Kabanata 13

5.6K 70 11
                                    





Ngayong araw nato... Ang goal ko, hindi siya makita or makausap..





Pumasok ako... iniwasan ko lahat ng place na alam kong pinupuntahan niya..






Kaso nakita ko siya papunta kung nasaan ako kaya tumakbo ako at nagtago..




Dun sa halamanan..





Napadaan si Liz..





"Hoy! bessie! ano yan?" sabi nito na ikinagulat ko pa..






"Sshhh.. lika!" aya ko skanya




Lumapit naman siya..




"Bakit ba? ano bang ginagawa mo dito?" tanong niya..






"Nagtatago ako.. wag ka maingay" sabi ko ng pabulong






"Wag mong sabihing tinataguan mo si hotness?" sabi niya..





Tumango lang ako...




"Hahaha! para kang adik bessie, tara na nga! wala na siya.." saka ako hinila..






"Sure ka ba? wala na siya?" tanong ko pa...





"Oo wala na nga... class hour na nga ehh, kaya wala ng student dito, tayo nalang, ibig sabihin.. late na tayo!" nagtakbuhan na kami..




I almost forgot may klase pa pala ko.. ano ba yan..






.........


Pag napapadaan siya sa gilid ng classroom namin.. alam kong tumitingin siya.. pero ako dedma lang, hindi ko talaga siya nililingon, dati pag ganon, kakawayan ko pa siya.. pero iba na ngayon.. kunwari busy akong nagbabasa...





Medyo nahihirapan pako kasi, may mga bagay na kinasanayan nako, yung bang ako parating naghahabol skanya ng pasimple lang.. ngayon naman dapat iwasan ko na siya..






Sa Canteen..




Wala si Liz ngayon at nag-bora ang loka.. kaya absent siya.. kaya naman mag-isa lang ako kumain ngayon..






Mag-isa ako sa isang table na kumakain.. infairness namimiss ko na yung bestfriend ko, kahit pala ganon yun kulang din ang school ko pag wala siya.. kulit kasi.. hehehe





Shoot!! si Ed ba yung nakapila para bumili ng pagkain? kailangan ko ng matapos dito..





Yumuko nalang ako, at medyo nagtakip ng mukha.. ayaw kong makita niya ko.. malamang pupuntahan ako nun..






Para tuloy akong shunga, kumakain ng nakayuko,

Pero dibale na, wag ko lang siyang makaharap..




Malapit nakong matapos ng..




"Hi.. pwede makishare ng table?" hayss siya na nga..





Dumiretso nako ng upo at pakunwaring ngumiti..




"Umm sure, sige sayo natong table, tapos narin ko.. sige bye!" dirediretso akong tumayo at umalis..




Ang bilis kong maglakad nun ha..



"Hayss!" napaupo nalang ako sa isang tabi..





Mahirap pala talaga siyang iwasan lalo na same school pa kayo!.. my goshh! maloloka ako..




Kaya magmula nun, hindi nako kumakain sa canteen, pumupunta nalang ako sa kotse at dun kumakain..




"Mam, bakit po yata mas gusto niyo na dito na kumain tuwing break? may kaaway po ba kayo sa canteen niyo?" tanong ni Kuya Fred na chismoso!





"Ehh bakit ba?! gusto ko dito kasi namiss ko tong kotse, ok?" hayss wala naman kasi talaga akong maidahilan..






Never nakong napapapunta sa building nila...






...............



Nasa Salon ako nagpapa-nail polish..




"Liz, ano? matagal kapa diyan? umuwi ka naman na please.." sabi ko habang kausap ko siya sa phone..





"Sus, ano ka ba naman bessie, bakasyon nga ehh, kaya matagal.. kaw talaga" sagot pa niya





"Bat pa kasi ngayon mo pa naisipang magbakasyon, kung kelan kailangan kita, alam mo namang iniiwasan ko si Ed ehhh..." reklamo ko skanya..






"Kaya mo yan Bessie, sa isang araw naman uuwi nako ehh..kaya chill ka lang dyan ok.. Bes i have to go, andyan na yung family namin galing Sydney, ill call you later ok? take care! muah muah labyah!" pagmamadali niya





"Okay sige, enjoy ka dyan.. bye!" sagot ko naman..





Maya maya habang nasa salon ako, nagulat ako ng pumasok si Teresa?..




Umupo siya next to me..



"Hi!" sabi niya..





"Hello" saka nginitian ko din siya..






"Schoolmate tayo diba? kung di ako nagkakamali, your Alex right?" sabi pa nito.. kilala niya ko.. hmmm





"Umm yeah, im Alex, and your Teresa.." sabi ko naman





Natawa siya..


"Ang galing, we know each other's name..hihihi" ang simple lang talaga niya.. kahit sa pagtawa parang dalagang pilipina..





"Yeah, sino ba naman hindi makakakilala sayo, dami kaya sayong may gusto..." sabi ko sakanya..





"Sus, thanks naman, oo madami sila, pero isa lang din ang nagustuhan ko.. nakakatuwa lang kasi, first boyfriend ko siya.. last week ko lang siya sinagot.." halatang kinikilig..




Ayoko ng itanong kung sino dahil alam ko naman na kung sino siya.. bakit ba parang nasasaktan ako?!! bwisit naman!..





Pinagmadali ko yung nagnail polish sakin kasi ayoko ng makausap tong babaeng to!..





Hayss..





..........



Sa kakaisip sa mokong na yun, napuyat tuloy ako..




Nagising ako ng 10am...



But then i realize something..




"Ohh my!! im late!!" Napabalikwas ako ng tayo sa kama ko..



Shete!! may appointment ako kay Dra.Jimenez..!





Nagmamadali ako, di na nga ako naligo.. nakakahiya my goshh..





Nakarating ako sa clinic niya 10:45am...




"Dra. sorry.." sabi ko..




"Ikaw talaga, first time mong ma-late, at dahil dyan madami ng taong nauna sayo so.." sabi ni Dra..





"Naku Dra, ayos maghintay ako, tutal ako naman po may kasalanan ehh.. sorry po talaga, wait nalang po ako ng turn ko.." sabi ko skanya..




Kaya bumalik ako sa lobby at umupo..





"Sabi na nga ba, makikita kita ngayon." Napalingon ako,




"Ui Sander ikaw pala" sabi ko naman.. ngumiti siya ng bongga..




Natawa naman ako.. "kaya ka ba ngumiti ng ganyan para mapansin kong wala ka ng braces? haha"




"Tama! hehehe, maganda na ba?" tanong niya





"Oo lalong gumanda ang ngiti mo.." totoo naman, nung nakabraces palang siya, ang cute na niyang ngumiti lalo na ngayon natanggal na yung braces niya..





"Thanks..! sa wakas tapos na ang paghihirap ko sa mga braces.. hehe" sabi nito





"Alam mo, nakakainggit yang ngiti mo.." sabi ko naman..




"Bakit? gusto mo sayo na?hehehe" pabiro pa niya..





"Kung pwede nga lang mang-agaw ng kasiyahan, ginawa ko na.." bakit ba kasi nagmoment pako nun..





"Alam mo Alex, sa totoo lang, dati pa kita nakikita dito.. may kasama kapa nga eh, isang babae din, medyo kamukha mo" sabi nito..





"You must be talking about my ate.." sabi ko..





"Compare noon, iba ka na ngayon" sabi pa nito





"Ha? panong iba?" tanong ko






"Nakikita ko ang mukha mo noon, masaya ka.. compare ngayon.. ang tamlay mo ehh" nagulat naman ako, napansin niya talaga..






"Ahhh, ganon ba.. ang galing mo naman, napansin mo" sabi ko nalang..






"Ano ba dahilan niyan? boy problem ba?" tanong nito





Hindi nako nahihiya sakanya, ewan ko ba, basta magaan siya kausap.. feeling ko talaga kaibigan ko na siya ng matagal...





Tumango ako..



Siya naman ngumisi..




"Ang hirap lang kasi yung gusto mo may iba namang gusto, diba so unfair?" sabi ko pa..






"Kawawa ka naman pala, walang gusto sayo yung taong gusto mo.. ako may gusto sakin yung taong gusto ko..hehehe" nang-aasar ba siya






"Wow, sorry naman huh.. at ang swerte mo" sagot ko naman..






"Kaso akala ko siya na nga talaga, hindi pala.. nung niligawan ko siya okay pa kami, pero nung naging kami na, parang wala ng spark, parang nagsasawa nako, ewan ko ba.." kwento niya sakin






"So kayo padin hanggang ngayon?" tanong ko




Tumango siya..





"Ehh bat hindi mo siya ibreak?" masama ba suggestion ko?hehehe





"Ayoko lang, tutal wala pa naman akong nagugustuhang iba ehh, hayaan ko na muna.. at ayoko lang din makita siyang umiyak.. ayoko sa lahat, magpaiyak ng babae.." Sagot nito na ikinahanga ko naman.. nakakahanga lang kasi yung sinabi niya,






"Sana lahat ng lalaki katulad mo.."





"Ha? bakit naman?" tanong nito..





"Ehh ikaw kasi, sinasaalang-alang mo ang damdamin naming mga babae, di tulad ng iba, basta magawa lang nila ang gusto nila kahit nakakasakit na sila, okay lang.." ang bitter ko talaga





Bigla niya kong inakbayan..




"Alam mo Alex, hindi lahat ng mga lalaki magkakatulad..hehehe easy ka lang.." sabi niya sakin





"Ms.Mendez, your next napo" tawag sakin ng secretary ni Dra..




Tumayo nako..


"Tawag nako.. sige bye!" sabi ko..




Ngumiti siya.. "bye"






............




Nakipagkita sakin si Liz sa mall..




"Hi bessie!" nakita ko na siya..





"Ohh anong ginawa mo sa buhok mo?" Naging kulay mais kasi buhok niya..





"Bagay ba sakin? hihihi, yung pinsan ko kasi ang kulit..pero bagay naman diba?"






"Bagay sayo, maputi ka naman ehh.. hehehe" tawa ko





"Bessie naman, pero eto ang pasalubong ko sayo.. yiehhh..hihi" sabay abot sakin ng paper bag..






"Ano naman to?" habang binubuksan ko..




Nagulat ako ng makita ko..




"Two-piece?" saka niya ko tinawanan..





"Hahaha, bessie naman, ganda kay niyan..meron din ako niyan, suotin mo pag nagbeach tayo ok?" sabi pa niya..





"Thank you.." sabi ko naman..





"Kamusta naman ang reunion niyo?" tanong ko





"Ayun okay naman.. wait! dimo ba itatanong kung meron akong nameet na boylet?hihihi" kilig pa sya






"Hindi nako magtataka kung meron, ikaw pa! hehehe"





"Tama!!! ang yummy!!" Hays ang kiri talaga niya..





"Yummy ka dyan.. tara na nga, kain na tayo at nagugutom nako." aya ko sakanya, ayaw kong marinig yung iba pa niyang kwento at for sure.. diko magugustuhan...alam niyo naman si Lisa..






........


We're eating..



"So ano na pala lagay niyo ni hotness?" tanong niya





"Anong lagay ka dyan.. wala naman, basta iniiwasan ko lang siya..yun lang" sagot ko naman






" bessie.. im wondering.. kelan ka kaya magkakalovelife?"





"Ehhh bakit?! ikaw ba may lovelife na?!" tinaasan ko siya ng kilay..





"Ehh sino bang may sabing wala?hahaha" ---liz





"Meron na?!" tanong ko agad..





Tumango siya tapos ngingiti-ngiti..




Kinurot ko siya sa tagiliran..





"Aba! bakit dimo sinasabi sakin?!"





"Sasabihin ko palang ngayon, ano ka ba.. hihihi, kakameet ko palang kasi sakanya nung sang linggo..hihi"





"Hays.. ang haliparot mo talaga..san mo nameet?" tanong ko..





"Sa bora, san pa ba?! hihi, basta bessie.. we're meant to each other talaga.."






"Anong name naman?"--tanong ko,..






"Gherald.. with a H.. hihi"






"Naku, wag masyadong magseryoso.. mamaya niloloko ka lang niyan.." babala ko skanya..






"Bes, wag nega ok?"





Oo nega na kung nega.. Ehh ganong ganon din si ate nung mainlove kay Ed.. kilig na kilig.. ayaw ko lang naman silang masaktan..







Naglakad lakad na kami sa mall...





"Bes wait lang ha.. washroom lang ko, wait moko dito.."





"Okay sige..." sagot ko..





Naeng-ganyo naman ako tingnan yung nagpeperform sa stage kasi, ang daming naghihiyawan na mga babae.. ano ba yun artista?..




Kaya sinilip ko saglit...





Ay sayawan pala.. naaaliw din ako manuod ng mga nagsasayaw.. kaya medyo lumapit ako para manuod..






Laking gulat ko sa nakita ko..





"Ed?!!!!"





Nanlaki ang mga mata ko, seeing him.. dancing?!!


He's dancing with a group.. i saw Brian.. well i know Brian, dancer talaga yun pero si Ed?..






Napatulala ako sakanya..



And he was a good dancer.. ang graceful niyang sumayaw.. bakit?!! i never know that..





Hindi naikwento sakin ni ate na sumasayaw yung Ed na yan..





Lalo tuloy siyang nagiging hot..!! shete naman Alex!! stop fantasizing him!!..




But i cant help it.. seeing him dancing.. hayss! hate it!!





Nakatitig ako skanya na parang walang bukas.. di lang ako makapaniwala talaga na sumasayaw siya.. my goshh!! his body.. imagine.. just moving so graceful!!!..





Namula ako ng magtama ang mga mata namin..


Magmula ata ng makita niya kong nanunuod sakanya, he never stop looking at the right side of the stage..





Natunaw ako lalo nung ngumiti na siya habang nagsasayaw.. my gad!!! helpp!!! ..




"Wait Alex!! arent you supposed to be avoiding him? not fantasizing him.. right?!!!" sabi ng pangalawa kong katauhan..




Kaya natauhan naman ako..




Tama naman dapat iwasan ko siya dba?...




Nag-one last look ako skanya.. then saw him looking at me too..




Tapos bigla ba naman akong kinindatan.. Inirapan ko nga..




Saka ako umalis..





Napabuntong-hininga ako dun..




"Tadhana nga naman!" nakakaasar kasi ..siya yung pinakaunang taong ayaw ko makita ngayon, bat siya pa nakita ko..







.........<<<<~~~>>>...........



End of Chapter 13..




Hanggang kailan iiwasan ni Alex si Ed...? Baka hanggang next chapter nalang..hehe..


Thanks guys sa pagsubaybay...


And sorry if its medyo baduy.. :)))



Feel free to comment.. im open in any suggestions.. :))

Revenge To My Sister's Ex (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora