XV. Slipped.

241K 3.9K 392
                                    

Tumakas ako. Yes. Tumakas talaga ako. Kaya patay talaga ako kay Mama at Papa pag-uwi ko galing ng cruise na ito. Bakit ako tumakas? Simple lang ang dahilan, hindi ako pinayagan. Kahit anong paliwanag ang ibigay ko, invalid para sa kanila lahat iyon. If I know, si Mark lang naman ang dahilan kung bakit nila ako hindi pinayagan. Well, wala na silang magagawa ngayon dahil tatlong oras na ang nakalipas ng umandar ang barkong sinasakyan namin. Hindi ko na muna siguro iisipin sila Mama? Ie-enjoy ko na lang muna tong cruise namin!

"Akala ko talaga hindi ka na makakasama." Sabi ni Magggie after niyang mailagay lahat ng damit niya sa cabinet. Nasa loob na kami ng cabin namin at roommates kami! Mabuti na lang at hindi sila nag-aassign ng roommates, ang mahalaga lang daw ay hindi babae at lalaki ang nasa loob ng isang cabin. Well, alam niyo siguro kung ano ang kinatatakutan nilang mangyari kapag nagsama ang isang babae at isang lalaki sa loob ng iisang kwarto.

"Akala ko din eh." Tipid kong sagot. Humiga naman ako sa kama ko.

"Teka nga, ano bang pumasok sa kokote mo at bigla kang sumiway? Pangalawang beses na to ah, pero ito yung unang pagkakataon na hindi kita inimpluwensyahan."Nakangisi niyang sabi habang nakaupo sa sarili niyang kama.

"Well, naging pasaway na ata ako? Wala naman sigurong masamang mangyayari sakin sa pagtakas ko no?" Tanong ko naman. Medyo kinakabahan kasi ako. 

She shrugged. "We never know. Pero sana wala naman."Hindi naman siguro lulubog tong sinasakyan namin? Wag naman sana!

"Pero bestfriend, sigurado ka bang wala kang ibang dahilan sa pagtakas mo?" Napaupo naman ako at tinignan siya ng mabuti.

"Anong ibig mong sabihin?" Ibang dahilan sa pagtakas? Bakit naman ako magkakaroon pa ng ibang dahilan sa pagtakas? Hindi ba sapat na dahilan ang pagkakasakal ko sa magulang ko?

"I mean, baka may sinusundan kang tao?" Sinusundang tao? Sino naman? Si Mark?

"Sino naman sa tingin mo ang susundan ko?" Umarte siyang nag-iisip ng malalim.

"I don't know. Wala naman dito yung manliligaw mong si Rico, wala ka namang kinahuhumalingang lalaki sa IAS pero may lalaking nahumaling sayo dati." Medyo nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ang marinig ko yungnahumaling sayo dati na part. Past tense eh. Ibig sabihin lumipas na. Lumipas na nga ba?

Pero siyempre hindi ko naman maaaring ipahalata kay Maggie na may epekto yung mga sinabi niya. "Si Sir Mark ba 'yang tinutukoy mo?" Tinignan niya lang ako, pinapahiwatig ang katagang 'duh'. "Ano ka ba, Maggie. Tigilan mo na sabi si Sir eh. May girlfriend na yung tao." Inirapan niya naman ako.

"Eh pano kung front niya lang yun para masabing naka get-over na siya dun sa ex niya na kamukha mo?"Napaisip ako. Posibleng front niya nga yun pero gagawin niya ba talaga yun? Ganun ba siya kadesperado? Kung inisip niya ngang ako yung ex niya eh, may posibilidad talaga.

"Hindi ko alam. Eh pano kung nagmo-move-on na talaga siya?" Nagkibit balikat siya. "See? Hindi mo rin alam. Bakit di mo na lang siya bigyan ng chance? Malay natin mabait na tao pala siya, na-judge lang natin dahil sa mga nangyari. Wala naman sigurong may gumusto nun? Tsaka inamin niya na rin naman na kasalanan niya at hindi niya na gagawin yun." Inirapan niya ulit ako.

"Ano bang malay mo kung nagsisinungaling siya?"Napabuntong hininga naman ako sa katigasan ng ulo niya.

"Please naman, Maggie. Unfair ka na sa kanya." Nanlaki yung mga mata niya sa sinabi ko.

"Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo, Riri? Ako? Nagiging unfair sa kanya? Malamang may ginawa siya sayong hindi maganda nuon! Best friend kita, ayokong napapahamak ka! Para na kitang kapatid, ayokong nasasaktan ka. Bakit ba siya ang kinakampihan mo ha? SAYO SIYA MAY ATRASO PERO PARANG WALA LANG SAYO YUNG NANGYARI NUON! Ano bang nangyayari sa'yo?!" Nagulat ako sa mga sinabi niya. Ano nga bang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw?



Bakit puro si Mark na lang ang nasa isipan ko?

Bakit ko siya kinakampihan imbes yung bestfriend ko?

Bakit ko siya hinahanap-hanap?

Bakit yung halik niya yung palagi kong naaalala?

Bakit ako nagkakaganito?


Hindi ko na alam.




"I'm sorry pero hindi mo ako maiintindihan, Maggie." She smirked.

"Hindi kita maiintindihan? O baka nagtatago ka lang talaga sa akin?" Sa sobrang inis ko sa mga narinig ko kay Maggie, napatayo ako.

"HINDI MO AKO MAIINTINDIHAN DAHIL MISKI AKO, HINDI KO MAINTINDIHAN ANG SARILI KO!!!" At nag walk-out ako.



Pumunta ako ng sundeck ng barko, medyo malamig kahit tirik na ang araw dahil 9AM na nga. Umupo ako sa mga blue benches ng barko, ang sarap ng simoy ng hangin! Nakakarelax, makakapagmuni-muni ka talaga.



Hayy... Ano na nga bang nangyayari sa akin? 

Naguguluhan ka lang sa mga nangyayari.

Sa mga nangyayari? Na kahit papaano ay kasalanan ko?

Oo. Partly, kasalanan mo. Lalo na nung hinayaang mong halikan ka niya!

Wala naman akong choice! Hindi na ako nakapalag.

Wala kang choice? Sigurado ka? Kasi pupwede ka namang lumayo! Pupwede kang magpumiglas! Ang sabihin mo nasarapan ka!

No! Of course not! Eew. Instructor ko si Mark, hindi pupwedeng masarapan ako sa halikan na yun!

Sige. Leche ka. Magdeny ka pa! The more na nagde-deny ka, the more na niloloko mo ang sarili mo! Alam mong nagustuhan mo ang nangyari! At hindi ka ganuong na-guilty sa ginawa mo kay Ms. Valerie dahil ginusto mo talaga yung mga nangyari!



Napabuntong hininga ako. Nababaliw na ata ako, kinakausap ko na yung sarili ko. At mas may sense yung ibang pagkatao kong kumakausap sa akin. Whut? Ano ba tong pinagsasabi ko!

Bakit nga ba kasi siya ang nasa isipan ko? Nakakainis na!



"Kung makasimangot ka parang wala ng bukas ah?"Nagulat ako ng may tumabi sa akin. Napalingon ako sa kanya.

"Sir Mark?!" Shucks. Speaking of the devil.

"Oh bat parang gulat na gulat ka?" Nakatitig lang ako sa kanya kaya natawa siya. "Kung nagmumuni-muni ka kaya ka nandito sa sundeck, I advice you na magpayong ka. Masa-sunburn ka niyan." Ngumisi siya.

"I-ah... Uhm, wala naman po akong dalang payong eh."Tumawa siya ng malakas.

"Kaya nga may dala akong payong eh." Sabay yugyog niya sa dala niyang payong na hindi ko napansin dahil sa mukha niya ako naka-concentrate.

"Pasensya na. Hindi ko napansin." Sabi ko ng napapailing.

"Wala ka ata sa sarili mo, Ms Ordoñez?" Ano ba 'yan? Ms Ordoñez pa rin?

"Uh... Tumakas lang kasi ako? Tsaka, Sir. Ano ba, Anna na lang. Ang pormal masyado ng Ms Ordoñez?" Ngumiti siya.

"At hindi pormal ang Sir?" Napakamot naman ako sa batok ko.

"Ibang kaso naman yun. Estudyante mo ako, tsaka kapag narinig yun ng ibang tao... magtataka sila." Nakangiti pa rin siya.

"Wala naman tayong ginagawang masama. "Napabuntong hininga ako.

"Sa'yo wala, sa part ko meron. Iisipin nila binabastos ko yung Prof ko." Napakamot siya ng ulo.

"May point ka diyan pero sige, ganito na lang." Tinitigan ko siya. "Kapag tayong dalawa lang ang magkasama? Ano,Anna? Deal na ba?" Nilagyan niya ng diin yung 'Anna'. Nang-aasar ba siya?


At bakit may kakaibang sensasyong hatid yung binitawan niyang mga salita? "Kapag tayong dalawa lang ang magkasama?" Iba ang dating niya sa akin.

Napailing ako sa mga imahe na pumasok sa isip ko. Hindi maaari ang mga iniisip ko!

"Ayaw mo?" Bumalik agad sa kanya yung atensyon ko.

"Hindi! Ay I mean, oo gusto ko! Napailing lang ako kasi may nasa isip lang ako bigla." Hindi ko alam pero ngumisi siya. Na parang alam niya kung ano rin yung iniisip ko.



Ayoko na ng ganito. Baka mas lalo akong maguluhan kapag tinuloy pa namin itong pag-uusap namin.

"Uhm, Sir--I mean, Mark. Aalis na ako, baka hinahanap na ako ni Maggie." Nagmadali akong tumayo at naglakad palayo.

"Teka lang, Anna! Sabay na tayo!" Sinubukan niya akong habulin.


Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari, narealize ko na lang na nasalo ako ni Mark mula sa pagkakadulas ko. May basang parte pala sa sahig ang nadaanan ko. 


Magkatitig kaming dalawa, nakadikit ang dibdib ko sa dibdib niya, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya at sigurado akong ramdam niya rin ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero ako ang humalik sa kanya at may imaheng pumasok sa isipan ko.


Sa loob ng isang classroom, may isang lalaking natisod at nadaganan ang isang babae. Matapos nun ay naghalikan sila. Wala silang mga mukha, pero parang kilala ko sila... lalo na yung lalaki. Parang kilalang kilala siya ng puso ko.


Napakalas ako sa pagkakadikit ng aming mga labi ng sumakit ng husto yung ulo. "Araaay. Ang sakit ng ulo ko." Napaiyak ako sa tindi ng sakit.


Naramdaman kong binuhat niya ako at nawalan na ako ng malay.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionWhere stories live. Discover now