Kabanata 31

6K 59 5
                                    




After 4 Years...





"Mam.. sorry po, si Alexis po kasi ang kulit.." Salubong sakin ni Yaya Lauring







"Why? what happen?" tanong ko







"Ehh hindi ko naman po siya talaga binilhan ng ice cream, pagtingin ko biglang may hawak napo siyang ice cream.. " sagot niya sakin









Napatingin ako sakanya..






"Alexis, come here..." medyo may pagalit ang tono ko








Pumunta siya sa harap ko..






"Who gave you the ice cream? diba i told you na bawal muna sayo ang ice cream?" sabi ko









"Mommy, i didnt bought it, may isang handsome guy lang po na nagbili sakin..." sabi niya na kinatakot ko







"What?! did you talked to a stranger?!.." sabi ko








"Yes po.." nakanguso siya







"Yaya naman.. how come na may nakausap siyang di niya kilala at nabigyan siya ng ice cream ng hindi mo nalalaman?.. my gad.." mataas ang tono ko








"Sorry po mam.. bigla po kasi siyang tumakbo, ehh dko po nahabol agad..
Sorry po talaga..."
naawa naman ako sakanya, may pagkamakulit naman kasi talaga tong anak ko









Tumingin ako kay Alexis..






"Mommy, its not her fault.. sorry napo.. i promise not to do it again.. just dont get mad at me.." sabi ng baby ko na ikinalambot naman ng puso ko








"Come here baby.. how can i be mad at you? ehh love na love ka ni Mommy... just promise me.. hindi ka na makikipag-usap sa hindi mo kakilala okay? cos magwoworry ako.." sabi ko ska ko siya niyakap ng mahigpit








"Opo Mommy.." sagot niya








Yeah... thats my baby girl, Alexis Riya Mendez.. obvious ba sa name niya kung san ko isinunod? hehe..







Well something new in me?.. yeah.. sobrang dami...







Still im here in Cebu.. but hindi nako nakikitira sa bahay ng bestfriend ko.. i bought my own house before my Alexis had her 1st birthday...






And yeah i got a job here.. as a Marketing Manager..






Liz also had her job here.. so dito na talaga ang life namin...







Sander...? noo.. sa Maynila padin siya cos he's handling their family business.. but he's always here.. as in always, parang bawat week andito siya.. suki na nga siya ng airport na domestic ehh..hehehe








Still no one knows na nagkaanak nako.. am i that selfish kila ate? siguro nga.. ayokong sabihin niya kay Ed..








Wait, hindi niyo ba tatanungin ang lovelife ko?..hihi







Ayuun eto ang status ko.. kung dati single ako..




Ngayon...






Single padin... but single mom.. na, hehe :))
And proud to be..







Ewan ko.. wala akong time sa lovelife though may mga nanliligaw sakin dito kahit may anak nako.. pero, i just dont like it.. im busy being a good mom on my beautiful daughter..




Ayaw ko mang aminin pero halos lahat nakuha niya sa ama niya..








Well, magiging plastik naman ako kung hindi ko sabihing nagwowonder ako kung kamusta na kaya si Ed... ano na kayang buhay niya?.. hmmm weell.. wala na yung sakit dahil pinawi na ng anak ko.. masaya ako dahil kay Alexis...







Makulit at masayahing bata si Alexis.. medyo pasaway kasi naspoiled kay Mami Liz at Dadi Sander niya.. oo nga pala guess what.. si Liz at Sander na! hihi.. biruin mo, hate na hate nila ang isat isa dati pero ngayon kung makapaglambingan konti nalang pamahayan ng mga langgam..hehehe, well im happy for them.. ang cute nila tingnan.. pag kasama nila ang anak ko pag tiningnan parang anak nilang dalawa..








................




"Mami Liz!!!" sigaw ni Alexis ng makita niyang dumating ang sasakyan ni Liz, well kabisado na niya kasi







Pagkababa niya ...





"Baby girl...! Asan ang hug ni Mami Liz?..." sambit naman ni Liz








Tumakbo yung bata kay liz...
At niyakap siya nito at may kiss pa... sa totoo lang sobrang lambing ng batang yan... kaya nga sobrang dalang ko lang magalit sakanya..paano alam niya kung pano ko lambingin...








"Where's my pasalubong?.." sabay tanong, napatawa naman ako.. inispoil kasi na bawat punta nila dito samin may pasalubong..hihi, kaya ayan...








"Sus, kaya naman pala may kiss pa.. Dahil sa pasalubong.. hehehe.. ohh eto na, favorite mo.." iniabot niya yung chicken joy sa jollibee..








"Yehey!!.. thank you mami..!" saka tumakbo papuntang kusina..








"Ohhh ano balita?.." sabi ko







"Eto alam mo na bessie.. stress, nakakamiss ang jowa ko..hehehe" sambit niya na may pagkakire..hehe








"Kelan daw ba kasi siya babalik dito?.." tanong ko







"Sa thursday pa..." saka sumimangot







Kinurot ko naman sa tagiliran..






"Sus! ikaw dati ha... kunwari kapang ayaw mong makita yun pala tinamaan ka na..ayiehh..." sabi ko pa








"Ehh malay ko ba!..ewan ko bigla nalang may something..basta tumibok ng mabilis ang puso ko nung araw na yun, hayss.. im so inlove..hihi" parang baliw..hahaha








"Oo nga pala... celebration daw natin sa pag-uwi ni bebe ko, kasi naging success ang opening ng isang branch nila sa Makati.. kaya magdidinner date daw tayo...hihi" sambit ni Liz..







"Oohhh.. thats good.. sige, mag-off ako sa Thursday.." Sagot ko naman









Happy ako sa mga nangyayari sa bawat buhay namin...






Oo nga pala... my ate.. dalawa na anak niya.. Sa Macau na sila nakabase ngayon kasi dun may work si Kuya J...







Halos lahat may balita ako.. except for him... Nung may mangyari samin nun, yun ang huling beses na makita ko ang mukha niya.. tulog pa siya...









.............



"Baby.. gusto mo bang basahan kita ng story..?" habang nakahiga na kami sa kama niya








"Nope Mom, i want you to tell me a story about my Dad.." nagulat ako nung itanong niya sakin yun..








"Baby, what about your dad? si Dadi Sander ba?.. Diba alam mo na ang story niya?" sabi ko naman








"Nope Mom, im talking about my real Dad..." Hays hindi talaga maiiwasan to






Oo nga pala, i told her that her Dad is in America... na nagttrabaho dun kaya hindi pa makauwi.. hindi ko nga alam kung tama bang ganon ang sinabi ko skanya kasi feeling ko pinapaasa ko siyang uuwian siya ng Daddy niya... tsk









"Baby... what about your Dad?" tanong ko naman








"Is he handsome? cos you never give me his picture.." tanong niya






Ngumiti ako..





"Yes baby, your dad is the most handsome man in the world.. are you happy now?.." sabi ko naman








"Yes Mommy!.. im gonna tell my classmates that my dad is the most handsome man in the world..." saka siya ngumiti at parang excited..








Ngumiti nalang ako.. sabi ko na nga ba.. hindi mawawala ang ganito.. i loved her so much, everything binigay ko sakanya.. lahat, one thing lang yung diko maibigay yun yung daddy niya... tsk.. sorry anak, wala ng chance para makasama mo ang daddy mo.. pag lumaki ka na saka ko ieexplain sayo lahat...







Sa ngayon basta gusto kong masaya ang anak ko kahit sa anong paraan...kahit nagcrecreate lang ako ng image ng daddy niya sa utak niya..








..........




"Tulog na ba?" tanong ni liz






Tumango ako..





"Ohh inom ka bessie.." iniabot niya ang isang wine glass..








Kinuha ko naman at ininom ko...







"Habang lumalaki siya, lalo siyang nagiging eager na makilala ang daddy niya.. hays.. diko na alam kung ano pa sasabihin ko skanya,..." sabi ko








"Bessie, wag kang mag-alala, pag nagkaisip na siya, at nakakaintindi na.. pwede mo na siyang paliwanagan sa lahat ng nangyari diba?..." saka niya tinapik ang likod ko









"Alam ko kung ano ang pakiramdam ng kulang ng isa ang magulang mo... it is so incomplete... malamang yun din ang nararamdaman ng baby ko...and i still dont know what to do..." sambit ko









"Your worrying too much, she's turning to five na.. at five years mo nadin siyang nakayanan alagaan ng mag-isa.. anong kinakatakot mo?.. kaya mo yan, you never fail naman as a mother ehhh..." --liz








"Thank you.. pero sana wag naman dumating yung time na sabihin niya saking kailangan niya ang ama niya... kasi hinding hindi ko talaga siya mapagbibigyan... gustuhin ko man pero di pwede..tsk"







"Bessie.. tama na, your ruining your night, ang mahalaga.. Alexis is fine, she's happy and healthy diba?.."







Tumango ako...





"Your right.. i should not worry," saka ako uminom ulit..








Ngayon ko nararamdaman na hindi pala talaga ganon kadali magpalaki ng anak ng mag-isa ka lang...









.................





It was Thursday.. at dinner date namin with Sander..







Sinama ni Liz si Alexis na sunduin si Sander... ako naman nauna na sa restaurant kung san kami magdidinner..








"Hi Goodevening Mam.. do you have any reservation tonight?" tanong ng sumalubong sakin







"Umm yeah, Alexandria Mendez" sabi ko








"This way Mam,"








"Thank you" sambit ko saka ako sumunod










Nagwashroom muna ko habang naghihintay... tutal on the way nadin naman sila..








Pagkalabas ko, my phone was ringing.. kaya naman nagmadali kong kinuha sa bag ko.. not looking on my way.. ayan i just bumped to someone tuloy...








"Ooppps sorry!"nag-alala ako..








Laking gulat at kaba ko ng makita ko kung sino ang nakabangga ko...






"Alex??" sabi niya






Grabe hindi ako makapaniwalang siya ang nasa harapan ko...






Di ako nakapagsalita agad...kasi diko alam ang sasabihin...






My gad!! am i dreaming??!







Natauhan nako bigla ng tapikin niya yung balikat ko..







"Hey... are you okay?.." sabi niya







Tiningnan ko siya maigi at totoo ngang siya yun...






Ngumiti ako kunwari..





"Yeah.. sorry, nagulat lang ako, diko kasi expected na makita ka..dito" sambit ko naman







"Me too.. never expected na of all the places, dito kita makikita..."sabi niya








.."So kamusta ba?.." biglang tanong niya







"Umm eto okay naman.. ikaw? bakit ka napunta dito?" weird ng tanong ko..







"Mahabang kwento ehh, but in short, im just covering someone para maghandle muna ng isang branch ng company namin dito.." sagot niya








"What a small world no?" sabi ko naman







"Nope, its a big world,.." sambit niya na ikina-confuse ko..







"Huh?"








"Ohhh ..nothing..." bigla naman niyang sabi.. saka ako nginitian..








Maya maya.. bigla kong narinig..





"Mommy!!! mommy!!"






Oopps!!! my gad!! bakit ko nakalimutan si Alexis?!!..






Nakita kong tumatakbo siya palapit sakin...







Si Ed... nakita ko ang reaction niya.. tiningnan niya yung bata at sinundan ng tingin..







Niyakap niya ko.. at niyakap ko din siya..






"Mommy, look at this.. Dadi Sander bought me this!!.." excited na sabi ng anak ko..







Si Ed nakatingin sakin..






"Anak mo?" tanong niya






Grabe kinakabahan ako...






"Yeah.. Si Alexis.. baby he's your tito Ed.. my friend.." sambit ko






Lumingon si Alexis kay Ed.. nagulat ako nung ngumiti siya..






"Mom! he's the one that bought me ice cream last week!..the handsome man that im talking about!.."







Ngumiti din si Ed..




"Ohh yeah, i still remember you.." Saka niya hinawakan si Alexis.. my gad, feeling ko sasabog ang dibdib ko..







"Thank you, friend kapo pala ng mommy ko... yehey!!" sambit ni Alexis







"Baby, why yehey?" tanong ko naman..







"It means na may magbibili na saking ng ice cream! yehey..!" tumatawa siya..





Ibig sabihin pala nagmeet na silang mag-ama before pamandin?..






Tumayo si Ed..





"You have a very cute daughter.. i like her.." sambit niya







Can i tell him?! na she's your daughter too!!!...







May feeling sa puso ko na nagtutulak sakin na sabihin sakanya ang totoo.. pero nung makita ko ang singsing sa kaliwa niya kamay... napapikit ako..






Its not meant to be this way.. im sorry baby Alexis ko... hayss..






Nakita kong gulat na gulat din sina Liz and Sander seeing Ed..






"Umm by the way.. are you about to eat? cos if you are, come and join us.." sabi ko nalang..







"Ohhh no.. no, im done.. actually i was about to leave na din.. sige.. bye, una nako.. enjoy your dinner.." sabi niya habang palakad na palayo








"Okay bye.." paalam ko







Tumalikod na siya pero lumingon ulit..





"Hey lil girl, pag nagkita ulit tayo, ill buy you more ice cream.." saka niya pinisil yung pisngi nung bata..at umalis..






Napapikit ako at napaupo sa kaba nung makita kong nakaalis na siya..








Mabilis naman akong nilapitan nung dalawa...






"Are you okay?".. tanong agad ni Sander






Umiling ako..





"Lets just eat and go home please.." sambit ko..






Bakit bako nagkakaganito?.. anong bang dinadrama ko?.. takot akong malaman niya na anak niya din si Alexis at ilayo sakin, takot akong baka magalit siya dahil ipinagkait ko yung anak niya.. At higit sa lahat sobrang natatakot ako hindi sakanya kundi kay Alexis kasi tuluyan ng nawalan ng pag-asa na makilala niya pa ang ama niya.. knowing na ikinasal na siya.. mas lalong diko na pwedeng sabihin..tsk bakit pa kasi ang liit ng mundo!..






When we got home, still cant get over it.. alam nina Sander at Liz yun kaya hinayaan na nila muna ako..







"Baby, si Dadi Sander muna magpapatulog sayo okay?.. medyo pagod kasi si Mommy." sabi ni liz kay Alexis








"Okay po.." saka humalik sakin at nag-goodnight







"Bebe, ikaw na muna bahala kay Alexis" sabi ni Liz kay Sander...






Nung kami nalang dalawa..






"I know natatakot ka bessie..." sambit niya agad






Kaya ayun tuluyan nakong napaiyak..





" Oo, sa totoo lang, talagang takot na takot ako.. hindi ko alam kung bakit.." sabi ko








"Sshhh..." saka niya ko nyakap






"Dont worry, hindi mawawala sayo si Alexis okay?.." sabi naman niya








"Oo, alam ko.. pero yung chance na pwedeng maging masaya ang anak ko, wala na!!..huhuhu" tuluyan nakong umiyak







"Why?" sabi niya








"Ngayon pang alam ko na may asawa na siya.." Yun ba talaga ang dinadrama ko?!tsk






Kasalanan ko din to.. dapat diko nalang sinabi sa bata na buhay ang ama niya.. sana sinabi ko nalang na patay na sya!!.. ako naman tong ayaw ipaalam kay Ed diba? bat nagsisisi ako ngayon?!!!...







Hindi ko naman kasi alam na sa itatagal ng panahon, magiging ina ko na maghahangad ng kaligayahan ng anak kahit masakit pa.. nitong nagdaang buwan.. may namumuo ng desisyon sa puso ko na ipaalam ko na kay Ed na may anak kami kasi gusto kong sumaya ang anak ko, dibale ng masakit, basta anak ko ang priority ko.. kahit makasakit ako ng iba..tsk!!..







Pero iba na ngayon.. kasal na siya.. may pamilya na siya.. and im too late.. hayss!!!







Hindi ako selfish na babae, pero bat ganon... Natutunan kong maging selfish na ina...








"Sa tingin mo.. anong dapat kong gawin?".. tanong ko kay liz







"Maybe kailangan mo ng humanap ng Daddy ni Alexis, kahit hindi niya real daddy" sagot niya







I know what she's saying..






But its not that easy...





Hayss... ang hirap..






That night hindi ako nakatulog ng maayos...





............


Kaya i decided na mag-off muna kinabukasan...





I decided na ako ang maghatid sa anak ko ngayong araw.. at ako din ang susundo...







"Mommy.. you dont have work?" tanong niya sakin habang papunta kami sa school niya







"I have, kaso bigla kong namiss ang baby ko.. kaya ayun nag-off si Mommy para makasama siya.." tiningnan ko siya hinimas ang muka..






Ngumiti naman siya.. seeing her smile..her dimple, just like her dad..







"Baby.. malapit na ang birthday mo.. what gift do you want?" tanong ko







"Mommy, kahit wala ng toys or dresses.. its fine with me, all i want for my birthday is to celebrate it with you and daddy.." Lalo akong nalungkot sa narinig ko..







"Baby, its been four years na nagcecelebrate tayo na hindi siya kasama, kasi nga diba.. busy siya?... tell anything me, wag lang yun.." sabi ko, sorry baby.. yun lang kasi ang hindi ko kayang ibigay sayo








"It would be the best birthday ever kung makakasama ko siya sa birthday ko.." yan ang isinagot sakin ng anak ko.. tsk







Hindi nako nagsalita pa.. dahil wala nakong masabi pa..diko nadin alam..





Inihatid ko siya..





"Baby, wait for me mamaya okay? ill fetch you..love you" sambit ko saka ko siya hinalikan sa noo






"Love you too po mommy!.." saka siya ngumiti at nagpaalam







"Baby hayaan mo.. gagawa ng paraan si Mommy para makahanap ng perfect daddy sayo..." Yan ang nasambit ko sa sarili ko habang pinagmamasdan siyang palayo







Kalalabas ko lang jolibee nun..kasi bumili ako ng lunch ni Alexis.. her favorite chicken joy...






May tumawag sakin..





"Alex!.."







Oo nga pala, one month siya dito kaya hindi malabong parating magkasalubong ang landas namin...






"Ohh hey.." sagot ko naman







"Para ba yan kay Alexis?.." tanong niya







"Oo lunch niya.." sagot ko






"Wait, ano palang ginagawa mo dito..?" biglang tanong ko






"Umm.. yun kasi yung building na pinapasukan ko.. designing art and corp.." sabi niya saka itinuro yung katapat na building ng jolibee..







"Ahh.. mabuti yun malapit sa jolibee.. favorite mo.."
yieh! nasabi ko yun?.. medyo naconscious tuloy ako







"Naalala mo pa pala yun.." Sagot niya saka siya ngumiti








"Yun kasi yung pinakaweird na nangyari sakin dati.." palusot ko nalang







"Weird ba..." saka siya parang napatawa..






"Oo nga pala.. I forgot to ask you last night.. have you seen my necklace? nung iniwan mo kasi nun sa Paris nawala nadin siya.." singit naman niya







Nung iniwan ko siya sa Paris?.. bakit parang bitter ang tono niya?.. ehh ako nga tong kawawa.. hmp!






Kinabahan ako kasi nga diba kinuha ko?... at na kay Alexis na..






"Umm yeah, sorry huh.. kinuha ko kasi.. alam mo naman nung mga time na yun, kinuha ko yun para souvenir sayo.. alam mo na.. pero gusto mo ba isoli ko sayo?" tanong ko naman






"Nope, thats fine.. you can have it, as long as you want.. Its yours though.." sabi niya






"Mine?" confuse ako







"Umm yeah.. I mean .no.. nope, what i meant is, sayo nalang kasi diko nadin naman kailangan..." sagot naman niya






"Okay sige, thank you naman kung ganon..ill jusst keep it" sabi ko








"Ingatan mo okay?" sabi naman niya





Tumango nalang ako.. kung makapagsalita naman kasi siya akala mo naghahabilin ng tao...







"Umm by the way, i really have to go.. baka magutom na si Alexis.. sige bye.." sabi ko nalang.. at tumalikod nako bigla







Damn this small world!!!..






................





It was a ordinary and same day in my office..





When my phone rang...






It was just a number.. a landline..






"Hello.. who's this?" tanong ko







Si Yaya Lauring pala..






"Mam.. ma-am..!" rinig kong parang natataranta at umiiyak siya







"Yaya, ano ba? ok ka lang ba?..." Tanong ko agad








"Si.. si-sii Alexis po Mam.." nung madinig ko ang pangalan ng anak kong halos hindi niya mabanggit.. kinabahan nako..







"Yaya ano ba?!! ano si Alexis?!!!" nagpanic na agad ako








"Na-naaksidente po siya... nabundol po ng kotse..Mam..."






Halos himatayin ako ng marinig ko yun.. nanginig ako sa takot... at napatayo bigla..






Halos paliparin ko yung kotse ko sa pagmamadali pagpunta ng ospital...





My God.. please wag mong pabayaan ang anak ko.. im crying ...








Halos hindi ako makahinga, knowing na naaksidente ang anak ko...






Tinawagan ko agad sina Liz.. pinapunta ko sila agad sa ospital..









When i got there..






Nakita ko si Yaya nakaupo at umiiyak..






Nilapitan ko agad siya..





"Yaya! asan si Alexis?!!.." umiiyak padin ako







"Andun po mam sa emergency room.."







Tumakbo ako sa er..





"Alexis!!" tawag ko at pilit kong binubuksan yung pinto






Pero pinigil nila ko..






"Anak ko...Alexis..!" sigaw ko habang napaupo nalang ako at umiiyak






Nakaupo ako nang may lumapit saking lalaki..






"Mam, ikaw po ba yung nanay ng bata?.. sorry po talaga, hindi ko siya napansin.. sorry po.." nung marinig ko yun.. halos magdilim ang paningin ko..







Tumayo ako at sinampal sampal ko siya..





"WALANGHIYA KA!! PAG MAY NANGYARING MASAMA SA ANAK KO!! PAGBABAYARAN MO!!!" pinigil ako nung mga andun.. iyak padin ako ng iyak






Maya maya andyan na sina Liz at Sander..





Nung makita ko sila lalo akong naiyak..







Tumakbo sila sakin at niyakap ako...





"BEssie!!" sambit ni liz








"Liz.. si Alexis.." halos mabaliw ako nun..







"Sshh.. she's gonna be okay.. tama na..lets just pray.." habang yakap niya ko..






Hindi ako kalmado nun.. ehh pano naman ako kakalma, ehh nasa ER ang anak ko!..






Maya maya lumabas na yung doktor..






Napabalikwas ako ng tayo..






"Sino ang Ina ng bata?" tanong ng doktor..








"Doc, ako po.. ako po yun mommy, kamusta napo siya..? Okay napo ba siya?.." tanong ko agad







"Kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon.."
Sabi ni doc na lalo kong ikinatakot








"Eh di operahan niyo napo ngayon! i can pay whatever it cost! basta iligtas niyo lang po ang anak ko!" napasigaw nako sa doctor






Kaya nilapitan ako ni Liz..




"Bessie, easy lang..." saka hinagod ang likod ko








"Naiintindihan kita.. but she lost a lot of blood.. kaya kailangan muna siyang salinan ng dugo.."-- doc








"Ehh di salinan niyo ng dugo, i can give all my blood to her.." sabi ko agad..







"Her blood type is ab- .." --doc





Napatapik ako sa noo ko..





Shit!!!





"Im Type A.." sambit ko






Napatingin ako kay Liz at Sander..





"A din ako bessie.. O naman si Sander.." sambit ni Liz









"Ehh pero doc diba may mga donors naman.. i can buy naman diba?.." sabi ko







"Yeah, but we dont have it right now... sobrang dalang nang nagdodonate ng ganong type.. Madalang lang kasi ang taong may ganon ng type ng dugo.." sagot nung doctor..








"Ehh pano po yan doc?" sobrang worry ako talaga







"Maghanap kayo ng taong may ganon ng type ng dugo.." sagot ni doc







Napaisip ako.. paano ko hahanap ?tsk






"Pero wait, madali lang yan iha.. kung ikaw yung ina.. at hindi parehas ang type ng dugo niyo, 100% sure ako na parehas sila ng ama niya.. bakit hindi mo papuntahin ang ama ng bata.." napapikit ako sa sinabi ni doc..





No!.. Hindi pwede!!!..






"Hindi po, makakahanap po ako ng donor.. wait lang.." saka ko tumakbo ..







I contacted everyone that i know...





Asking for their help..







Please my baby.. hold on, ililigtas ka ni Mommy..





......,<<<<~~~>>>..........




End of Chapter31:))






Ohh my!!:((




Abangan next chapter.. makahanap ba ng donor si alex? or will she end up with the father?..hmmmm

Revenge To My Sister's Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now