Kabanata 38

10.8K 201 86
                                    

Nagising ako ng late, magdamag ba naman akong umiyak... pagtayo ko, sobrang sakit ng ulo ko...

Nakita ko sa desk ko...

"Sacred Heart Parish Church"

Talagang akala niya pupunta ako...

Pagbaba ko..

Bat walang katao tao?...

Tiningnan ko si Alexis sa kwarto niya.. wala to..

Asan ang anak ko?..

Tinawagan ko si Yaya...

"Hello Yaya... asan si Alexis?!" medyo galit ako..

"Mam, andito po kami sa church, flower girl po kasi si Alexis ehh.. sinama po ng daddy niya.." uminit lalo ang ulo ko...

"Ehh bakit mo pinasama?!!" sinigawan ko na siya.. flower girl ang anak ko sa kasal ng ama niya sa ibang babae?!!

Narinig kong andun si Liz, alam ko ang boses niya, inagaw niya yung phone..

"Bessie, asan ka na ba?.." tanong niya..

"At bakit andyan ka?" tanong ko naman

"Binabantayan ko si Alexis, di ka ba pupunta?.. flower girl ang anak mo, ayaw mo bang makita?" sabi pa niya

"Ayaw ko, ibalik mo na nga si Alexis dito, wala akong balak pumunta dyan?!" sigaw ko na, aba hindi ko hahayaang makita ng anak kong may hahalikang ibang babae ang ama niya, masasaktan siya!

"My gad, sayang naman ang outfit ko, tara dito.. ikaw kumuha sa anak mo.." sambit pa niya.. saka in-off ang phone..

Pasaway ka talaga Liz!.. kaya naman nagbihis agad ako, at hindi nako nag-ayos ng sarili..

Nagdrive ako papuntang church,

Napapikit ako ng makita kong sarado na yung pintuan ng church.. ibig sabihin nagsisimula na..

Bumaba ako at pumunta sa pintuan...

Nagulat ako ng biglang lumitaw si Liz...

"My gad, bessie, bat ngayon ka lang?!.. and look at yourself?! di ka manlang nag-ayos.. hayss lika nga, mag-ayos ka naman ng konti.." saka ako hinila..

"Teka nga! andito ko para kay Alexis, susunduin ko lang siya okay?" sambit ko pa..

"Andun na siya sa loob okay?.. kaya kailangan mong pumasok sa loob, wag mong sabihing ganyan ang itsura mong papasok sa simbahan?.." tanong niya...

Wala nakong nagawa kaya sumama nako sakanya...

Pumasok kami sa likod ng simbahan... at dinala niya ko sa isang kwarto...

"Umupo ka diyan.." pinuwersa ba naman akong paupuin..

Nagulat ako ng magpasukan yung mga babae at bading? may mga dalang kikay kits...

"Kayo na bahala sakanya ha?" sambit ni liz saka skanila..

At talagang iniwan pako!..

"Umm.. ummm, konting ayos lang.. hindi naman ako aattend eh, kukunin ko lang yung anak ko sa loob.." sambit ko sakanila

"Ssshhhh... dont worry, your gonna be the most gorgeous lady in the church..." sabi ng baklang exaggerated..

Hays, wala ng point para makipagtalo pako sakanila kaya hinayaan ko nalang sila...

..Buti nalang ang bilis nila mag-ayos kaya makakaalis nako..

Tumayo nako..

"Thank you..." sambit ko sakanila

Revenge To My Sister's Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now