Chapter 29

717K 12.9K 4K
                                    

Chapter 29

"Alys! Alys!"

What again? Ang aga aga pa, e.

"Why?" I asked Tofer. Nandito ako ngayon sa shop ko, trying to keep myself busy. Ilang araw na akong walang ginagawang productive. 

Tumakbo siya papasok sa office ko at sinara 'yung pintuan. What's with him?

"Alam mo na ba? Alam mo na ba?" he shouted.

Tinakpan ko yung tenga ko. Ang lakas niyang sumigaw! "Hindi ako bingi, goodness! Isang beses mo lang sabihin, maririnig ko!" sabi ko sa kanya.

Ano ba kasi ang meron at parang sobrang excited siya? Don't tell me magcoconcert ulit si Riri sa Philippines? Yun lang naman ang nagpapa excite dito e!

He beamed at me at nilagay niya yung mga kamay niya sa table ko. "Umuwi na si Tripp!"

What?

He snapped his fingers in front of me. "Earth to Alys? Umuwi na si Tripp! Aba galaw galaw din!"

Wait... umuwi na si Tripp?!

Napatayo ako bigla at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. "What? When? How? WHERE?! Nasan siya ngayon?" I asked him.

Hinawakan niya yung kamay ko na nakahawak sa kanya at tinignan ako ng mabuti. "Kalma, Alys. Breathe in, breathe out..." he said then guided my breathing. "Ayan, okay ka na?" he asked and I nodded. "Now, si Tripp, nasa bahay nila. Galing kasi ako dun kanina tapos bigla siyang dumating. Puntahan mo na siya dali! Ang gwapo lalo ni Tripp!"

Psh. May hidden desire pa rin siya.

I wanted to see him pero natatakot ako. Ano yung sasabihin ko pag nagkita kami? Hi? Hello? Kamusta ang New York? Damn. Ngayon lang ako naubusan ng sasabihin kay Tripp. Dati rati, hindi kami nawawalan ng pag-uusapan. Time really did change us.

"Hindi ka ba pupunta sa kanya?" tanong ni Tofer sa akin nung umupo ulit ako.

I shook my head. "Baka bukas na lang, Tofer."

"But why? Ang tagal mo siyang hinintay! Nandito na, oh!"

Smiling at him, I said, "Hindi dapat minamadali yung mga ganitong bagay, Tof. Mag-uusap din kami, okay? Let me do things when I want to do my things."

He sighed and then shrugged. "Fine, sabi mo, e." He sat on the couch then crossed his legs. "Anyway, san ka ba napunta nung isang gabi? Bigla ka na lang nawala nun, a!"

Ah, that night. Kung pwede lang sanang ibaon sa limot lahat ng nangyari, sana ginawa ko na. Pero sabi nga nila, there are things you could never undo. Kumbaga, once na nagawa mo, permanently etched na siya. The only thing you could do is to think that soon, things will get better.

I slumped back on my chair and closed my eyes. "Nothing, Tofer. Nothing."

Hard as I try to deny it, masakit pa rin, e. Hindi ko nga alam kung bakit ako nasasaktan. I feel like a slut. Sinasabi ko na mahal ko si Tripp pero bakit nung nakita kong nakangiti si Drake kasama si Fier, biglang sumakit yung dibdib ko? What has became of me?

I remember asking him nung mag-isa lang siya sa booth niya. He looked really drunk but he wasn't. He's still Drake. He always knows his way with words. 

"Drake," I called out his name. Kahit na malakas ang tugtog, alam kong narinig niya ako. He looked at me and then closed his eyes. Ayaw niya ba akong makita? 

I tried smiling even though I was hurting.

Ganun pala yung feeling? I wonder how he felt seeing me with Tripp? Did he feel the same way? Ako kasi, I felt like my insides were crushing. Ang sakit pala sa feeling na makita mo yung tao na gusto mo na masaya kasama ng iba. Yung tipong mapapaisip ka kung bakit sa iba, kaya nilang maging masaya. Yung ano ba yung wala ka para maghanap pa sila ng iba para sumaya?

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon