Kabanata 26

4.7K 73 4
                                    




Paano ko ba sisimulan ang araw ko kung nawalan nako ng inspirasyon....






Everyday... siya ang iniisip ko, kaya ginaganahan ako sa pagi-gising... paano ko ngayon, my gad Alex!.. hanggang sa huli talunan kapa din...








Nagfocus nalang ako sa pag-aasikaso ng kasal ni ate... i want to be busy...







Kung dati busy nako.. mas lalo akong magpapakabusy ngayon... i dont want to remember anything about him, kasi mararamdaman ko na naman ang sakit..







Wag ko na muna sana siyang makita.. please,...








.....................




Five days before the wedding, the plan is mauuna na kami nina ate at kuya J sa bora to prepare...







Akala ko kasi sasabay si Ed samin... kaya





"Te' mauna na kayo... sunod nalang ako.." sabi ko








"Ano ka ba?... kala ko ba tayo magkakasabay?.." Tanong ni ate









"Ehhh ano kasi ate.. may kailangan pakong gawin ehh.." Palusot ko pa







"Ikaw talaga.. ehh di wala kaming kasabay ni Kuya J mo?." sagot naman niya..







"Kayong dalawa lang ba mauuna? akala ko may iba pa kayong kasabay? (ed).." tanong ko







"Oo si James nga sana kaso nagback-out siya kanina, the day before nalang daw ng kasal siya pupunta yung pinakalast practice natin.." Paliwanag ni ate







"Bakit naman nagback-out?"







"Ihahatid daw niya kasi tom yung girlfriend niya sa airport... kaya, mauna na daw tayo..." sagot ni ate








Medyo nagpigil lang ako... girlfriend niya ha... tuwing maririnig ko yun, di maiwasang kumirot ang sugatan na puso ko... hayss..







"Sige na te' sabay nako sa inyo, wawa naman kayong dalawa,hehe.." biro ko pa








"Kaw talaga... tama lang mauna tayo dun para maiprepare natin ang reception...and diba may konting gathering tayo with the friends... dapat medyo iready din natin yun.." sabi ni ate






Oo bago ang kasal, may konting salo salo ang mga kaibigan ni ate at kuya J tutal naman daw nasa bora na, parang farewell ng pagiging binata at dalaga daw nilang dalawa..







Mabuti nalang hindi na sasabay si Ed... hanggat kakayanin kong umiwas sakanya, gagawin ko...







................



We went there at sinimulan ng mag-ayos... and also kaya pala mauuna kami nina ate dun, pictorial nila...







Ang ganda ganda ng scenery...





Masyado naman sigurong awkward kung hindi ako magsuot ng tamang dapat isuot pag nasa beach diba..





After all, everyone there nakaganon.... sinuot ko yung two-piece na gift sakin ni Liz dati... black and white siya.. pero nagpatong nadin ako ng topper, di naman ako ganon kaconfident para iladlad ang katawan ko lalo na ang daming lalaki dun...





"Aba... ang sexy ng kapatid ko ahh, Alex.. bat tinalbugan moko, ehhh ako ang bida dito?..hehe" sabi ni ate







"Ate naman... parehas lang tayo no, ang kaibahan nalang ngayon, ikaw dapat kay kuya J muna lang yan ipapakita yang kaseksihan mo, hehehe" pabiro ko pa kay ate...








"Oo tama ka... para kay J lang to..." sus inlove nga naman, kaya kinurot ko sa tagiliran..







"Sus si ate...hehe"






"Oo nga pala te' pinapunta nadaw ni Jules yung photographer.. baka maya maya andito na yun... kaya ready na dapat.. ang face ate ha... hehe" sabi ko..







Kitang kita ko sa mga mata ni ate na sobrang excited at sobrang saya niya... kaya naman kahit paano nagiging maligaya din ang puso ko para sakanya...




Pero naiinggit ako kay ate.. kasi buti pa siya, mahal siya ng mahal niya... ehh ako??.. ako nalang ang nagmamahal... tanga tanga ko kasi...








............



Nung lumabas na si Kuya J...




Nastarstuck kami.. gosh, ang ganda ng katawan, nakaswimming trunks lang siya ... nagtilian ang mga bading na nag-aayos kay ate... sakit sa tenga...





Ngumiti lang si Kuya J.. saka niya pinagmasdan si ate..




Hayyss kung pelikula lang to,, grabe na sa tili ako dahil sa kilig, kung paano niya tingnan si ate... as if si ate ang babae sa buong paligid niya.. my gad... there so bagay!..






"Kung magtinginan parang nagliligawan lang ahhh..!hehe" pang-aasar ko...





Naputol naman ang malagkit nilang tinginan gawa nung sinabi ko saka sila nagtawanan...







They are so inlove with each other kaya dapat lang na makasal at magsama na sila..








"Ate andito na si Photographer..." nung sinalubong ko






"Rey nalang.. wag ng photographer" saka siya ngumiti...






Aba bago lumakad tiningnan pako ng mabuti... manyak!






Nung makita niya na whole body ko saka ako nginitian..





Irapan ko nga.. bwisit! dami talagang manyak sa mundo..







"Dun po kuya Rey sa may bandang dalampasigan..." paano nakatulala ang loko..







"Im just 22.. Wag mo nakong tawaging kuya... Rey nalang..." sumagot pa..







Pake ko sa edad niya.. diko naman tinatanong... naku!..
Patience Alex...







"Okay.. tara na, kanina pa kasi kami naghihintay..." sabi ko ng may konting taray






Ngumiti lang naman siya at sumunod...







"Te' si Rey...ang ating photographer..." sambit ko







"Okay sige po, pwesto napo tayo dito..." inayos na niya yung pwesto.. ng dalawa..








"Alex, kunin no nga lang yung sunblock ko, sobrang tirik ng araw ehh... please, nasa brown na bag, din sa pouch okay?.. tnx sis.mua..." si ate talaga...







"Okay ate... pasalamat ka ikakasal ka na..." sabi ko pa.. ngumiti lang si ate..







Layo-layo pa naman ng cabin namin.. shooiosh!
Pahirap...






Nagmamadali akong pumunta ng cabin.. at kinuha yung sunblock ni ate..






Nagpahid na muna ko sa katawan ko...







Nagmamadali akong pumunta sa photoshoot..





Medyo napatakbo nga ako...





"Ate!.. eto na!!.." hingal na hingal kong sabi nung makarating ako sa pwesto..






Napakapit ako sa Mamang nakatalikod.. sa sobrang hingal.. akala ko si Kuya J...






Sobrang gulat ko ng makita ko si Ed???... what???..




Tinanggal ko agad ang kamay ko sa balikat niya saka..
Napaatras ako...





"Ooops, sorry..." Sambit ko nalang







Ngumiti lang siya...




"No its fine.." Napadiretso tuloy ako ng tayo...





Bakit ganon?! bat andito siya..?!! diko to expected...







"Umm bat andito ka?" biglang sabi ko.. saka ko naisip.. katangahan na tanong.. hayss.. Alex...







Natawa siya...



"Umm cos my brother is here?.." sagot naman niya..








"No, what i mean is diba kaya nga dika nakasabay kasi may gagawin kang importante..?" patay malisya kong tanong sakanya...








"Ohh yeah.. she decided to go early kaya't kahapon palang naihatid ko na siya.. thats why im here... bakit ayaw mo?" nagulat ako sa tanong niya...







"Umm di naman sa ganon.. tama lang na andito ka to support your brother same as me.. Para naman kay ate.." saka kunwaring ngumiti...






Naconscious naman ako ng bigla siyang tumingin sa katawan ko... bigla tuloy ako namula.. shit Alex!.. stop it.. your supposed to forget him..!..





Kaya naman bigla ako umalis sa harapan niya..






"Ummm ate... lika na, pahiran na kita sa likuran mo nito..." medyo nataranta pako...






Kaso inagaw sakin ni Kuya J,






"Let me do it Alex.."
Saka ngumiti.. kaya hinayaan ko nalang, bakit nga ba ako nagprisinta magpahid kay ate... eh andyan nga pala si Kuya J??... ai shunga.. sobrang kabado kasi..






"How bout you Alex...gusto mo ako na magpahid sa likuran mo?" matapang na mukha ng Rey nato...






Inirapan ko lang...saka ako tumalikod..






Nakabangga ko pa tong Ed nato.. hanggat maaari ayoko sana magkadampian kami ng balat nitong lalaking to, kasi... hays...ewan!..






"Sorry..." saka nagmamadali ako lumakad sa isang gilid...yung medyo malayo sakanya...






Nagulat naman ako nang nasa likod ko na pala si Ed...






Nung nakita niyang napansin ko na siya.. lumapit siya at bumulong...





"Do you know that guy?" tanong niya..






Itinuro niya yung photographer...






"Umm kanina ko lang siya nakita at nakilala... bakit?" tanong ko naman







"Wala... sige..." saka siya lumayo at bumalik sa kabilang gilid...






Huh??.. Yan nalang nasambit ko...








Hindi ako mapakali pag andyan siya sa paligid.. hays... paano ko makakakilos ng maayos nito...







"Ate tingin..!" dala ko kasi yung digicam ko...






Tumingin si ate at ngumiti.. ang ganda niya...





Pinicturan ko din sila ni Kuya J...





Habang pinagmamasdan ko sila... they're both perfect...
Si Kuya J.. ang hunk tingnan.. at si ate... ang sexy... best couple... perfect to each other..








Nagulat ako nang agawin sakin ni Ed yung camera ko...






"Akin na yan... lapit ka sa ate mo.. kuhanan ko kayo..." Ngumiti pa siya...






Hays i hate this... napapatingin na naman ako sakanya... nakashades siya, pero ang gwapo padin niyang tingnan...






Ginawa ko nalang ang sinabi niya...






Ngumiti si ate at hinila ako... magka-akbayan na kami.. oo kailangan ko tong picture nato.. remembrance sa ate ko bago siya ikasal...







"Tingin dito... and smile.." sabi ni Ed..






Ayoko sanang tumingin pero hays.. sige na nga.. dun naman ako titingin sa camera...







Nakadalawang shot na siya... one more padaw...






Kaya tumingin ako pero bigla niyang ibinaba ang camera kaya naman nagtama na naman ang mga mata namin, nailang ako kaya't ibinaba ko yung tingin ko...








"Bait niya no?.." sabi ni ate bigla






Tumango lang ako...






Tumingin ulit ako sakanya... he's laughing while kausap si Kuya J...







Nakaramdam na naman ako ng kirot.. kasi i know that behind that smile.. Ibang babae ang dahilan..sakit..







"Ate.. tingnan ko lang yung phone ko sa loob ha.." paalam ko kunwari... gusto ko muna kasing mapag-isa








Nagmamadali akong maglakad ng madaanan ko sila Ed...






I saw him.. napatingin siya sakin pero..






Hindi ako lumingon, nagdirediretso lang ako...








Hate this!... sana kayanin ko pang makasama siya...







Sana andito sila Liz at Sander para natutulungan nila kong umiwas kay Ed.. hays.. i miss them...







.........................



Nakatulog na pala ako sa cabin namin ni ate...





Nagising ako ng madaling araw...






I decided na lumabas na muna...







Grabe ang lamig pala..





Naglakad lakad ako malapit sa dagat...







"Pagkatapos nitong kasal nato... Matatapos nadin ang paghihirap ko..." sambit ko







Lakad ako ng lakad , diko tinitingnan ang daanan ko,.. hayss may mga bato na pala sa buhanginan... kaya ang shungang Alex.. natapilok.. ang sakit...








Napaupo ako... "shit!" Sabi ko






Tapos maya maya bigla ko nalang naalala yung dati... when Ed came and binuhat niya ko... dati nagkukunwari lang ako nun... napapikit nalang ako, ang hirap kasi pala talagang makakalimot... hayss...








Hinimas himas ko lang ang paa ko para maging okay naman ng konti makapasok nako sa loob, ayoko naman ng mang-istorbo...






Nagulat pako ng sumulpot si Ed sa likuran ko... ano ba ang peg niya.. mushroom style lang??!! nakakagulat kaya...








"Ok ka lang?" tanong niya agad...







"Yeah im fine,.." sagot ko naman







Pinilit kong tumayo... pero., "ouchhh!" diko napigilan hindi sambitin yn,, sakit kasi talaga..







"Alex.. your not fine.." sabi niya pa, na nakaakmang aalalayan ako... pero pinigil ko...






"Yes im fine, okay nako.. sige na, punta ka na sa cabin mo, at ako pupunta nadin samin, ok lang ako.." Sabi ko saka ako iika ikang lumakad palayo sakanya..







Diko na hahayaan na magkalapit pa tayo ulit, ako lang ang kawawa sa huli...







Pero nagulat ako ng buhatin niya ko...







"Ed ano ba?!!" sigaw ko..







"Your not fine okay.. Alex wag ka ng matigas ang ulo, kilala moko..hindi ako yung lalaking hahayaan nalang yung kapatid ng sister-in-law ko na maglakad ng nahihirapan..." sabi niya habang buhat ako..






Kapatid ng sister-in-law? my gad Ed! yan nalang ba talaga ko sayo?!..








Hindi nako nagsalita...hanggang sa makarating kami sa lugar namin.





"Dito nalang, ibaba mo nako dito, ayokong makita ni ate na buhat moko.. Sige bye goodnight" sabi ko saka ako tumalikod na, at pumasok









.. Ilang beses umecho sa utak ko yung ... "kapatid ng sister-in-law ko"







Diba masakit yun?...
Hindi nga, sobrang sakit lang, as if na nakalimutan niya yung pinagsamahan namin dati dahil sa pagkakamali ko...







......................



Three days to go before ang kasal...





May inuman mamaya, kasi dumating na yung mga friend nina kuya J at Ate...







Isang simpleng salo salo lang at konting beer lang.. and may videoke pa... kaloka...







Nagdatingan na sila.. in fairnes madami dami din... mga nasa 15 ang mga bisita... sa isang malaking kubo lang namin ginanap yun, nirent namin...







... Saya saya nila, at andun din si Ed... masaya din, ako lang ata miserable dito...







Napansin ata ni ate na op ako... wala din kasi akong time makipagkaibigan sa mga to...






"Ui Lex, ano?.." tanong ni ate






"Anong ano ate?" gulo ng tanong no..hehe






"At bakit dika nag-eenjoy?.. kanta ka ha.. nireserve ko yung paborito mo.." saka ngumiti...






Ano? paborito?...





"Te' anong paborito? ayokong kumanta.." sabi ko..







"Basta kanta ka para sa ate ok?..."





Maya maya nagulat ako ng makita ko sa screen..







"Buko??!!!"








Kakantahin na sana nung isa..






"Oi Tere!.. Para sa kapatid ko yan, paborito niya yan..." saka inagaw yun mic... may amats nadin kasi ate ng alak...








Iniaabot sakin yung mic pero ayaw kong tanggapin, bakit ba naman sa dinami dami ng kanta, yan pa!!!..






"Alex, eto na.. diba paborito mo yan, lagi mo kaya yan pinapatugtog dati.." lasing na si ate... kaya kinuha ko na..







Di tuloy ako makatingin sa gawi kung nasan si Ed...






Nagsimula na yung kanta..





"Naalala ko pa,
Nung nililigawan pa lamang kita...
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang 'yong mga ngiti..."







"At Ika'y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan,
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo...

Hindi ko man alam kung nasan ka,...
Wala man tayong komunikasyon....
Mag hihintay sa'yo buong magdamag...
Dahil ikaw ang buhay ko
"





Sa chorus ko na naman naramdaman.. ang kirot..
Kanta niya sakin to, anong gusto niyong maramdaman ko.. shit!!!





"Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago..
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko..
Kahit na di mo na abot ang sahig..
Kahit na di mo na 'ko marinig..
Ikaw pa rin ang buhay ko
"






Hayss!! ayoko na...!




Bigla kong nabitiwan yung mic..





"Te' ang sakit ng tyan ko... kailangan kong bumalik sa loob.." saka ako nagmadaling umalis..








Nasa kwarto nako...
Dun ko na tuluyan naibuhos ang luha ko... akala ko ganon kadaling kalimutan siya... hindi pala talaga... Siya masaya na ngayon,samantala ako, eto.. naghihinagpis padin para sakanya... it is so unfair!!!..





Hirap naman!... bakit pa kasi ganito ehhh.... i need my two bestfriend right now...:(






>>>><<<<€€€€€<<<>>>>




End of Chapter 26:)




Alex... kaya mo yan...




Next chapter... Kung kaya pabang pigilan ni Alex ang damdamin...






Free lang po magcomment:)) or vote:))) thanks!!! muahh




-ishiiin-

Revenge To My Sister's Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now