Kabanata 36

3.1K 74 15
                                    

Azalea Castillano

Akala ko wala na talaga siya. Akala ko'y pumanaw na siya. Akala ko iniwan niya na ako at akala mo hindi ko pansin, akala mo hindi ko alaaam~

"Hanggang ngayon maingay ka parin Azalea. May pakanta-kanta ka pa jan." 

Isang napakandang baritonong boses ang tumawag sa aking pangalan.

Agad kong itinungo ang aking mga paningin sa lalaking mahigpit na gumagapos sa akin ng yakap ngayon.

Isang yapos na nagsasabi ng galak at pagkasabik.

Isang yapos na pang walang hanggan.

Nakatingin lang ako sa kanya, walang ano mang titik o letra ang naglalakas loob na lumabas sa aking mga labi. Nagtitinginan lang kami na parang menimemorya ang bawat kanto at hugis ng aming mga mukha.

Ang mukha ni Jose.

Ang mga mata niya.

Kulay itim kung titingnan mo, ngunit kapag nasisinagan ng araw ay kumikinang na parang buwan na rumerepliksyon sa dagat.

Meron din siyang matangos na ilong, walang kapangoan ang bumabalot sa perpekto niyang wangis.

Ang mapupula niyang labi na nakakaakit sa mga dalagang nais makaranas ng tunay na halik.

Ganun parin ang kanyang buhok, maayos at malinis. Nakakasakit siguro ng loob kung wawasakin mo ang pagkakaayos nito.

Ang kanyang mga kilay na kahit magkasalubong man ay nagpripresenta ng kabaitan.

At ang mahaba niyang mga pilik mata na lalong nakakadagdag ng tinataglay niyang malakas na aura sa masa.

Halos lahat sa kanya ay perpekto.

Kaya hindi na siguro nakakapagtaka na nahulog ang loob ko sa kanya.

"Mahal kita." Wala sa isip kong sinabi kay Jose.

Nagulat siya sa sinabi ko at ngumisi ng nakakatuwa sa akin. Teka ano bayung sinabi ko?

"Ano? Pakiulit hindi ko narinig." Sabay takip niya ng kanyang mga mata.

"Hindi pa dapat ay tenga mo yang tinatakpan mo? At tsaka wala akong sinabi no!"

Pagtatama ko sa kanya.

"Meron kaya, tinatakpan ko ang aking mga mata dahil kitang-kita naman ang nararamdaman mo para  mosa akin pero di masyadong sinasabi ito kaya ulitin mo hindi ko talaga narinig."

Inalis ko ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga mata.

"Wala nga akong sinabi na Mahal Kita!" 

Agad kong tinakpan ang aking bibig anak ng teteng naman oh!

"Mahal mo nga ako! Umamin karin!" Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Binabawi ko na! Tse!" Nag-roll eyes ako kay Jose.

"Basta narinig ko na sinabi mong mahal mo ako at mahal rin kita kaya't magkasintahan na tayo!"

"Ano ka helo? Bahala ka sa buhay mo!" Pinilit kong kumawala sa mahigpit na pagkakayakap ni Jose sa akin pero parang magnet na kaming dalawa.

Biglang lumuwag ang pagkakayap ni Jose at humarap siya sa akin.

"Huwag kang umalis. Huwag ka nang mawawala pa sa akin Azalea. Hindi ko na kakayin yon." Naging malungkot ang reaksyon ni Jose at hinalikan niya ang aking noo.

Sa 19 years ng buhay ko at pagiging ulila sa magulang, ngayon lang ako nakaranas ng ganito, yung feeling na may tunay na nagmamahal sa iyo kung ano ka man at hindi nag-aalinlangan na mahalin ka. 

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon