Azalea Castillano
Tahimik na ang buong paligid at sa tingin ko ay mapayapa at mahimbing ng natutulog ang bawat tao rito sa hotel, pati narin siguro ang ever supportive bestfriend kong si Aya.
Sinabotahe niya ako! Sinabotahe!
Dinala ako ng personal staffs nila Sir Patrick at Sir Del sa isang napakadilim na silid. Nakaupo lang ako at tanging isang lampshade ang nagsisilbing kong ilaw.
Ayaw ko mang mag-imagine ng mga nakakatakot na bagay pero sa dilim palang ng lugar na ito hindi ko na maiwasang mag-isip na baka may biglang sumulpot sa harap ko o kaya may magparamdam na multo rito! I'm scared!
Nasilaw ako sa biglang pagbukas ng pintuan. Tinabunan ko pa ang aking mga mata. Naka dim-light kasi ang lampshade at masyadong maliwanag ang hallway.
Inuluwa ng pintuan ang gwapong direktor namin nasi Sir Del at napakagandang producer ng movie nasi Sir Patrick. Diba maganda pero Sir. Stunning ang beauty ni Sir Patrick.
Nag-uusap silang pumasok sa silid at may bahid rin ng kaunting pagtatalo pero nagtatawanan rin naman silang dalawa.
"Asdasdasdasdasdasd." Iyan lang ata naririnig ko sa pag-uusap nila. I can't really hear the exact words, blubbering lang.
Hanggang sa naging seryoso na ang mga pagmumukha nila. Masinsinang diskusyon ito.
"Siya nga iyon! Iumpog kita jan eh! My instincts says it all! I know it's her!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Sir Patrick, medyo napa-stiff ako mula sa aking kinauupuan.
"Hmmm." Biglang inilapit ni Sir Del ang kanyang mukha sa akin. Napakalapit. Ilang inches nalang ang pagitan ng aming mga labi.
Naramdaman siguro ni Sir Patrick ang aking pagkagulat at tinadyakan niya si Sir Del.
"Hoy libog ilayo mo mukha mo." Hinablot niya ako palayo kay Sir Del. Salamat naman at akala ko ay magaganap na ang aking first kiss which should be treasured in the right time!
"Aray naman! Pero infairness maganda siya, may I know your name Miss?" Tinitigan lang ako ni Sir Del at nakangiting naghihintay ng magiging sagot ko.
"Azalea po. Azalea Castillano." Napayuko ako at nakadama ng konting hiya. Minsan ko lang kasing sabihin ang aking buong pangalan.
Hinawakan ni Sir Del ang chin ko at itinaas ito. "Hwag na hwag kang yuyuko Miss Lea masasayang ang ganda mo. You should be proud of it."
Nagblush ako sa sinabi ni Sir Del. Forte niya talaga ang pagco-compliment at pagpaparamdam sa bawat babae na maganda sila. Syempre, in their own way.
"I think you already know me well pero magpapakilala ako saiyo ng personal. I am Del Francis Ceniza the director of the ongoing movie at tsaka Miss Lea, don't call me Sir, it's very formal, just call me Direk okay?"
Lumapit naman siya kay Sir Patrick at inakbayan ito. Habang tinitigan ko sila, masasabi ko na ang closeness nila ay mahahalintulad ko sa amin ni Aya.
"And this guy beside me is Ms. I mean, Mr. Patrick John Colades. The one and only producer of the movie, sa kanya nakasalalay ang financial stability at cash flow ng buong movie kaya be good to him always." Binatukan naman siya ni Sir Patrick at inalis ang pagkaka-akbay sa kanya ni Direk.
"Just stick of calling me Sir. Don't kill me by pet names." Hindi ko alam kung nagpa-paremind sa akin si Sir Patrick o pinapagalitan niya ako. Napakaseryoso kasi ng mukha niya, ni wala anong ekspresyon ang makikita mo.Direk Del lighten up the mood at pi-nat niya ako sa ulo. These two guys were gifted with exceptional height. Halos 6 footers silang dalawa. Nanliliit ako.
"Ayan ka na naman esprin, tinatakot mo ang mga taong kausap mo. Sorry Miss Lea, ganyan talaga si Patricia I mean Patrick everyone pictures him to be very intimidating especially sa mga bagong kakilala niya. Kaya please, masanay ka na."
Direk Del said with pleading eyes. Halos kabaliktaran ang ugali nila ni Sir Patrick. If Direk Del is the kenkoy type, Sir Patrick is the serious type. Sa kabila ng girl looks niya, napaka-manly niya kung kumilos at magsalita.
"You will start the first scene tomorrow kaya you may take your rest. I will send one of my staff para ibigay ang script and kindly study your parts. Again, congratulations and welcome to the "Pamilya Rizal" Miss Lea." Doon ko lang unang nakita ang unang pag-ngiti sa akin ni Sir Patrick. Nakaka overwhelm para sa part ko. Natutupad na ng paunti-unti ang mga pangarap ko.
Umalis nasa silid si Sir Patrick at tanging kami nalang ni Direk Del ang natira sa kwarto.
At doon na ipinaliwanag ni Direk ang mga nangyari kung bakit sila naghahanap ng papalit sa role ni Segunda Katigbak which will be portrayed by Ms. Maryel Case.
Nalungkot ako ng malaman na naaksidente pala si Ms. Maryel at aabutin pa ng ilang buwan bago siya tuluyang gumaling.
Pero siguro nga, everything happens for a reason.
I feel really feel bad for Ms. Maryel pero I think this is a blessing in disguise.
~Nobalilong x
BINABASA MO ANG
Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)
Historical FictionHIGHEST RANKING: #1 IN HISTORICAL FICTION Paano kung ang ating pambansang bayani sa nakaraan ay ma-inlove sa isang artista sa hinaharap?