Azalea CastillanoNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumungo sa aking mga mata na nagmumula sa isang maliit na bintana.
Tinitigan ko ang boung paligid at nagtaka. Doon ko lang naalala na napunta na pala ako sa nakaraang panahon. Ang panahon ni Jose.
Teka, si Jose?!
Agad akong tumayo, nakayapak lang ako at iniinda ang kalamigan ng madumi at lumang marmol na sahig na aking tinatapakan.
"Jose?! Nasaan ka? Jose?!"
Labis akong nangamba dahil ilang ulit ko ng tinatawag si Jose ngunit kahit isang sagot ay wala akong narinig. Sa mga oras na iyon, nakadama na ako ng pangamba na maaring ipinatapon na nila si Jose sa isang malayong isla, o kaya kinitil na nila ang kanyang buhay.
Hindi maari!
"Joseee!" Mas nilakasan ko pa ang aking paos na tinig. Sa bawat sambit ko ng kanyang pangalan ay sumasabay ang pagpatak ng aking mga luha.
Dahil narin sa ingay na nalikha ko kasabay pa ang malakas na paghagolgol ay kinuha nito ang atensyon ng isang guwardiya na mukhang galit na galit.
Pagkarating niya sa aking selda ay agad niya akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Napakaingay mo! Maganda ka sana kaso nakakarindi ka na! Kung hinahanap mo ang minamahal mong si Jose Rizal, nandon siya sa luneta at naghahanda ng nalalapit niyang kamatayan kaya lubos-lubisin mo na ang pag-iyak!"
Mas lalo akong humagolgol ng iyak at napuputol na ang bawat sambit ko ng mga salita.
"A-anong s-sinabi m-mo?? H-hindi i-iyan m-maari! Pakiusap! Hayaan mo sana akong makita siya! Kung papatayin man siya ay isama niyo nalang ako! Pakiusap!"
Lumuhod ako sa harap ng guwardiya. Kakaiba man na makiusap upang wakasan na ang aking buhay.
Wala naring saysay ang aking buhay kung mamatay man si Jose.
Wala na akong sapat na dahilan upang mabuhay pa. Wala na akong halaga.
"Hindi ka pa ba titigil ha?! Baka gusto mong hindi lang tubig ang ibuhos ko sayo?!" Nagawa ko ng galitin ang guwardiya sa kanyang kasukdulan. Galit na galit siyang umalis at bumalik na may dala-dalang isang bote. Tinignan ko ito at nalaman kong asido pala ang laman nito.
Inihanda ko ang aking sarili at hinintay ang pagbuhos ng kumukulong kemikal sa aking katawan.
Nakakamatay naman siguro ang asido? Dahil kung ganon, ay muli parin kaming magsasama ni Jose. Hindi man kami itinakdang magsama sa mundong ito, pero kami naman ay muling magkikita at patuloy na magmamahalan sa ibang mundo na inilaan sa amin.
Pero sa di inaasahan ay natigilan ang guwardiya at agad na yumuko sa harap ng isang lalaki. Nakasuot siya ng baluti at may nakasabit na mabibigat na mga armas sa kanyang buong katawan.
"Itigil mo iyan Filipe! Hindi mo ba nakikita na isang babae ang iyong binabalak na saktan? Wala ka bang kapatid na babae? O ina? Kung gusto niyang mamatay huwag sa paraang iyan dahil walang isang daang porsyentong garanteya na nakamamatay ang asido. Pagbigyan mo ang kanyang kahilingan, bihisan siya at pasunurin sa luneta dahil kasama siya ni Jose Rizal na babarilin sa luneta. Isang oras nalang at magkakasama silang mamamatay ng kanyang pinakamamahal sa harap ng buong mamamayan!"
Lumapit ang guwardiya sa aking kinaroroonan, pinihit ang kandado at binuksan ang pintuan ng selda. Agad niya akong kinaladkad palabas.
Habang hinihila niya ako ay pinikit ko na lamang ang aking mga mata.
Hihintayin ko ang kamatayang sasalubong sa akin kasama ang aking pinakamamahal.
-Sa Kabilang Mundo-
YOU ARE READING
Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)
Historical FictionHIGHEST RANKING: #1 IN HISTORICAL FICTION Paano kung ang ating pambansang bayani sa nakaraan ay ma-inlove sa isang artista sa hinaharap?