Chapter 30

53.5K 1.2K 16
                                    

Raven

"Wear something funny...yung baduy...okay na yang suot mo palalain mo lang...do anything that turns her off" sunod sunod na sabi ni Venz habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Why am I doing this again? " nakasimangot kong tanong.

Nandito kami ngayon sa isang boutique full of cheap dresses.

"You're gonna help me get out of this mess that you got us into in the first place. May atraso ka saakin kaya tulungan mo ako. " komportable niyang sagot at  nakadekwatro pa.

Maliit lang yung boutique tsaka wala din masyadong nagpupunta, they seem to sell dresses na tipong lola ko lang ang magsusuot.

"Ilang ulit ko bang sasabihin, it's entirely your fault. Kung hindi ba naman kalahating tanga at dinala ako sa bahay mo,  your aunt won't jump into conclusions about us being in a relationship."

"Kasalanan mo yun,  if you didn't get too drunk on the first place, wala tayo dito ngayon, now move your ass!"

Napabuntong hininga nalang ako.

The misunderstanding started when we won the first match,  nagyaya ang coach namin na magcelebrate sa isang bar and we ended up getting drunk.

Ako naman si tanga, uminom inom pa kahit alam kong may low alcohol tolerance ako.

Yun nga lang di ko namalayang nakauwi na sila, naiwan kasi ako dahil mataggal akong namalagi sa c.r. busy sa pagsuka sa lahat ng mga laman loob ko.

Tatawagan ko na sana si Haru-chan para magpasundo,  but then he showed up and I passed out.

Long story short, we ended up in his house since I was to drunk to tell directions of where I am staying at. Since wala akong matandaan sinabi lang ni Venz na habang binuhat niya ako papunta sa sofa niya ay natumba siya dahil ang 'bigat' ko raw.

Natumba siya sa ibabaw ko at doon umepal ang auntie niya.

Ito namang auntie niya, palaging pinagagana ang pagiging green-minded and concluded her own theory.

His aunt was fresh from France, sikat daw na supermodel doon. Natyempuhan namang bumisita siya sa kaisa isa niyang pamangkin and boom! and we got into an awkward meeting considering I was drunk.

And now she is blackmailing him, threatening to spread his childhood pictures if he won't introduce me to him. Pero hindi niya sinabi ano yun the blackmail part was the only thing he said.

I was a bit curious what that picture was para mapilitan siyang gawin ito.

Ano kaya yun? Siguro nakakatawa talaga iyon kung nahihiya siyang nakalat iyon.

Mahina nalang akong napatawa sa iniisip ko.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan,  you look stupid. Mamili kana diyan ng damit tutal baduy naman yang taste mo,  pick whatever you like. Tapos suotin mo din yung cheap mong perfume, she hate those. " sabi niya. Napataas ako ng kilay.

Peste, kung makautos wagas.

Ang plano kasi ay dapat maturn off yung auntie niya sa akin para pigilan niya ang 'pag-iibigan' kuno namin. Dahil hindi ito makumbinsi ni Venz na wala nga kaming relasyon ay kukumbinsihin nalang naming di ako karapatdapat maging nobya ng pamangkin niya para paghiwalayin niya kami.

"Kung manghila ka nalang kaya ng kung sinong babaeng malaki ang boobs diyan sa tabi tabi at ipakilala mong totoong girlfriend mo baka maniwala na iyon. "

"Di pwede, baka sabihin non na napakababaero ko tapos mas lumala pa iyong sitwasyon."

"Babaero ka naman talaga eh."

The Legendary Dark DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon