XXVIII. Yesterday In A Box.

213K 3.9K 711
  • Dedicated to Raezhel Calderon
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung nagkaharap-harap kaming lima. Ako, si Zeke, Boyet, Renz at si Anna. At nung umalis siya, hindi ko alam kung bakit ako nasaktan. Siguro dahil may gusto akong mapatunayan nung oras na iyon. Sobrang naguguluhan kasi ako, nung isang araw lang nilapitan ako ni Maggie at sinasabi niyang si Anna at Mars ay iisa tapos ngayon, ito na mismong si Anna ang nagsasbai na hindi siya si Mars.


God, I'm !@#$ confused.

"Sumasayad na sa lupa yang nguso mo, Pare." Napalingon ako kay Zeke.

Nandito kami sa sala ng bahay nila, nakatambay lang. Kasama ko sina Boyet, Zeke at yung 3 year old son niyang si Lourd. "I'm just confused, man." Pag-amin ko.

"Well, !@#$ man. Me too." Sabat ni Boyet habang nakapikit at nakahiga sa sofa nila Zeke. "Hindi pa rin ako nakaka get-over sa sinabi niyo at dun kay... Anna." Dumilat siya at umupo.

"Get over it, guys." Zeke said while playing with his kid.

"Pero may mali kasi, Pare. Lumapit kasi yung friend sakin ni Anna and she's claiming that Anna and Mars are the same person." Sabay silang napatingin sa akin ni Boyet.

"Why would she claim that? What's her angle?" Zeke asked.

"I don't know. She even asked me to ask you if Mars' coffin was closed." The moment I said it, biglang napakurap si Zeke.

Pinapunta niya muna sa asawa niya yung anak niya bago siya nagsalita. "Hindi ko alam kung bakit hindi ko naisip 'yan." Putlang-putla si Zeke.

"Dude, does that mean closed casket nga?" Halata ang pagkainip sa boses ni Boyet.

"Yes." Nanahimik kaming lahat.


Ang tagal naming nanahimik bago ko binasag ang katahimikan. "She asked me to dig her grave." Tumayo bigla si Boyet.

"Lika! Tara na, hukayin na natin yang sinasabi niyong libingan ni Mars." Sabi niya habang nag-uunat.

"Pare, illegal 'yun. We might get caught." Tumayo na rin si Zeke.

"Edi hindi tayo papahuli." Tumayo na rin si Zeke.




"Saan ba tayo pupunta?" Maggie asked.

"My new friend asked me to go to their house." I said as I look at the window.

"New friend? Ano 'yan? Bagong best friend ba 'yan?" She asked, nagseselos kunyari.

"Duh, no. Kapatid siya ni Mars." Pagkasabi ko ng pangalan ni Mars, bigla siyang lumapit sakin.

"Nagkita kayo nung kapatid ni Mars? Bakit ka niya pinapupunta sa bahay nila?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Yup and she asked me if I can get a look at their house." I explained.

Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sa pwesto ng driver namin. "Manong, bilisan niyo na! Dali! Kailangan na nating makapunta agad sa bahay na sinasabi ni Riri!"Niyugyog niya pa si Manong habang nagsasalita siya.


At dahil sa pagiging makulit ni Maggie, nakarating kami agad sa bahay nila Renz. Familiar ang bahay nila, para bang nakapunta na ako dito... Parang tumira na ako dito. 

"Ano pong kailangan niyo?" Nagulat ako nang may biglang lumabas na matandang lalaki sa gate nila.

"Uhm, mawalang galang na ho. Ito po ba yung bahay nila Renz Ochoco?" Pagkarinig niya ng pangalan ni Renz ay napangiti siya.

"Ay sinasabi ko na nga ba! Ikaw  yung nasa picture sa sala, ikaw yung kakambal nung Renz! Tama ba ako?"Tatanggi sana ako nang sumabat si Maggie.

"Oo nga po, siya nga po si Mars." Hinawakan niya yung braso ko at pinisil niya nang sobrang higpit.

"Ay kung ganoon, pumasok po kayo, Ma'am." Binuksan niya nang tuluyan yung gate nila at pinapasok kami sa loob. Ang ganda ng bahay nila, may sariling malawak na garden!"Ako nga pala si Dong, Manong Dong na lang ang itawag niyo sa akin. Ako ang care-taker nitong bahay ninyo."Pagpapakilala niya.

"Ilang taon nap o ba kayong care-taker dito? Para kasing ngayon niyo lang nakilala si Mars." Tanong naman ni Maggie matapos kaming paupuin ni Manong Dong sa mga upuan sa garden.

"Limang taon pa lang po akong nagki-care taker dito."Sagot niya. "Gusto niyo po ban g maiinom o makakain?" Si Maggie na ang sumagot kay Manong Dong dahil may nakakuha ng atensyon ko.


May something duon sa lilim ng puno, mga batong nakakumpol-kumpol. Linapitan ko iyon nung pumasok na ng bahay si Manong Dong, sinundan naman ako ni Maggie.


Nakaramdam ako ng pagkahilo nang makita ko sa malapitan ang kumpol-kumpol na bato. Naalala ko ito, ito yung palatandaan nang pinaglibingan kong mga ibinigay ni Mark nuon.

"Tulungan mo ko, Maggie. Hukayin natin ito." Turo ko sa mga bato.

"Ano ka ba! Hindi tayo pwedeng basta-bastang maghukay dito!" Sita niya sa akin.

"But we have to! Dito nakasalalay ang kabuuan ng alaala ko!" Hindi ko na matiis at nasigawan ko siya.

She gasped. "Oh my God... Bumalik na ang iba mong alaala?" I shook my   head.

"No, never akong nakalimot ulit... I just had to fake an amnesia." At para maliwanagan pa siya ay nagsimula na muli akong magpaliwanag. "Nung last day ng cruise, nung umuwi tayo... Naaalala mong naospital ako?" Tumango siya. "Nakahalata nun sila Papa na nakakaalala na ako nung umalis kayo. That's why pinaturukan niya ako ng pampalimot. Little did he know, pampatulog lang yung itinurok sa akin. Hindi kasi masikmura nung doctor yung pinapagawa sa kanya. Nung unang beses na magising ako, wala sila Papa at nakabantay nuon sa akin yung doctor, pinaliwanag nung doctor yung ginawa niya at nakiusap siyang magpanggap ako na walang naaalala." Halata sa mukha ni Maggie ang pagkagulat at pagkatuwa.

"Bruha ka! Pinaniwala mo kong nagka-amnesia ka na naman!" Biro niya sabay yakap sa akin. "Oh tara lets! Hukayin na natin to!" Sabi ni Maggie habang naghahanap na maaaring panghukay sa lupa.




"Malalim pa ba?" Boyet asked while shoveling a huge pile of mud.

"Puro ka reklamo, maghukay ka na lang! Mapapakita din yang kabaong!" Sita sa kanya ni Zeke.


Tahimik lang akong naghuhukay at nagko-concentrate. Imbes na ubusin ko ang lakas at oras ko sa pagsasalita, sa lakas ko na lang ilalaan iyon. Para matapos na itong paghuhukay ko at nang malaman ko na kung patay o hindi patay ang babaeng pinakamamahal ko.


Madali kaming nakapasok at nakapaghukay, syempre dahil sap era iyon. Nabayaran namin ang mga nagbabantay na supulturero dito sa sementeryo. Yung iba pa nga ay nagvolunteer pang maghukay pero mas ginusto naming tatlo na kami na lang.

"Dude! Dude! Semento na tong nadudutdot ko! Ito na siguro yung cover ng kabaong! Yes!" Tama si Boyet, marahil ito na nga yung cover bago ang kabaong ni Mars.

"Tara, basagin na natin tong semento na to." Sabi ni Zeke sabay hampas ng pala niya sa sementong tinatapakan namin.


Hindi madali itong ginagawa naming paghuhukay ng libingan ng isang yumao na. Wala kasing kasiguraduhan kung may makikita kaming katawan o wala. Pati umuulan pa, kay mas lalong mahirap maghukay dahil nalagyan ng tubig ang lupa.

"Pare, this is it. Moment of truth na." Zeke tapped my right shoulder. Tumango lang ako at umakyat na sila sa pamamagitan ng hagdanan na ipinahiram sa amin.

Nagdasal muna ako bago ko buksan yung kabaong. 

Lord, ipagpaumanhin mo kung may katawan dito sa kabaong na ito na maiistorbo ko. Pero kung wala, patnubayan mo ako sa kung anong maaari kong gawin.

At umamba na akong buksan ito...




"Alam mo kasi, may pala namang pinahiram sa atin si Manong Dong. Hindi mo kinakailangan na hukayin yan with your bare hands!" Sabi sa akin ni Maggie habang naghuhukay din.

"Hindi ko feel, bakit ba?" Magsasalita pa sana si Maggie nang makapa ko yung box na maaaring may laman ng mga bagay sa nakaraan ko. "Nakakapa ko na siya! Maggie, help me dali!"tinulungan naman agad ako ni Maggie at nakuha namin agad ang box.

"Ano pang hinihintay mo?! Buksan mo na!" Nagulat ako sa sigaw ni Maggie dahil bahagya akong natulala.

Sinunod ko siya at binuksan na ito. Tumambad sa akin ang maraming litrato, mga masasayang litrato naming dalawa ni Mark nung high school student pa lang kami parehos. Pati mga bagay na ibinigay niya at mga simpleng mahahalagang bagay nung kami pa.


Oo, naaalala ko ang mga iyon. Naaalala ko na ang lahat... Lalo pa at nakita ko ang susing ibinigay niya sa akin.

 Dinampot ko ang susing iyon at mabilis akong tumakbo, tinawag ako ni Maggie pero hindi ko na siya pinansin at nagpadala na lang ako sa paa ko kung saan man ako nito dalhin... Kahit umuulan pa, susuungin ko iyon.




"Pare, ano na? Ano nang nakita mo?" Narinig kong sigaw ni Zeke galing sa itaas pero hindi ko kinayang sumagot dahil sa nakita ko...



Wala akong nakita... Walang Mars na nakalagay sa kabaong...

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionWhere stories live. Discover now