X. Introduce Yourselves.

217K 3.9K 236
                                    

Si Mark. Nagulat din siya nang mapansin niyang ako yung nakabangga niya pero mas mabilis siyang nakarecover sa pagkakagulat niya, he took a step backward. Tinanguan niya lang ako at pumasok sa classroom na nasa harapan namin.... na classroom ko pala.


Wait? WTH!? Siya... siya ang prof ko ngayon!? This can't be! Baka estudyante lang siya dito? No! Don't be stupid, Riri! Nabanggit na sayo ni Maggie na magtuturo siya sa school na to at hindi naman siya nakasuot ng uniform ng estudyante! Pero... bat naman klase ko pa? Bakit kailangan pa kaming magkasama sa isang room kung... may TRO ako laban sa kanya?


Pumasok na ako sa loob ng classroom at tumuloy ako sa upuan ko, tahimik sa luob ng classroom halatang may tension na namumuo.


"Uhm. Ehem. Mukhang hindi ko na kailangang magpakilala dahil... sa mga bali-balita," Napatingin ako sa kanya pero nakita kong nakatingin siya sa ibang direksyon."But anyway, magpapakilala pa rin ako." He smiled confidently, like he owned the world. Hindi ba siya nahihiyang nandito ako? 

Nagsimula na siyang magpakilala, kung anong natapos niya at kung saan siya nagtapos. Aba't bigtime talaga sila? What do you expect? Anak siya ng pulitiko, buwis ng taong bayan ang ginagamit nila.

"Some of you might think na ginagamit namin ang taxes na binabayad niyo but no, scholar ako sa Stanford and since highschool, scholar na ako at hindi ko hinahayaang ang parents ko ang magbayad ng tuition fee ko. Malinis ang kunsensya ng pamilya namin." Umupo siya sa table, facing the other side of the room.

"Enough of that. How about you, guys? Any questions?"He asked.

Nagtaas ng kamay yung ibang kaklase kong babae. Tinanguan siya ni Mark as a sign na tumayo siya. "Uhm, Sir... Pwedeng personal question?" Na-tense ako bigla.

"It depends how personal." He shrugged.

"May girlfriend na kayo, Sir?" He smiled and he shook his head.

"Sir! Ilang taon na kayo?" Someone asked from the back.

"25." He said, matter-of-factly.


25 years old na siya?! Tignan mo nga, 19 lang ako! Paanong magiging ako yung girlfriend niya kung ka-edad niya yun? Diyos ko, kakapasok ko pa nga lang ng college!


"Sir, masasabi niyo bang magiging fair kayo sa pagtuturo ngayong andito si Anna?" This time, his eyes landed on me.

"Yes, I can say that I'll be fair grading you, guys. Hindi ko naman dinadala ang mga personal kong problema sa trabaho ko." Aww, shucks. Matutunaw na ako.

"Sir, totoo po bang hinarass niyo si Anna?" Some guy asked. Grabe, maiihi na ako sa kaba... napupunta na sila sa topic na hindi na nakakatuwa.

"As much as I want to defend myself, I'd rather not answer your question, Mister. Let's not talk about this like Miss Ordoñez is not here." Nanahimik ang klase bigla, nakahinga naman ako ng malalim.


"And now, unfair naman kung ako lang ang mag iintroduce, right?" I heard someone groaned.


Nagsimulang mag introduce sa harapan yung mga kaklase ko, which is sa tabi niya dahil nakaupo pa rin siya teacher's table. Nagtatanong-tanong pa siya ng kung anu-anong tanong, enjoy na enjoy yung mga kaklase ko sa kanya. Nakuha na niya ang tiwala ng lahat, he looks nice naman kasi. Kagalang-galang, nakakatunaw pa yung ngiti niya, sobrang gwapo, nakaka-inlove yung titig---TEKA NGAAAA! Bat ko nasabi yun eh halos mamatay na ako sa nerbyos nung nagwala siya sa bahay! This is totally a different side of him.


Tumayo siya sa kinauupuan niya. "Miss Ordoñez, its your turn now." Nagising ako sa pagkaka spaced out ko. Napatayo ako bigla, nung pumunta ako sa harapan, umalis siya sa pwesto niya at pumunta siya sa may likuran ng classroom.


"Uhm... My name is Anna Maria Ordoñez. You can call me Anna but my friends call me Riri. I'm 19 years old. Hobbies ko, uhm, magbasa ng novels and write stories. I don't go out much, gusto ko lang sa bahay. Uhm, yun na... po. Mar--- I mean, Sir Mark." Why the hell am I stammering?!

"You may sit down now, Miss Ordoñez. Next!" Kasasabi ko lang diba na pwede niya akong tawaging Anna? Hindi na ako high school, so why call me by my surname?!

Tumayo na yung katabi ko sa upuan at nag introduce na rin siya sa harapan. Bumalik na si Mark---I mean Sir Mark sa pweso niya sa harapan. Teka, bakit parang sakin lang siya umiba ng pwesto? At sa malayo pa talaga siya pumunta? Stupid! May TRO ka against sa kanya diba?! Malamang sinusunod niya lang yung nakasaad dun na layo niya kapag nasa isang kwarto kayo! Stupid! S-T-U-P-I-D! Ugh. Nakalimutan ko na naman. Naiibang estudyante niya nga pala ako.


Sobrang tagal naman mag-time! I wanna get out of this class! Hindi na ako makahinga sa sobrang kaba na baka anytime may gawin siya or sabihin na ikapapahiya ko.


"Okay, class. Since kakakilala pa lang nating lahat, di muna ako magtuturo pero gusto kong pag-aralan niyo yung buong Chapter 4, okay? Madali lang naman yun, measures of central tendency lang naman yun." At tinatamad ka pang magturo? Tapos bibigyan mo agad kami ng gagawin! Dapat ituro mo na to ngayon! PSH.


"Class dismissed." He smiled.



Oh thank you, Lord!


Nagmadali akong ilagay sa bag lahat ng gamit ko para makalabas na agad ako ng classroom na ito! Hindi ko na kakayanin pang makasama siya sa iisang kwarto sa luob pa ng isang minuto!


"Maiwan ka muna, Miss Ordoñez. I'd like to have a word with you." Napaupo ulit ako sa upuan ko. Shizzz.


Nung medyo wala ng tao, pumwesto siya sa may pintuan. Sobrang malayo para sa dalawang taong mag-uusap.


"Anong pag-uusapan natin? We're not supposed to talk kapag wala tayong ibang kasama sa loob ng iisang kwarto." He shrugged.

"Mabilis lang to." He breathed. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na magiging fair sa grades, kung iniisip mong babawian kita or something... nagkakamali ka. I'm not like that. Hindi ka maiiba sa mga estudyante ko, hindi kita pag-iinitan, wala ring special treatment. Is that okay with you?" Tumango ako. " Wag ka ring matakot sakin, its not like gagawin ko ulit yung nagawa ko sa'yo nuon. I'm sane now." He smiled which made my heart flip. 


WTH?! Ano na namang pinagsasabi ko?! 


"Anyway, I need to go now. Read chapter 4 ah? Baka matawag ka sa surprise recitation." Umalis na siya.



No special treatment? Eh bakit sa akin niya lang sinabi na may supposed to be surprise recitation? He's weird. But yeah, ang gwapo niya pa rin. Ano na naman tong pinagsasabi ko?!

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionWhere stories live. Discover now