Kabanata 8

7.6K 83 3
                                    




Excited akong pumasok ngayon.. dahil dun sa Ed Guevarra na yun.. handang handa nakong maghiganti..





******


In school...



Inalam ko nga pala lahat ng sched niya..




Nakita ko siya andun sa canteen..



Kaya pinuntahan ko..



"Ed tuloy tayo mamaya ha? ok?" sabi ni Caroline (kilala ko siya kasi naging kasama ko na siya sa foundation nun)




"Oo naman, sige antayin moko mamaya sa labas ng gate ok.." sagot naman nitong lalaki





Tumayo na si Caroline pero hinarang ko siya..



"Pst! pstt!!" tawag ko sakanya



Napalingon naman ito sakin..




"Ohhh Alex, ikaw pala.. bakit?"




"Halika dito.. may sasabihin ako sayo..." hinila ko siya..





"Bakit? anong problema?"





"Inaaya ka ba ng lalaking yun? yung transferee?" Pakunwaring hindi ko kilala





"Umm, nanghihiram kasi siya ng mga notes.. Kaya ipapahiram ko skanya tapos ieexplain ko skanya, kaya parang mag-tutorial kami, bakit?"





"Ehhh kasi naman, may nagsabi sakin, atin atin nalang to ha... manyak daw yang lalaking yan, as in sobra, nag-aalala lang naman ako sayo baka mamaya pag kayong dalawa nalang baka bigla kang sunggaban, alam mo na.." alam ko kasing medyo conservative si Caroline





Nakita kong parang nagulat siya...




"Talaga?"




"Oo promise, may nagsabi sakin, mag-ingat daw tayo sakanya.." sabi ko pa





"Hayss, nakakatakot naman.. sige salamat Alex huh.." bigla siyang tumalikod at bumalik kung nasaan si Ed..




Nakinig lang ako..




"Uhmmm Ed.. pasensya na ha, baka di na tayo matuloy mamaya kasi may gagawin pala ako, maybe next time, pag may time ako.. ok?"---caroline





"Yeah, no problem.. its fine" nagtaka ako parang okay lang sakanya...





"Ok thanks bye" sabi ni Caroline






Nung umalis na si Caroline, lumapit nako..



"Hi!" sabi ko lang




Tumingin lang siya sakin... at ngumiti..



"Hello?" tipid na sagot niya





"Hays, dont you remember me? Yung may lamok?" sabi ko lang





Napangiti siya..



"Ohhh yeah.. ikaw yung nagturo sakin ng room ko.."





"Ako nga!! hehe"





"Naligaw ako nun, mali ata yung pagkakabasa mo sa room ko? pero ok na yun, dahil dun nagkabarkada naman ako kaya thank you nadin.." sabi niya pa habang nakangiti




Naasar ako kasi imbes ng maipahiya ko siya sa ginawa ko, nagkakaibigan pa tuloy siya.. damn!!!




"Ganon ba, mabuti yun kung ganon.. umm nanghihiram ka daw ng notes kay Caroline kanina?" sabi ko





"Ai oo, kaso busy pala siya kaya hindi nako manghihiram, pero maganda nga yun kasi hindi ko nadin naman kailangan kasi pinahiram nako ni Brian ng notes, actually nahihiya lang akong sabihin skanya na hindi ko na kailangan.. kaya mabuti hindi na natuloy para makagimik ako..hehe" sabi niya sabay tawa





Tsk!! palpak na naman ako, ano ba yan.. hayss Alex!!!




Nagkunwari akong masaya para sakanya...




"Mabuti naman nakakacatch-up kana sa bagong school mo.. Umm sige bye na, see ya later.." tinalikuran ko na siya kaso bigla naman niyang hinila ang braso ko..



Nagulat ako sa ginawa niya..



"Wait lang.. tagal na kitang nakakausap, pero hindi ko pa alam ang pangalan mo" sabi nito habang nakangiti, kaasar lang kasi hindi ko maitanggi sa sarili ko na he's so cute, especially when he smiled seeing his dimples.. Nakakadistract lang tsk..




Tinanggal ko agad yung pagkakahawak niya sakin..



"Ummm im Alex by the way.." siya na nag-abot ng kamay niya para sa handshake..




Inabot ko naman..



Tumalikod nako pero lumingon ulit ako...


"Umm Ed,.."sabi ko



"Bakit?"





"Pwede.. bawasan mo ang pagngiti? para ka kasing tanga..." pang-aasar ko




Parang nagulat siya sa sinabi ko.. Medyo tumahimik ang paligid.. tapos






"JOKE!!! hehe.. got yah!.. ok bye see yah.." Bawi ko nalang, ayaw ko isipin niya na hate ko siya.. dapat mapalapit ako sakanya para magawa ko yung mga balak ko..





-----***


"Hey hey!! ano yang mukha na yan...? bakit parang nalugi ang negosyo girl.." bungad sakin ni Lisa habang nakaupo ako sa library





"Hayss, kasi naman imbes na masira ko ang buhay nung lalaking yun, sa ginagawa ko napapaganda pa ata ang life niya!! kaasar, seeing him na masaya, it kills me!!" nanggigil na sabi ko..





"Hahaha! akala ko naman bumagsak ka na sa isang subject mo ehh, jusme ang problema mo lang pala ehh si Ex Ed Guevarra ng ate mo.. hayss Alex, wag mo na problemahin yun ok"




"Shhhh! wag ka nga maingay! mamaya may makarinig sayo na pinag-uusapan natin yung lalaking yun!!" bulong ko kay Lisa




"Ok sige,bigyan nalang natin ng code name.." suggestion ni Lisa




Maganda nga naman yung naisip niya na bigyan namin ng codename si Ed..



"Ano namang codename niya?" tanong ko





"May naisip nako bessie!! hihihi.."




"Ano?"




"Hotness!! hahaha" sigaw nito habang tumatawa




"Baliw!! anong hotness ka dyan, tigilan mo nga ako Lisa ha..." sabi ko nalang





"Ohh bakit naman? hindi ba hot?"




"Hot..... Pero teka!! ehh ano naman kung hot siya?!!" Napasigaw ako.. kaya tuloy nagtinginan yung mga nasa library nun.. kakahiya!!





"See? hahaha! kaya bagay sakanya ang Hotness na codename..hihihi" adik talaga tong si Lisa..




"Bahala ka nga!" Wala nakong nagawa sa bestfriend ko, makulit kasi talaga..





-----******



Lagi ko siyang sinusundan.. hayss para tuloy ang dating ko stalker..




Sinisilip ko siya sa malayo, nagtatago ako ng bigla siyang mawala..





"Huli ka!! Sino sinisilip mo dyan?" Nagulat ako pagharap ko si Ed na pala.. my goshhh!!





"Ummm uhhh-mmm, ano ..yung crush ko..!" sabi ko nalang nagkanda-utal utal ako sa pagsasalita nun





"Talaga? asaan?" nadikdik ako sa pader kasi nakisilip din siya.. Napaatras ako sa ginawa niya..infairness ang bango niya..
Shit! ano ba!! Alex stop it!!!





Wala akong maituro kaya...



"Ohh my God!! i forgot!! may klase pa pala ko..! Sige bye na, i have to go!" Itinulak ko siya tapos bigla akong tumakbo palayo..
Buti nalang ang galing kong magpalusot kahit medyo obvious..




----- ****



"Alex... Alex... tara na punta tayo dun.." nagulat ako ng makita ko si Ate.. Tinatawag niya ko..



Tuwang tuwa ako ng makita ko siya.. kaya tumakbo ako papunta skanya..



Nakalahad ang kamay niya sakin.. kaya inabot ko..



Pero nung aabutin ko na.. bigla itong naglaho..



Nawala siya, at dumilim ang nasa paligid ko.. mag-isa nalang ako.. pilit ko siyang tinatawag pero wala siya..



"Ate!!!
ate!!
wag mokong iwan!!
"




Napabalikwas ako.. panaginip na naman pala.. hayss..


Napaiyak na naman ako ng wala sa oras.. "ate, asan ka na ba kasi.. Miss na miss na kita..tsk:,("



Habang tumatagal lalo ko siyang namimiss..at habang lalong namimiss ko siya, lalong tumitindi ang galit ko sa Ed na yun!..hindi naman talaga ako masama eh, masisisi mo bako kung magalit ako? i just hate him for ruining my ate's life..





------****



"Pst! pst!!" Tawag ko kay Lisa..



Nagulat siya ng makita ako, nakabandana kasi ako..




"Ohh my!!! what happen to you?! akala ko kung sino yung tumatawag sakin, natakot pako!! my goshh bessie..!" sabi ni Lisa




"Ang oa ha?, halika ka lang kasi.."





"At bakit na naman?"




"Diba marunong kang mang-crack ng locker?"




"Oo diba nga dati? why ohh why bessie?"




"Lagay mo to sa loob ng locker ni Ed" pabulong ko habang iniabot ko sakanya yung isang box




"Ni hotness? what is this ba?" makulit na babae, binuksan na pilit..




"Ohhh my!! cookies??" sumimangot ito





"Ohh ano na namang problema Liz?" tanong ko agad





"Ang daya kasi, akala ko ba galit ka kay hotness, pero bakit bibigyan mo siya ng cookies, tapos ako wala? ako na bestfriend mo?!" nagdrama pa ang loka..





"Gusto mo niyan??? ohh sige kumuha ka, kung gusto mong mamaga yang labi mo!" sabi ko






"What? anong ibig sabihin---" parang nagets na niya




"Ahhhhh, so anong ingredients ng cookies nato?" tanong niya ulit..





"Cookies made with love and hotness!.. as in hot.. Kaya tinadtaran ko ng siling labuyo yan..hahaha" ngisi ko habang nagsasalita





"What the f---" nasabi nalang ni Liz..





"Wag ka ngang magmura in public ok?, nakakahiya.." Saway ko sakanya...





"Hey hindi public to no, private kaya tong school natin...hahaha" napilosopo na naman ako ng babaeng ito..





"Gawin mo na mamaya ha? please.. magbabantay ako sa gilid ng mga locker..text me pagna-ilagay mo na" sabi ko





"Hahaha, you bessie why so serious? hehehe, talagang kinacareer mo ha?" Talagang inaasar ako..





"Tse! kailangan to no! ano ba?! tutulungan mo bako or hindi?!" galit na pabulong ko skanya






"Oo na! ill go na now.. dont worry bessie, magiging success to.." saka umalis na siya..




Ed Guevarra sana masarapan ka sa cookies na ginawa ko para sayo whahahaha.. Para akong kontrabida no? hehehe






****~~~



Eto na nga.. Tinext nako ni Lisa at nailagay na daw niya....


Sa locker, inaabangan ko si Ed dun..




Mayamaya dumating na si Ed.. its showtime!!






Sinisilip ko, at nagbukas na nga siya ng locker.. i saw his face medyo nagulat.. then got the box,





Kunwari magbubukas din ako ng locker ko..




Patay malisya pakong andun siya..




Tiningnan ko siya..




"Ohhh hi!" bati ko



Ngumiti siya.. still hawak padin yung box..




"Hey what's that??" Tanong ko pa kunwari




"I dont know, may naglagay sa locker ko??" confused ang loko haha




"Wow naman, my admirer ka agad? iba na talaga pag gwapo.." binola ko pa




Binuksan niya at nakita niyang cookies tapos nakita niya din yung card na nilagay ko..




"Hi Ed Guevarra, i know this sound so baduy, but really, na-love at first sight ako sayo.. ewan ko ba nung unang makita kita, hindi ka na nawala sa isipan ko.. kaya sana pagpasensyahan mo na tong ginawa kong cookies para sayo na punong puno ng anghang at init ng pagmamahal ko.. sana naman maappreciate mo, kahit isa lang tikman mo.. please.. thankyou so much.. love-your secret admirer-"




Nung matapos niyang basahin..



"Gusto mo ng cookie?" tanong niya sakin.. syempre naman tatanggihan ko yun..





"Naku, hindi ako kumakain ng cookie ehh? sige ayos lang kainin mo na yan, malay mo sinisilip ka ng nagbigay niyan sayo, para worth it naman yung pinapaguran niya dapat tikman mo.." sabi ko pa





Napaisip siya saglit..



Saka niya dinampot ang isang cookie.. at kinagat niya...




Halatang nilasahan talaga niya.. pero maya maya..




Nailuwa niya bigla at nagsimula na siyang mamula...




"Ohh--hh myy!!" pinapaypay niya yung kamay niya sa bibig niya at napakapula na ng mukha niya..




"Hey, are you okay?" kunwari ko pang tanong..




"Uhhuhu... d-do you have water?" halatang hirap na siya magsalita...




"Uhm wala ehh?" kahit meron sa bag ko..




Tapos bigla siyang tumakbo, ewan ko kung san siya pupunta.. pero ako naiwan na wagi! hahaha!!



Sa wakas gumana din ang plano ko.. "Alex- success-check!!"



Ang saya saya ko habang nakikita siyang nahihirapan magsalita.. buti nga sakanya..hahaha





-----****



Lumipas ang isang buwan na focus ako talaga sa lihim na pagpapahirap kay Ed..




Medyo madami dami nadin akong success kahit paano..




"Ui Liz, sa tingin mo paano ko maipagkakalat na may alipunga si Ed?" tanong sa bestfriend ko..





Nagtaka ako na napakaserious niya ngayon..



"Ui Liz, ok ka lang ba?" tanong ko ulit





"Oo ako ok, pero ikaw, ewan ko.. " Sagot nito





"Okay naman ako ahh, ano bang problema?" nag-alala naman ako kasi hindi ako sanay na seryoso siya





"The problem is.. you are so immature.. napakaisip bata mo, kung ano anong iniisip mo para makapaghiganti kay hotness pero puro immature thing lang naman,.."




"Nung una na sabihin mo sakin na maghihiganti ka, ang tapang tapang mo pa magsalita, sabi mo pa.. *"hindi ko hahayaan na maging masaya siya dito"*(ginaya pa yung gesture ko ng loka).. akala ko pa naman matindi tinding paghihiganti mo.. tapos yun pala puro immature thing lang?!!" sermon niya sakin,



"Kung yun na ang paghihiganting sinasabi mo, parang wala lang din.. Tulad nung kunwari natamaan mo siya ng bola sa ulo.. tuwang tuwa ka na, yung napakain mo siya ng cookie na maanghang, yung nilagyan mo ng langgam yung damit niya, hayss.. Alex, mag-isip ka naman.. dimo ba naisip na yung sakit na natamo niya na ginawa mo, nawawala agad, like nung natamaan siya, palipasin lang niya ang 1min wala na yung sakit, uminom lang siya ng tubig wala na yung anghang..what i want to tell you is, nag-eeffort ka ng masyado pero parang wala din."

Naisip ko na tama lahat ng sinabi niya, yeah im so immature and stupid..



"Ehh wala naman kasi akong lakas ng loob para ano ehh.. para.." hindi ko masabi sakanya




"Para ano?" tanong niya




"Para ipapatay siya, grabe naman kasing paghihiganti yun kung ganun.."sabi ko



Nakita kong napatawa si Lisa sa nasabi ko..




"Tse!! adik ka talaga Alex, hindi yun ang ibig kong sabihin... Ang ganda ganda mo naman at sexy pa, bakit hindi mo gamitin yan para maghiganti ka.."
hindi ko nagets yung sinabi niya



"Huh?"




"Make him fall in love with you, yung tipong mababaliw siya sayo, parang si kuya Jake kay ate mo.. Then in the end dumb him, gawin mo skanya yung ginawa niya sa ate mo.. Pinaasa at niloko.. mas may sasakit pa ba dun?.." dun ko lang naintindihan yung gusto niyang sabihin



Tama siya, walang kwenta lahat ng mga pinaggagawa ko sakanya dahil lahat yun panadaliang sakit lang.. kaya naman naconvince ako sa balak ni Lisa..




"Alam mo Liz kahit haliparot ka may utak kadin pala.," pagbibiro ko pa




"Grabe naman bessie, haliparot talaga?" reklamo naman niya




Niyakap ko siya dahil tuwang tuwa ako sa naisip niya..




"Humanda ka Mr.Ed Guevarra sa alindog ni Alexandria Mendez.." sabi pa lisa.. adik talaga.. alindog daw hahaha




"Gagawin ko ang lahat para mainlove siya sakin promise.." nasabi ko yun.. at gagawin ko talaga..





-----<<<<<~~~~~>>>>----



End of chapter 8...:))



Abangan sa susunod na chapter ang pang-aakit ni Alex kay Ed..

Revenge To My Sister's Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now