Azalea Castillano
Ang saya talagang maging Personal Assistant, kung saang lupalop pumunta boss mo kasama karin at take note: Libre!
Sino ba namang tao ang hindi papalakpak ang tenga kapag narinig ang magic word na yan.
Pero ang nakakalungkot lang ay wala si Aya, ibig sabihin wala rin si Rain Delgado. Chos.
Nagkaroon kaya ako ng bright idea para makalibre siya ng pamasahe kanina, payat naman siya kaya kering-keri ng katawan niya ang modus na gagawin sana namin sa airport.
Nagsuggest lang naman ako na sa maleta ko siya sumuksok para makasama siya pero nakalimutan kong dadaan pa palang X-ray machine at tinitimbang pala ang bawat bagahe, hindi ko kaya afford ang kabigatan ng babaeng yun! Ayan tuloy bulilyaso. Miss ko na siya.
Nakaupo ako ngayon malapit sa bintana ng eroplano, napakaganda ng tanawin katulad ni Maam Leon, sana naging tanawin nalang kaya siya?
Hindi naglaon ay narinig na namin ang boses ng kapitan ng eroplano at kasabay ang pagsayaw-sayaw at pagkendeng-kendeng ng mga stewardess kung paano ang tamang paglagay ng mga safety gears bago maglanding. Wow, nice choreography.
--------
"Welcome to Puerto Princesa City Palawan Ms. Leon Rivera! Please always feel at home!"
Nilagyan kami ng mga bulaklak sa leeg ng mga naka-Hawaiian attire na mga babae at kasabay doon ang click at flash ng mga camera kay Malificient.
Nako, mag-ingat kayo sobrang bigat ng mukha niyan dahil sa kapal ng make-up at baka hindi kayanin ng memory card ng camera niyo. Tsk tsk.
Nakakasurang tignan ang pakaway-kaway ni Malificient na parang isa siyang beauty queen na may nationwide hero's welcome.
Sana naging Ms. Earth nalang siya, dahil nababagay ibaon sa lupa ang ugali at mukha niya!
-------
HOTEL.
"Hoy alipin! Ayus-ayusin mo paglalagay ng mga gamit ko! Mas mahal pa yan sa buhay mo!"
Mangdadamay pa ng buhay ng may buhay ha.
Ipagpray ko kaya na kunin ka na ni Lord? Pero hindi pala sila tumatanggap ng may elliptical na sungay doon. Matagal ka rin din namang mamatay. Perks of being a bad grass.
"Opo maam." Kung may gunting lang sana akong hawak ngayon siguradong sa manggagawa ng basahan ang ending ng mga damit niya!
Hindi rin naman damit kung maitatawag ang mga kapirasong tela ito na pag-aari niya na halos makita na ang buong kaluluwa kung isuot niya. Kadirdir.
Nagiging instant 3D naman ala I-max ang mata ng mga manyak na tumitingin sa kanya. Hala magsuot ka nalang kaya ng dahon!
"May sinasabi ka ba?"
Tinaasan niya ako ng kilay at nakikita ko sa mukha niya na naiinis na siya.
"Wala pa bang mas ibibilis ang pag-aayos mo jan?! Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung kukupad-kupad! Bilis at may darating akong bisita--"
Agad siyang tumayo nang tumunog ang doorbell ng kwarto niya.
Nanalamin muna siya bago binuksan ang pinto.
"Oh hi there Mr. Sy you're a bit early."
Hinawakan niya kaagad sa braso ang lalaki, nasa mga late 30's ang wangis ng kanyang mukha at napakasuavè ng kanyang tindig na makakapa-intimidate sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Mukhang may magaganap yatang away kama este masinsinang pag-uusap ang dalawang ito, nanlilisik na tinignan ako ni Malificient at basang-basa ko sa nag-aapoy niyang mga mata na pinapaalis na niya ako.
Nagulat ako ng kausapin ako bigla ni Mr. Sy.
"And you are Miss?" Nginitian niya ako pero may bahid ng pagkaseryoso ito.
"Azalea. Azalea Castillano. Nice meeting you sir and if you two excuse me."
Nagsimula na akong maglakad palabas patungong pinto at nilingon ko si Malificient.
"Tawagan niyo lang po ako Maam Leon kung may kailangan kayo."
Pagkasarado ko ng pinto ay nakarinig kaagad ako ng mga kalabog sa loob. This means war.
Dala-dala ko ang aking room key at hinahanap ang aking magiging kwarto. Sana naman may free wifi, may social life rin naman ako.
Kung ang kwarto ni Malificient ay isang magarang suite, isa namang common room ang nakabante sa akin at sa aking magiging roomates.
Binuksan ko ito gamit ang susi na hawak ko at ilang ulit na pinihit ang kandado hanggang sa bumukas at bumungad sa akin ang dalawang double deck bed.
Parang sa boarding house lang din namin ni Aya. Napangiti naman ako at agad na humiga sa isa sa mga kama na nasa ibabang parte ng kama.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dinadama ang buong paligid ng makarinig ako ng tunog ng alon at dagat.
Napabalikwas ako at tumayo, nasa may pinakadulo pala ng Hotel ang kwarto ko at may balcony sa di kalayuan.
Agad ko itong pinuntahan at nakita ang maaliwalas na ganda ng lugar, preskong hangin at tunog ng mga ibon na umaawit.
Halos isang oras na yata akong blankong nakatingin sa kawalan ng kadagatan ng may nakita akong isang pigura na kilalang-kilala ko mula sa split ends hanggang sa mga kuko nito sa paa.
Isinigaw ko ang kanyang pangalan pero dahil kilalang bingi ang taong yan, hindi ko nalang isinagad.
Nang mawalan na ako ng pag-asa ay nagpag-isipan ko nalang bumaba at salubungin siya. Habol-habol ko pa ang aking hininga habang tinatawag ang kanyang pangalan.
Kinalabit ko siya. Agad naman siyang lumingon sa akin habang nagli-lip sync. Nakaearphones pala siya.
Tinanggal niya ang nasa tenga niya at agad namang umaliwalas ang kanyang mukha. Sinalubong niya ako ng yakap at halik.
---------
Aya Rodriguez
"Ew kadiri ka sis! Huwag ka ngang manghahalik jan! Baka mapagkamalan tayong tibo nito napakarami pa namang mga"Hot bodies" ang nakapalibot sa atin ngayon."
Ginagalaw-galaw ni Azalea ng kanyang mga kilay na tanging kami lang ang nakakintindi ng aming own bestfriend language.
"Huwag kang mag-inarte jan! Hindi ka pa masyadong maganda para matapatan ang kadyosahan ko!" I flipped my hair and stared at her wickedly.
Agad niya namang kinuha ang buhok ko hinila ito in a bestfriend way.
"Huwag ka ring magmaganda dahil mas dyosa pa ang wrinkles ko kesa sa wrinkles mo!" Sumunod ng tawanan ang aming konbersasyon.
Dito ako dinala ni Sir Rain. Pagkatapos ng tawag niya ay agad akong nagpaalam kay Manager Kiko dahil parang hindi ko na yata kaya na makasama pa sa isang lugar ang seducting creature na yon.
Nakaramdam lang ako ng pagkahinayang dahil sayang ang mga pagkain! Timawa ako. Oo!
"Aya naman eh! Akala ko lalamunin na ko ng buhangin rito! Napakaboring kasi pag hindi kita kasama sa isang magandang lugar with Hot boys at syempre, wala akong mao-okray ng major." Nakakatouch naman ng sinabi niya I feel so loved. Sarcasm.
"Wow ha, ito naba yung moment na iiyak ako because of joy? At syempre hindi rin ako papayag na wala akong mao-okray ng major major kaya it's a tie."
We hugged like we didn't saw each other for century.
True bestfriends are like this, it's attractive to us when someone replies to your sarcasm with sarcasm instead of just getting offended.
Ohana.
~Nobalilong x
BINABASA MO ANG
Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)
Historical FictionHIGHEST RANKING: #1 IN HISTORICAL FICTION Paano kung ang ating pambansang bayani sa nakaraan ay ma-inlove sa isang artista sa hinaharap?