XXVI. The Twin Sisters.

211K 3.6K 543
                                    

Semestral break na ngayon pero hindi pa rin ako mapakali. Medyo kinakabahan pa rin ako na baka may makaalam nung nangyari, pero mukha namang hindi na ito kakalat dahil isang tao lang naman ang pinagsabihan ko at best friend ko iyon. Hindi niya naman siguro ipagkakalat iyon?

At kahit semestral break na ngayon, nasa university pa rin ako dahil may kailangan akong gawin dito. Pambawi daw iyon sa mga absents ko, excused naman ako nun dahil tungkol naman iyon sa kalusugan ko. 


"Hindi ka pa ba nagugutom, Miss Riri?" Napatingin ako kay Ate Lydia habang nagpo-photocopy ako ng mga documents ng professor ko.

  "Medyo gutom na." Sabi ko pagkatapos kong mag-photocopy."After ko nito, kakain na ako. Gusto mo mauna ka na sa canteen, Ate Lydia?" Pumayag naman si Ate Lydia kahit alam niyang bawal niya akong iwanan. Sobrang gutom na siguro talaga siya.


Umalis din siya agad nung sinalang ko na yung another batch ng ipo-photocopy ko. Haayy... Ayoko ng umabsent kung ganito lang din naman pala ang aabutin ko. Para na akong nag student assistant pero wala nga lang allowance.

Pagkatapos ko sa mga pinagawa sa akin ng professor ko, nagpaalam agad ako na magla-lunch break muna ako. Pumayag naman siya, bumalik na lang daw ako ng 1:30PM. Natuwa naman ako dun dahil mag-aalas onse pa lang, ibig sabihin mahaba pang oras! Yes!

Habang naglalakad ako papunta ng canteen, hindi ko maiwasang hindi maisip si Sir Mark. Simula nung gabing hinalikan niya ako at sinabihan ko siyang wag na niya akong lalapitan ay hindi na nga niya ako nilapitan. Ni hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin, pakiramdam ko parang hindi na ako nag-eexist sa kanya. Kung minsan nga ay iniisip ko na sana... hindi ko na lang siya sinabihang layuan niya na ako.


"Hanggang ngayon, ginagulo mo pa rin ang isipan ko..."Bulong ko sa sarili ko habang umiiling.

"Oh my God, no way." Napahinto ako ng mapansin ko ang taong makakasalubong ko... Oh my God, no way indeed!

"Do I know you?" I asked her. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng tibok ng puso ko. 

Huminga siya ng malalim, nangingilid ang luha sa mga mata niya. "I don't know but kamukha mo yung fraternal twin sister ko." Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Uhm... I don't know what to say." I honestly said.

She laughed awkwardly. "I'm Renz Ochoco." She offered her hand.

I took and shook it. "Anna Ordoñez." Nginitian niya ako."Familiar yung pangalan mo." I said.

"Pati na rin siguro yung pangalan na Mars?" Hindi ko alam kung anong kawirduhan ang nangyari sa katawan ko pero parang halo-halo yung naramdaman ko ng banggitin niya ang pangalan na Mars.

"Oo eh." Maikli kong sagot. Parang napaka-awkward naman nito!

"Uhm, alam kong nakakahiya itong sasabihin ko sa'yo pero pwedeng payakap?" She pleaded. Sa hindi ko malamang kadahilanan, tumango ako.


Niyakap niya agad ako ng mahigpit, bahagya ko pa siyang naririnig na parang umiiyak. Nung humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa akin, dun ko nakumpirma na umiiyak nga siya. Pinunasan niya agad yung mga luha niya habang pumepeke ng tawa.


"Pasensya ka na sa pagka-jologs ko ah? Miss ko na kasi yung ate ko, matagal na siyang wala eh." Kahit pinupunasan niya yung mga luha niya, hindi ito tumitigil sa pagtulo.

"Ano ka ba. Okay lang, sanay na akong mapagkamalan na siya." Teka, bakit ko nasabi iyon? 

"Ganun ba? Hindi na ako magtataka kasi kamukhang-kamukha mo siya." Sabi niya habang nakatitig sa mukha ko.

"Okay ka na ba? Kung okay lang sa'yo, pwede kang sumama sa akin sa canteen?" Nag-isip muna siya bago sumagot.

"Sige! Tutal naman, hindi ko nahanap yung ipinunta ko dito." Nag-umpisa na kaming maglakad.

"If you don't mind me asking, sino yung ipinunta mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Si Mark Villareal, professor mo siya, right?" Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman iyon. Napansin niya ata ang pagtataka sa mukha ko kaya nagpaliwanag siya."Nakarating kasi sa akin yung balita na may hinabol-habol siyang kamukha ni Mars at nagging estudyante niya pa raw. Naisip ko, baka ikaw 'yun." Napatango na lang ako sa paliwanag niya.


Kwento lang siya ng kwento habang naglalakad kami papuntang canteen, ako naman tahimik lang at ina-absorb ko pa rin hanggang ngayon yung mga nangyayari. Nung makarating kami sa mesang ni-reserve ni Ate Lydia, ipinakilala ko sila sa isa't-isa at sinabi ko na makikiupo siya sa amin.


"So what does it feel?" Napatingin ako sa kanya bago ko isubo yung i-order ni Ate Lydia na pagkain ko. Wala sa mesa ngayon si Ate Lydia dahil nagpresinta siya na siya na ang bibili ng pagkain ni Renz. "What does it feel? Yung may kamukhang-kamukha ka? Yung palagi na lang may nagkakamali sa pagkatao mo?" Tanong niya ulit nung hindi ako sumagot sa una niyang pagkakatanong.

"At first, it was weird and irritating. Pero ngayon? I don't know. Hindi ko na alam eh." Tumago siya at nanahimik. Parang may iniisip.

"Uhm, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may kailangan akong sabihin sa'yo... Kaso mdyo sensitive subject siya at sikreto ito ng pamilya ko."Dahan-dahan niyang sinabi.

"Hindi naman ako tsismosang tao at wala naman akong mapagsasabihin niyan." I assured her.

Huminga siya ng malalim bago magsalita ulit. "Lima kaming magkakapatid, panganay yung lalaki at sumunod ay babae. Sina Kuya Kriz at Ate Krista iyon." Umpisa niya."At kaming tatlo na ang sumunod, the triplets." Yumuko siya.

"Wow. Ang saya siguro ng childhood niyo? Tatlo kayong magbe-best friends siguro." I smiled at her.

Umiling siya. "Hindi ganun kaganda yung childhood namin dahil may trahedyang nangyari sa pamilya namin." Nagsimulang mamuo ulit ang luha sa mga mata niya. "Tama ka dun sa tatlo kaming magbe-best friends pero mas close si Cons at si Mars." Cons? Ang cool ng name niya.

"Cons? Cool name. Nasaan na siya ngayon?" I asked her, smiling. Napawi naman ang ngiti sa mga labi ko ng bigla bumagsak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

"Wala na siya, matagal na siyang namatay. " Hindi niya pinunasan yung mga luha niya. Inabot ko yung kamay niyang nasa mesa.

"Hindi mo na kailangang tapusin ang kwento mo kung sobra kang nasasaktan." Hindi niya hinila ang kamay niyang hawak ko pero umiling siya.

"No. Kailangang ko ng mailabas ito at ikaw lang ang mapagsasabihan ko nito." Tumango ako sa sinabi niya, sign na rin of encouragement para magkwento ulit siya."Nasunugan kami ng bahay dati at dahil dun kaya namatay si Cons." Nagpunas na siya ng luha at huminga ulit ng malalim. "Nakalabas na kaming lahat sa bahay nuon except kay Mars at dahil nga sila yung magbest friend talaga, binalikan siya ni Cons. Nakalabas ng buhay si Mars pero naiwan si Cons dahil na-trap siya, na suffocate siya at iyon ang ikinamatay niya." She sobbed.

"Oh my God, I'm sorry to hear that." I squeezed her hand.

"Isinisi ng Papa kay Mars ang pagkamatay ni Cons, hindi lang dahil niligtas siya ni Cons. Inakala rin kasi nila na si Mars ang may kasalanan kaya nagkasunog pero nitong mga nakaraang taon lang namin nalaman na si Cons pala ang may kasalanan kaya nagkasunog. Nakita siya ni Mars na pinaglalaruan yung lighter ng Papa nuon."Inabot ko sa kanya yung inumin ko at uminom naman siya duon. "Matagal na panahong tinago ni Mars ang totoo, hindi ko rin alam kung bakit. Hanggang sa paglaki namin, hindi siya napatawad ni Papa pero dumating din naman yung time na nagkaayos ang lahat but sadly, hindi iyon nagtagal... si Mars naman kasi ang sunod na nawala." Tumayo ako at lumipat sa tabi niya, niyakap ko siya. Maramdaman man lang niya ngayon sana yung presence ng mga kapatid niyang mga pumanaw na.

"Tahan na, Renz." Hinaod ko yung likuran niya.

"Pwedeng maging twin sister muna kita for the rest of the day?" She asked when she recovered.



Nag-isip muna ako bago sumagot. Wala naman sigurong masama diba? Just for this day lang naman at magaan ang pakiramdam ko kay Renz. Parang kapatid ko talaga siya.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionWhere stories live. Discover now