Chapter 27

743K 12.8K 2.5K
                                    

Chapter 27

"Tito Tristan, si Tripp po?"

It's been days simula ng iwasan ako ni Tripp. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako iniiwasan. Siya naman 'yung nasunod, di ba? Hindi ako pumunta kay Drake kahit na gusto ko. Siya yung pinili ko pero bakit ginaganito niya ako?

Pumunta ako sa bahay nila to check on him. Wala siya sa office niya, wala siya kila Tofer. Hindi ko alam kung san ko siya hahanapin, ni hindi siya sumasagot sa phone.

Tito Tristan looked at me na parang naguguluhan siya. "Si Tripp?" he asked.

I nodded at him. "Opo. Where's he?"

He cocked his head and then sipped his coffee. Umaga pa lang kasi, mas inuna ko pa ngang pumunta dito kaysa sa trabaho ko, e. I've been really sleepless these past few days. Hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko, parang wala akong choice. Hindi ko makausap yung pinili ko, hindi ko maiharap yung mukha ko sa iniwan ko. It's like I'm bound to be doomed. 

"He's in New York, Alys. Last Tuesday pa siya nandun. Akala ko naman nasabi niya sa'yo."

My world felt like falling apart. He left? 

"A-ano po?" My voice was shaking. All these raw feelings rushing back to me. Tripp left... pagkatapos niya akong papiliin, iiwan niya rin ako? And he didn't even give me the courtesy of goodbye. Wala lang ba yung almost five years na pinagsamahan namin? It will all be put into waste? 

He nodded and gave me a small smile. I could see pity in his eyes. Siguro naaawa siya sa akin kasi iniwan ako ng wala man lang pasabi. Oo nga, nakakaawa nga naman talaga ako. "Sorry, Alys. I thought he informed you. Biglaan kasi 'yung project. Hindi ko naman ineexpect na kukunin ni Tripp kasi good for one month 'yung project."

Just when I thought I've had it all coming, mas lalo pang tumindi. One month? E yung few days nga na hindi kami nag-uusap halos mabaliw na ako sa sama ng loob at guilt! Pano pa yung one month?!

"One month?" I asked, disbelief evident in my voice.

"One month, Alys. I'm sorry. Kung gusto mo ibibigay ko sa'yo yung number ng hotel na tinutuluyan ni Tripp?"

I bit my lips to prevent myself from crying. I can't cry in front of his Dad. Damn, ayoko ng umiyak! Sawang sawa na akong umiyak!

"'Wag na po, Tito... Sige po, aalis na ako."

I turned my back on him and started crying.

Hindi ko alam kung saan ko pa kinukuha lahat ng luha na lumalabas sa mata ko. Akala ko ubos na, akala ko naubos na ni Drake at ni Tripp pero akalain mo capable pa pala akong umiyak.

I hastily opened my car and sat on the driver's seat. Mabuti na lang at heavily tinted 'yung sasakyan ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba pati kahihiyan. Lahat na naramdaman ko. 

I got my phone and dialed Tripp's number but to no avail. Ganyan ka ba kagalit sa akin, ha? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ako ginaganito?!

Instead of calling him, I composed an email. Sana mabasa niya.

'Tripp, please wag na tayong mag-away. Wala si Drake, nakita mo naman, di ba? Tinigilan niya na tayo... pero bakit ka naman ganyan? Was I your trophy? Kasi gusto ako ni Drake kaya gusto mo rin ako? Ngayon na hindi niya na ako gusto, iiwan mo na lang ako? Wag naman, Tripp...'

Sana kung ganito lang ang gusto mo sa akin, sana sinabi mo. Tripp, you made me fall for you! Minahal kita tapos gaganituhin mo ako?! You'll drop me like a hot potato now that the competition is done? Wala ba akong halaga sa'yo?

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon