XXII. The Invitation.

197K 3.2K 641
                                        

"Sino ka?" Unang tanong ko sa unang taong nakita ko pagkadilat ko.

"Anak, ako ang Mama mo." Sabi sa akin ng babae sa harapan ko habang hawak niya yung dalawa kong kamay. Mama ko? Bakit wala naman akong maramdamang lukso ng dugo?

Binawi ko yung kamay ko, binitawan niya naman. "Bakit wala akong maalala?" Tanong ko sa kanya, tinitigan ko siya sa mata.

"Nahulog ka kasi hagdanan sa bahay tapos nabagok yung ulo mo." Nabagok?

"Nalaglag o may tumulak?" Umiling siya.

"Nalaglag ka, galing ka kasi ng cruise nuon. Napagod ka ata sa byahe mo kaya nagcollapse ka at nalaglag ka sa hagdanan." Tumango ako. Hindi ako naniniwala dahil kung nalaglag ako sa hardanan, edi sana may bali ako or something. Bakit ulo ko lang ang may tama?

"Gusto kong magpahinga." Pumayag naman siya at lumipat na siya sa sofa ng hospital room ko at duon siya nanuod ng TV.



"Ms Riri, ready na po ba kayong pumasok ngayon?"Napatingin ako kay Ate Lydia habang kinokolekta niya yung mga gamit na dadalhin ko sa school.

"Opo. Marami-rami na rin siguro akong na-miss sa school. Tsaka kailangan kong ma-review yung mga nakalimutan kong lecture." Pagpapaliwanag ko.


Sabay kaming lumabas ni Ate Lydia ng bahay. Siya yung nagbukas ng pintuan sa backseat ng sasakyan, pinauna niya akong pumasok bago siya. 

"Kamusta ka na pala, Ms Riri? May naaalala ka na ba?"Tumango ako.

"Meron naman pero madaling sumakit yung ulo ko kapag may naaalala ako." Sagot ko naman sa tanong niya.

"Yung before kang malaglag sa hagdanan ka? Naaalala mo yung nangyari?" Umiling ako.

"Wala talaga akong maalala, ayoko naming pilitin kasi masakit talaga siya." Tumango naman si Ate Lydia.



Tumahimik na kami nuon. Mukhang wala na kaming masabi sa isa't-isa. Mas mabuti na rin iyon dahil wala akong gana makipag-usap ngayon. Kinakabahan kasi ako sa pagdating ko ng school. Ano kayang madadatnan ko dun? Sino-sino ang mga sasalubong sa akin? May naka-miss kaya sa akin? At nandun kaya yung sinasabi nilang best friend ko? Maggie raw ang pangalan niya.

"Miss Riri, nandito na po tayo." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko napansin na napatulala na ako.

"Kinakabahan po ako, Ate Lydia." Nginitian niya ako, parang sinasabi niyang 'kayang-kaya ko tong pagsubok na ito.'



Bumaba na kami sasakyan at siya yung nag-guide sa akin kung saan ang dadaan, kung saan ang CR ng girls at kung saan ang classroom namin ngayong first subject. 15 minutes pa pala bago mag-start ang class, napaaga ata kami.

"Anna!" Salubong sa akin ng mga kaklase ko. "Okay ka na ba? Ano bang nangyari sa'yo at naospital ka?" Niyakap pa ako ng mga babae kong kaklase.

"Nag-collapse daw kasi ako sa hagdanan, kaya nalaglag na rin ako dun. 

Nabagok yung ulo ko."
 Napatingin naman sila sa ulo ko.

"Kawawa naman yang ulo mo. Palagi na lang 'yan ang natatamaan kapag nadidisgrasya ka." Sabin g isa kong kaklase. Napangiti naman ako sa pinakikita nilang concern.

"Guys, thanks sa concern. Pero hindi ko na naman kasi kayo kilala? Pwede ba kayong magpakilala?" Akala ko mao-offend sila pero tinawanan nila akong lahat at isa-isa sila nagpakilala.



Hindi naman napansin na mahigit 30 minutes na kaming nagkukwentuhan, kinukwento kasi nila kung paano ko sila naka-close or kung gaano daw ako kabait at kung paano ako nakatulong sa iba kong kaklase.

"Guys, nagtext si Sir Mark. Mali-late daw siya. Magmi-make up class na lang raw tayo sa Saturday." Mukhang imbes na matuwa sila dahil walang professor ay nadismaya sila.

"Sino si Sir Mark? Kwentuhan nniyo naman ako tungkol sa kanya!" Nagulat sila sa tanong  ko. "May mali ba akong nasabi?" Ang weird ng mga expression nila.

"Uhm, kasi dati may issue kayo ni Sir. Sabi nila na-obsess daw sa'yo si Sir dahil kamukha mo yung ex-girlfriend niya pero nung na-clear naman yung issue na 'yun, nagging close kayo ni Sir. Mukha ngang siya ang favorite professor mo." Nagulat naman ako sa sinabi nila.

"So I really should meet him? Fave professor ko pala siya." Tumango silang lahat. Magsasalita pa sana ulit ako ng may narinig akong boses ng bagong pasok lang.

"You should really meet him no." Napalingon ako sa kanya. Ang ganda niyang babae.

"I'm sorry to ask this, who are you?" Nagtaka naman siya bigla.

"Hoy, Riri. Wag mo kong dramahan na may amnesia ka na naman." Sabi niya habang nakapamewang.

"Miss Maggie, totoo pong may nabura ulit yung alaala ni Miss Riri." Hindi naman nawala yung pagtataka niya.

"That's just impossible! Dumalaw ako sa kanya nun pero---" Hindi niya natapos yung sinasabi niya at mukhang may naalala siya.

"Okay ka lang ba?" Tinitigan niya ako. Mukhang naluha pa siya saglit, huminga siya at pinilit itago yung gusto niyang ilabas. 

"Okay lang ako." Dahan-dahan siyang lumapit. "I'm Maggie. Best friend mo ako. At kung may gusto kang malaman about sa mga nakalimutan mo, ako ang tanungin mo dahil lagi mo akong pinagkukwentuhan." She said as she hugs me.



Nagkuwentuhan pa kaming magkakaklase, ang babait nilang lahat sa akin. Mukhang wala naman akong nakaaway nuon. Wala naman kasing pangit ang pakikitungo sa akin. At nung tinanong ko naman kung may nakabangga ako or nakaaway, wala naman daw. Nagtaka lang ako sa expression ni Maggie nuon at hindi siya umimik nung tinanong ko iyon.



Lumabas na kaming lahat dahil wala na kaming magawa sa loob. Halos lahat na ata ng pwede nilang ikwento sa akin ay naikwento na nila.



Naglalakad na kami ng tahimik sa hallway ng biglang napahinto si Maggie at mukha siyang nakakita ng multo ng tinignan ko ang hitsura niya. Napatingin ako sa nakita niya. Isang lalaki na mukhang nakakita rin ng multo. Mukha siyang professor at ang gwapo niya tignan sa pormal niyang suot.

Lumapit siya sa amin at parehas niya kaming nginitian. "Good Morning, Sir Mark." Matamlay na bati ni Maggie. Napatingin ulit ako sa tinutukoy niyang 'Sir Mark'. 

  "Kayo po si Sir Mark?" Tinignan niya ako ng may halong pagtataka. Hindi niya sinagot ang tanong ko at tinitigan niya lang ako.

"Sir Mark, wala po siyang naaalala... ulit." Hindi niya inalis yung tingin niya sa akin.

"Sir, ngayon pa lang magso-sorry na ako dahil pati lectures niyo nakalimutan ko. Maiintindihan niyo naman po siguro iyon? Sa pagkakarinig ko mabait daw po kayo. Sabin g mga kaklase ko, favorite professor daw kita." Nginitian niya ako pero hndi iyon yung ngiting masaya, parang ngiting malungkot. If there is such a thing.

"Favorite student kita." Sabi niya pa.

"Talaga, Sir? Then, I'm forgiven?" Tumango siya. Mukhang may sasabihin pa siya pero may biglang sumulpot sa eksena.

"Hi, Baby!" May babaeng lumapit kay Sir Mark at niyakap siya.

"Good morning, Ms Val." Napatingin ako kay Maggie, at kahit binati niya yung tinutukoy niyang Ms Val ay hindi siya mukhang friendly towards Ms Val.

Nginitian kami ni Ms Val pero mas tumagal ang tingin sa akin ni Ms Val. "Uhm, pasensya na pos a tatanungin ko pero professor ko din po ba kayo, Ms Val?" Napatingin si Ms Val kay Sir Mark.

"Naaksidente siya last, last week. At dahil duon ay wala siyang maalala." Tumango naman si Ms Val.

"Alam niyo po yung nangyari sa akin, Sir Mark?" Bigla naming namutla si Sir Mark nung tanungin ko siya.

"Ay! Bago ko nga pala makalimutan. Tutal narinig ko naman sa usapan niyo na paborito kang estudyante ng boyfriend ko. Bibigyan ko na kayo nito." Sabi niya habang may hinahanap siya sa bag niya.

"Ng alin po?" 

"Invitation sa engagement party namin ng Sir Mark mo."Sabi niya habang inaabot niya sa akin yung invitation card.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionWhere stories live. Discover now