Kabanata 18

4K 115 7
                                    

Azalea Castillano

Habang papatapos na sa pagpapakilala ang host sa mga main casts ng pelikula ay may kung anong malakas na kalabog ang bumulabog sa lugar.

"Nako! May nahimatay! Medic! Medic!" Sumigaw ang isang waiter. Binitawan niya ang dalang tray at inalalayan ang lalaki.

Parang jaan ako nakaupo kanina ah?

Lumapit ako sa lugar upang kompirmahin ang aking hinala. Papalapit ako ng papalapit at lubos ko ng napansin na si Jose ang nakahandusay sa malamig na sahig.

Lumuhod ako at kinausap ang waiter. "Bakit siya nahimatay?"

"Hindi ko po Ms. Azalea, dumaan lang ako nang bigla nalang siyang nanghina at nahimatay." Nakarating na ang ilan sa mga medic na may dalang stretcher.

Umatras muna ako at binigyan ng espasyo ang mga kinauukulan upang mabuhat nila si Jose sa stretcher ng maayos.

Sinamahan ko narin ang mga medic sa pagdadala kay Jose sa di-gaanong mataong lugar para makalanghap siya ng sariwang hangin.

"Where are you going Azalea? We are having a press con here!" Lumapit sa akin si Direk Del and he grab my wrist.

"Yes Direk! Babalik po din ako kaagad! Kilala ko kasi itong nahimatay, ese-secure ko muna ang kalagayan niya." Binitawan ko si Direk at sumama na ako sa mga medical personnel. Ewan ko ba,  pero sa kaloob-looban ko nais kong tulungan si Jose kahit ngayon lang kami nagkita.

Bumuntong hininga si Direk Del. "Okay you won, basta bumalik ka agad. Your fans are waiting for you."

---------

Pinagmamasdan ko ngayon si Jose, nakaupo ako ngayon katabi ng higaan niya. Napaka-payapa ng kanyang mukha. Gwapo pala siya.

Halos magda-dalawang oras na ako rito sa tent at hindi na ako nakabalik ng tuluyan doon sa presscon. Siguradong mahaba-habang lektura ang matatanggap ko mula kay Direk Del.

There's a pull in my chest that stops me leaving this guy alone. Ayan na! Napapa-English na tuloy akoWrong grammar na ito!

"Ms. Azalea?" Naputol ang pag-eye rape ko kay Jose nang dumating ang medical personnel.

"Ano iyon?" Tumingin ako sa kanya at nginitian ko siya. Bakas naman sa mukha ng medic na mukhang kinakabahan siya.

"Ms. Azalea, wa-wala po kasi ka-kaming nakitang ni-isang ID mula sa ka-kanya. Ki-kilala niyo ba siya? O ka-kaibigan mo po?" Hindi nga halata na nai-intimidate siya sa akin. Nabubulol na siya ng sobra.

"Parang ganon na rin. New found friend ko siya." Masasabi ko narin siguro na magkabigan na kami ni Jose. Bahala na!

"Carl, hinahanap ka ni chief.  Aalis na tayo. Teka, diba kayo si Azalea Castillano? Hello po! Fan niyo po ako!" Dumungaw sa tent ang isang lalaki at bigla akong niyakap. Tumingin ako sa kanina ko pang kausap na medical personnel, Carl pala ang pangalan niya.

"Hoy George! Ma-mahiya ka na-naman kay Ms. Azalea! Ta-tayo na nga!" Hinatak ni Carl si George at pilit inaalis ang pagkakayakap sa akin.

Kumalas na ng yakap si George at natumba silang dalawa ni Carl. Tumayo sila at nagpagpag nang may mapansin akong isang maliit na notebook na nahulog mula sa bulsa ni Carl. Binuksan ko ito at natuwa ako sa aking nakita.

Puro mukha ko ang naroon kasama na ang mga pictures ko sa mga magazines at commercials. Mukhang personal signature ko nalang yata ang kulang dito.

"Pa-pasensya na po at na-nakita niyo pa-payan baka mapagkamalan niyo pa a-akong stalker Ms. Azalea."

Dahil sa collection ni Carl tungkol sa akin, nararamdaman ko na talaga na isa na akong tunay na artista at malaki rin ang impluwensya ko sa mga tao. Nais kong magbigay ng inspirasyon na hindi imposible ang lahat kung pagsisikapan mo lang.

"Carl may ballpen ka ba?" Mukhang nabasa na ni Carl ang nasa isipan ko at dali-daling naglabas ng ballpen na may dangling at may mukha ko pa.

"Natatakot na ako sa iyo Carl ha." Tumawa ako at pinirmahan ang bawat pahina ng little scrapbook ni Carl.

Umalis na sila at pinabaunan ko ng sandamakmak na selfie para maging souvenir ni George at Carl.

------

Tahimik na muli ang lugar at mag-aapat na oras na akong nagbabantay sa aking kaibigan na si Jose.

"Nasaan ako?" Nagising ako sa pagkakaidlip nang marinig ang boses ni Jose.

"Mabuti naman at gising ka na! Maitanong ko lang Jose kung saan ka nakatira? Para ma-contact natin ang mga magulang mo." Inilabas ko ang aking cellphone at naghanda na para magdial.

"Wala na akong tinitirhan. Sinunog ng mga kastila ang aming tahanan." Tinignan ni Jose ang cellphone ko na parang first time niya lang makakita nito.

"Ka-kastila?"Nagulat ako sa narinig, may mga kastila pa ba sa panahon ngayon?

Umupo si Jose mula sa pagkakahiga. "Sa mga napansin ko sa lugar na ito, mukhang may nangyaring kakaiba sa akin at kung sasabihin ko man saiyo ay baka hindi mo ako paniniwalaan."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking telepono at naghihintay sa karugtong na sasabihin ni Jose. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Mukhang napadpad ata ako sa panahong hindi ko kinabibilangan. Ibang-iba ang mga kagamitan niyo rito, pati na rin ang pananalita't kasuotan. Nasa Pilipinas nga ako pero ibang-iba na ang kultura sa aking nakagisnan."

Napanganga ako sa naging pahayag ni Jose. Kumunot ang aking noo at inintinding mabuti ang mga narinig. "Pwede sirit na? Hindi ko kasi gets ang tinutukoy mo."

"Nanggaling ako sa nakaraan Azalea."

"Ah okay nakaraan lang pala eh."

"Sa panahong hindi mo aakalain."

"Ah sa panahong hindi ko aakalain."

Umayos siya ng upo at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Maniniwala ka ba na mula ako sa taong 1896 Bb. Azalea Castillano?"

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon