XVIII. The Secret Affair.

239K 3.7K 165
                                        

Third day na ng cruise at halos isang araw na rin naming masasabi ni Mark na kami na. Kahit wala kaming diskusyon kung ano ba talaga kami, kumbaga understanding na lang. Unfair nga lang sa part ko dahil hindi pa siya nakikipaghiwalay kay Ms Val, lumalabas tuloy na kabit niya ako.


"Sinabi niya ba kung balak niyang hiwalayan si Ms Val?"Tanong ni Maggie matapos kong ikwento sa kanya na parang kami na nga ni Mark.

"Hindi pa naming na pag-uusapan yung tungkol diyan."Seryosong sagot ko.

"Bakit hindi mo i-open sa kanya yang topic na iyan?"Umiling agad ako.

"Ayoko muna. Baka masira ko lang yung namumuo sa amin ngayon." Bumuntong hininga si Maggie.

"Anong ibig mong sabihin? Okay lang sa'yo na kabit ka niya?" Umiling agad ulit ako.

"Of course not! Pero ayoko ngang i-risk kung ano yung meron kami ngayon. Kailangan kong makuntento sa kung anong meron kami ngayon. Maghihintay na lang ako kung kalian niya kayang panindigan ako." Tinitigan niya ako ng maigi.

"What if hindi niya hiwalayan si Ms Val? Paano ka? "Napaisip naman ako. Kabit nga ako at sa mga ganitong kaso, ang mga kabit ang talo. Palaging ang 'original' ang binabalikan ng mga namamangka sa dalawang ilog. Palaging kabit ang dehado. Palaging kabit ang nasasaktan kahit siya ang tunay na nagmamahal.

"I don't know. Tatanungin ko naman siya eh, pero hindi ngayon. Ayoko pa, baka hindi ko rin magustuhan ang isasagot niya." Tumango siya.

"Fine. I'll respect your decision. Pero tandaan mo, binalaan kita." Nginitian ko lang siya.



Sundeck. Now. Text message ni Mark.



"Aalis muna ako, Maggie." Paalam ko sa kanya habang nag aapply ng face powder.

"Magkikita kayo ni Sir Mark?" Tumango ako. "Mag-iingat kayo ah? Wag kayong papahuli!" Pagpapaalala niya.

"Yes, Mommy!" Pabiro kong sagot habang papalabas ng cabin.



Hindi ko alam kung bakit pero automatic ng nagdahan-dahan yung paa ko sa paglalakad, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Nagmamatyag kumbaga. Maigi na yung nag-iingat baka may makahuli pa sa akin. Ano ba 'yan! Kabit na kabit na ang dating ng pananalita ko! Nakakainis!


Kakalabas ko lang ng sundeck ng biglang may humila sa akin.



"Oh my God! Tinakot mo ako!" Sabay palo sa kanya, habang siya naman ay naka yakap sa akin. Sino pa nga ba? Edi si Mark.

"Na-miss kita eh. Masama ba 'yun?" Paglalambing niya naman. Nilayo niya ang sarili niya sa akin at ngumiti siya. Yung ngiti na nakakapanlambot ng mga tuhod ko.

"Hindi naman sa ganun pero may makakakita kasi sa atin dito." Natauhan naman siya sa sinabi ko at unti-unting lumayo.

"Pagdating talaga sa'yo, hindi ako makapagpigil." Ngumiti siya, yung nakakaloko niya namang ngiti. Naramdaman ko namang uminit yung mga pisngi ko. At dahil hindi ako kaagad naka-recover sa ngiti niya, sinamantala na niya ito para halikan ako.



Natulala pa rin ako pagkatapos niya akong halikan, natawa siya sa reaksyon ko kaya hinila na lang niya ako bigla kung saan.


"Saan mo ako dadalhin? 'Wag mong sabihin na sa cabin mo na naman?! Gusto mo talagang mahuli tayo! Nakakainis ka!" Inakbayan niya ako ng sobrang higpit.

"Chill ka lang, Anna. Dadalhin naman kita sa langit eh."Ngumiti siya, yung tipong may binabalak.

"Wag ka nga!" Uminit ulit yung mga pisngi ko ng maalala ko yung panahong dinala niya ako sa langit.

Tumawa siya ng malakas. "You're really adorable." Sinabi niya matapos niyang tumawa na may kasamang pisil sa ilong ko.

"Wag mo nga akong pagtripan." Sumimangot ako.

"Ang cute mo kasing mapikon, hindi ko tuloy mapigilang asarin ka." He grinned.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Sasagot na sana siya ng magsalita ulit ako. "Sumagot ka ng seryoso!" With matching turo sa mukha niya.

"Fine. Dadalhin kita sa isang lugar dito sa barko na bibihira lang daanan ng tao, pwede tayong magkita dun, walang makakahuli sa atin dun." Ngumiti siya.



Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lang siya na hilahin ako kung saan man yung lugar na sinasabi niya. Tumigil kami sa harapan ng isang staircase.



"Andito na tayo." Ngumiti siya habang pinaglalaruan yung kamay naming magkahawak.

"Ito na 'yun?" Tinignan ko yung paligid. Walang dumadaan dito?

"Oo. Bakit? Hindi mo ba trip dito?" Tanong niya, halatang may halong disappointment yung boses niya.

"Medyo. Sigurado ka bang walang dumadaan dito? Staircase kaya to, daanan to ng tao!" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Umiling siya at itinuro yung tuktok ng staircase. "Yang pinto sa tuktok ng staircase, hindi yan bumubukas kaya walang aakyat-panaog dito. Wag ka ngang paranoid."Tinawanan niya pa ako.

"Ayoko lang naman na mahuli tayo." Sumimangot ako.



Hinila niya ako ng dahan-dahan at umupo kami sa hagdan, nasa itaas ko siya habang ako naman nasa mas mababang step, nasa pagitan ako ng legs niya.


"Hindi 'yan." He snuggled my neck. "Nakakatawa no? Dati, ayaw na ayaw mo sa akin tapos ngayon may affair na tayo?" Tumanngo ako.

"Ang stalker kasi ng dating mo eh." He chuckled.

"Sus, if I know since day type mo na ako." Pang-aasar niya pa.
Naalala ko naman yung agenda ko ngayong araw. Kailangan ko nga palang makakuha ng info na tungkol kay Mars. Baka kapag sa kanya manggaling yung mga gusto kong malaman, baka sakaling bumalik yung memorya ko talaga. Baka mapatunayan ko na ngang ako si Mars.

"Uhm, Mark?" Nag-hmm naman siya bilang sagot. "May itatanong sana ako eh, kaya lang baka magalit ka?"Patuloy pa rin siya sa pag-snuggle sa leeg ko.

"Sige, itanong mo lang. Hindi ako magagalit." Tumango ako.

"Sige na nga. Wag kang magagalit ah?" Um-oo naman siya."Uhm, paano kayo nagkakilala ni Mars?" Pagkasabi na pagkasabi ko pa lang ng pangalan ni Mars, nag-tense up bigla yung katawan niya. "Sabi ko na nga ba hindi mo magugustuhan yung tanong ko, kahit wag mo na sagutin... okay lang. Pasensya ka na."

"No, it's okay." Napalingon ako sa kanya, ngumiti siya pero hindi ito umabot sa mga mata niya, "Well, nagkakilala kami 8 or 7 years ago na ata? Pero kilala ko na siya ever since lumipat ako sa school niya. Partida nagsusuntukan pa kami ng dati kong kaaway nun nung dumaan siya, na love at first sight ata ako sa kanya nun. At yung nakasuntukan ko? Naging best friend ko, at naging first love ni Mars." Ngumiti siya, halatang masaya siya sa pagbabalik-tanaw niya. "Tas 2 years after lang nun, nagkalakas ako ng loob na ma-meet siya. Ang weird nga ng pagkakakilala naming sa isa't isa eh." He grinned.

"Paanong weird?" Napatingin siya sa akin then he smiled.

"Hindi ko sinasadyang mapatid nun at nahalikan ko siya. Nakakatawa nga yung reaksyon niya nun, first kiss niya kasi yun tas sa hindi niya pa kakilala." Nanlaki yung mga mata ko. Natawa siya sa reaksyon ko. "Parang ganyan yung reaksyon niya pero mas malala." He chuckled. "Since crush ko nga siya, hindi ko na pinalagpas yung sitwasyon, tinuloy ko yung kiss kahit di siya marunong. Wala siya sa hulog nun kaya hinalikan niya rin ako, binasted kasi siya ng best friend ko nun. So pagkatapos nun, iniwan ko siya sa bakanteng classroom at umalis, inasar ko pa nga siya." He grinned. "Inantay ko siya sa gate ng school, di niya ako pinapansin kasi talagang naiinis siya sa akin nun dahil kinuha ko 'daw' yung first kiss niya at naninigarilyo pa ako nun." Napalingon ako ulit sa kanya.

"Nagyoyosi ka?" Tumango siya. "Hanggang nagyon?"Tumango ulit siya.

"Pero hindi na madalas, kapag stressed lang ako." Tinuloy niya ulit yung pagkukwento tungkol kay Mars. Nakwento niya rin yung may nangyari sa kanila nung bago siya umalis papuntang California. Tumatak sa isip ko iyon, dahil kung ako nga si Mars, maaaring si Mark pa rin talaga ang naka-una sa akin, dahil siya na mismo nagsabi na hindi na ako virgin nung may nangyari sa amin kahit wala naman akong matandaan na nakarelasyon ko nuon dahil sa amnesia ko. Ang mas ikinagulat kong ikinuwento niya ay yung nakabuntis siya sa California at nakalimutan niya si Mars dito sa Pilipinas. Medyo  nainis ako, kasi kung ako nga si Mars, paano ko matatanggap yung balita na iyon? Na habang malungkot ako dito sa Pilipinas, siya naman ay nakikipagbuntisan sa ibang bansa? Siguro kung ako nga si Mars, mabaliw-baliw siguro ako nung hindi nagparamdam si Mark. Pinilit ko na lang intindihin si Mark, pinagsisihan niya na raw iyon, hindi na daw siya mambabae.



Funny thing is... kabit niya ako.



"Mahal mo pa rin ba siya hanggang ngayon?" Tinignan niya ako ng seryoso.

"Do you really want me to answer that?" Tumango ako.

"And with all honesty sana." Nginitian ko siya.
Huminga siya ng malalim, "I still do love her. Hindi na siya mawawala sa puso ko, I guess." Yumuko siya. "Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ko siya kamahal... Ni hindi nga umabot ng isang taon yung relationship namin, tas high school pa yung lovestory naming, anong taon na? Matanda na ako, dapat nga nagpapakasal na ako ngayon." Naalala ko si Ms Val.

"Kaya ba andyan si Ms Val?" Tinitigan niya ako ng matagal bago sumagot.

"Yes, kaya siya nandyan dahil sa oras na kailangan ko ng magpakasal, madali na lang dahil mahal niya naman ako eh." Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Papakasalan niya si Ms Val in sometime? Paano naman ako?

"Mahal mo ba siya?" Umiling siya.



Gusto ko sanang tanungin kung papaano ako? Kung papaano kami? Pero mukhang sa sinabi niya kanina, hindi ko na kinakailangan pang tanungin.



"I was Mars' first time in everything and she's my everything. Wala na siguro akong mamahalin pa kundi si Mars lang." Tumalikod ulit ako sa kanya, nangingilid na kasi yung mga luha ko. Ayokong umiyak sa harapan niya.

"Parang ako lang..." Bulong ko. You're my first time in everything and you're my everything, too.

"May sinasabi ka?" Pasimple muna akong nagpunas ng luha bago tumingin sa kanya.

Ngumiti ako Fake. "Wala. Sabi ko, pa-kiss nga." Hinalikan ko agad siya bago siya makapagsalita.



Hindi niya napansin na habang naghahalikan kami ay tumutulo na ulit ang mga luha ko. Malinaw na malinaw, wala lang ako sa kanya kung magkaibang tao pala talaga kami ni Mars. Wala lang ito sa kanya, nagsasaya lang siya. Nanggagamit lang siya at nagpapagamit naman ako. Nagtatanga-tangahan lang ako n asana kahit hindi nga ako si Mars ay magawa niya akong mahalin. Pero hindi na mangyayari yun, buo na ang isip niya... na kapag handa na siyang lumimot, si Ms Val ang pakakasalan niya.



Kapag nangyari iyon, paano na nga ba ako?

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionWhere stories live. Discover now