Azalea Castillano
Habang pinapakinggan ko ang mala-great wall of china na litanya ni Jose ako'y napapa "Ohhh, Ahhh, Talaga? Weeeeh? at Di nga?" Iyan lang ata ang tangi kong maisasagot sa kanya.
Ikaw ba naman ang sabihan na nanggaling daw siya sa nakaraan?
Pero ang pinagtataka naman ni Jose ay kung paano siya nakarating sa kasalukuyang panahon.
Eh malay ko sa kanya! Baka nahulog siya sa malalim na balon at napunta rito!
Mukha din naman siyang kapani-paniwala dahil sa uri at tono ng kanyang pananalita. Mapapasambit ka nalang na Oh mahabaging lupa kainin mo na ako dahil nakaka nosebleed ang kausap ko! Mahirap mag-catch up!
Mas nanaisin ko pang makachikahan ang mga 'ey00w pH03zx' na mga tao kaysa sa matalinghagang nilalang na katulad niya!
Oo na! 80 lang ang grado ko sa Filipino nung highschool! Puro naman kasi Burador at Kathang Pormal chuchu pinapagawa ni maam!
Oo na! Ngayon narin ako maglalabas ng sama ng loob sa paggawa ko ng mga Burador!
Back to the main topic, habang talak parin ng talak itong si Jose, naalala ko bigla ang pangalan niya, his full name rather. "Jose Protacio Mercado Alonso Y Realonda Rizal."
Teka lang, saan ko pa nga ba yan narinig. Inilagay ko ang aking kamay sa aking baba at nag-isip ng malalim.
" Jose Protacio Mercado Alonso Y Realonda Rizal."
"Jose Protacio Mercado Alonso Y Realonda Rizal."
Jose Protacio Mercado Alonso Y Realonda Rizal."
Paulit-ulit kong sinambit ang buong pangalan ni Jose para magflash-back sa akin ang aking forgotten memories at school.
Aha! Alam ko na!
Siya yung kapitbahay namin noon sa Tondo! Yung lasinggero at mahilig mag-mahjong! Si Mang Jose! Ang talino ko talaga!
"Hindi ako si Mang Jose. Bata pa ako." Biglang sumingit si Jose sa pagsasalita ko ng kung ano-ano. Oo nga naman, paano siya magiging si Mang Jose na mukhang matanda lang si Jose sa akin ng ilang taon.
Halos nawawalan na ako ng pag-asa kung iibigay ko ba ang tiwala ko kay Jose o kaya ipagulpi nalang siya sa mga tanod at ipadala sa rehab. Naguguluhan na ako.
Naramdaman ko na biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa. Nako baka hinahanap na ako ni Aya. Pagkahugot ko nito ay kasamang nahulog ang ilan sa aking mga barya.
"Oy teka piso ko! Hindi mabubuo ang isang-milyong kung walang piso!" Yumuko ako at hinanap ang magiging pamasahe ko. Naiwan ko kasi sa presscon ang wallet ko at siguradong maglalakad ako pauwi kung hindi ko man mahanap ang hard-to-get na pisong ito.
Sa mga oras na ito, patuloy parin sa pagpapaliwanag at paglilitanya si Jose. Hindi na ako halos nakikinig sa kanya dahil hindi ko rin naman gets ang mga sinasabi niya.
Bigla siyang tumahimik nang mapansin niyang may hinahanap ako. "Anong nawala? Tulungan na kita."
"Tulungan mo ako na hanapin ang isang silver na barya. Piso iyon." Inilawan ko ang paligid gamit ang flashlight na nagmumula sa cellphone ko.
"Piso? Barya na pala iyan dito sa panahon niyo? Sa panahon ko kasi, ang Piso ay gawa sa papel." Nagpaliwanag si Jose na parang normal lang ang sinabi niya.
Hinawi niya ang ilang dahon at doon na umaninag ang baryang hard-to-get.
Kinuha iyon ni Jose at inilahad sa akin. "Ito na yata yong sinasabi mong piso sa panahon niyo."
Humalakhak ako. "Kakaiba ka talaga Ginoong Jose, ngayon lang ako nakatagpo ng taong katulad mo."
Kinuha ko sa kanya ang barya nang bigla kong nasilayan ang hulma at disenyo nito.
Teka lang.
"Jose pwedeng tumingin ka muna sa kaliwa? May titignan lang ako." Binigyan ako ni Jose ng nagtatanong na emosyon pero sinunod niya naman ako at tumingin siya sa kaliwa.
Inihambing ko kaagad ang wangis ng mukha niya sa disenyo ng barya.
May mali eh.
"Pwedeng paside-view ng konti Jose? Salamat." Mas inilapit ko pa ang barya sa mukha niya at nagulat ako sa nakita.
"Anong problema Azalea?" Nagtaka si Jose at tumingin sa akin.
"Kamukhang-kamukha mo itong piso Jose!" Naghysterical na ako at nagflash-back na ang lahat ng mga sinabi ni Jose.
Nagkakatugma ang lahat.
"Jose Protacio Mercado Alonso Y Realonda Rizal."
Hindi maari.
KAHARAP KO NGAYON ANG PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS?!
~Nobalilong x
BINABASA MO ANG
Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)
Historical FictionHIGHEST RANKING: #1 IN HISTORICAL FICTION Paano kung ang ating pambansang bayani sa nakaraan ay ma-inlove sa isang artista sa hinaharap?