose siya sa girlfriend ko! Sa girlfriend ko! Alin ba sa sentence na yun ang hindi malinaw?!"

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Natatakot ako... ngayon ko lang nakita si Tripp na ganito... Nanginginig siya sa sobrang galit. Nakita ko rin na dumudugo yung labi niya.

"Hindi naman ako papayag, e! Alam mo naman na ikaw ang mahal ko..."

Unti unti niyang tinanggal yung kamay ko na nakayakap sa kanya.

Humarap siya at hinawakan yung mukha ko.

"Alam kong mahal mo ako, Alys. Pero tatanungin kita... ako lang ba ang mahal mo?"

Tumango ako agad. "Ikaw lang ang mahal ko. Ano ba namang tanong yan!"

Bigla niyang tinanggal yung kamay sa mukha ko at tinalikuran ako. "Shit. Bakit ganun, Alys? Kahit ilang beses ko na marinig na ako lang yung mahal mo, iniisip ko pa rin na ako lang yung panakip butas kasi wala si Drake... na ngayon na nandyan na naman siya, bigla mo na lang akong iiwan?"

"Tripp naman..."

"Bakit kasi ganito ako? Alam ko naman, Alys. Kumpara sa meron sa inyo ni Drake, walang wala ako. Hindi naman ako yung pinagkabaliwan mo. Parang pilit lang naman tayo, di ba? Hinabol kita sa loob ng dalawang taon. It was all hardwork, walang free falling. Siguro kahit kailan hindi natin mapapantayan yung kung ano yung meron kayo ni Drake, no?"

I slapped him. Hindi ko alam kung bakit. Naiinis ako sa lahat ng sinasabi niya. 

"Ano ba naman, Tripp! Nandito ako, okay? Pilit kong inaayos pero ikaw ganyan ang iniisip mo?!"

Hinawakan niya yung pisngi niya na sinampal ko. "Damn, masakit yung sampal mo pero mas masakit pa rin yung nararamdaman ko, Alys." Hinawakan niya yung dibdib niya at tumingin sa akin. "Ang sakit pala... Yung kahit anong habol ang gawin mo, kahit anong sabi niya ng mahal ka niya, alam mo na hindi pa rin... kasi nandyan yung nauna."

Lumapit ako sa kanya at hinampas siya. "Bwisit ka! Ano pa ba, ha?! Umiiyak na ako, oh! Kung wala akong pakielam sa'yo, sa atin, e di sana nagpakasal na lang ako kay Drake! Ano pa ba, Marco! Ha?! Ano pa ba?!"

Tumingin siya sa akin. 

"Pakasalan mo ako, Alys. Pakasalan mo ako para matahimik na ako."

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Where stories live. Discover now