Azalea Castillano
"Talaga po sir? Ako po ang napili ng station? Oh my gosh salamat po! Maraming maraming po! Hindi ko na pa po pag iisipan, kukunin ko po ang role. Salamat po ulit. "
Tumawag sa akin si Direk Zach dahil may bagong proposed na soap opera ang station at ako ang napiling maging bida. Wala ng paglalagyan ang kaligayahang nadarama ko ngayon. I'm beyond blessed.
Hinintay ko rin ang napakahalagang pagkakataon na ito, mag-iisang taon palang ako sa industriya pero lubos ang pagpapasalamat ko at hindi ako nawawalan ng acting projects, commercials at endorsements. Parati man akong supporting actress, isa parin iyong blessing kaysa wala akong ginagawa.
Pero ito na talaga ang pinaka-hihintay kong break!
Ako? Isang bida?
Habang nakangiti ako sa hangin ay biglang sumulpot si Aya sa harapan ko.
"OMG Azalea congrats! Ito na talaga yong hinihintay natin na Big Break para sayo! I'm so happy for you!"
Nagyakapan kami ni Aya with pagiwang-giwang effect.
"So, sino ang mga co-stars mo? Ang gara mo na ha! Lumi-lead role ka na! Biruin mo noon, mga dakilang julalay pa tayo, ikaw kay Leon at ako kay Rain. Hindi ko rin lubos maisip na dahil sayo, magkakaroon din ako ng mabuting pamumuhay. Haleer buhay daga kaya tayo noon, at ngayon naging manager na talaga ako hindi lang sayo pero para sa ibang tao na gustong maging artista at nakapagpatayo na ako ng workshop."
Nakakatuwa ang mga naranasan namin ni Aya noon, ups and down at iba pang kapighatian sa kamay ng nangungutya. Pero sa tulong at awa ng maykapal ay nakarating kami sa kinalalagyan namin ngayon.
Bumitaw na ako sa kanya at tinitigan ko siya, habang nakikita ko at nasa harapan ko ngayon si Aya ay hindi ko mapigilang hindi umiyak.
"Oy! Anong nangyari? Masyado bang mahigpit pagkakayakap ko sayo? Sorry--"
Niyakap ko siya ulit.
"Hindi yon, habang kinukwento mo kasi yung mga nangyari sa atin noon hindi ko mapigilang lumuha dahil sa galak. Ika nga tears of joy diba? Salamat dahil hindi mo ako iniwan Ayannie Martinez sa kadukhaan man o sa karangyaan Hahaha!"
Biglang nagdilim ang mukha ni Aya opps did I say something wrong?
Nagsalubong ang mga kilay ni Aya habang tinititigan ako.
"Ayannie? Bakit mo ba ako tinawag sa pangalang yan? I hate that name! Hmp."
Pagtataray ni Aya sa akin. Oo nga pala, tawagin mo na lahat ng kahindak-hindak na pangalan kay Aya huwag lang ang full name niya which is Ayannie, ang cute kaya no?
"Ano ba kasing problema sa Ayannie ha? Bakit ba--opps, sorry."
Ex-boyfriend pala ni Aya si Ayanni, meant to be no? Nagkulang lang ng 'e' ang names nilang dalawa para magkapareha na sila. First love kasi kaya ganyan ka bitter! Hahaha!
"Oo na oo na JOSE."
Tinitigan ako ni Aya with her oh-so amazing smirk.
"Ayanni."
"Jose."
"Ayanni."
"Jose."
"Ayanniiiiii."
"Joseeeeeee."
"AYANNI WOOOOH."
"Oo na! Ikaw na panalo! Letche kasi naman yang Jose na yan hindi ko kilala! Sino ba yan ha?"
Habang naririnig ko ang pangalang yan hindi ko talaga mapigilan na my will heart skipped a beat.
May nagsasabi sa kaloob-looban ko na dapat ko na syang kalimutan dahil wala na siya at iniwan na niya ako pero hindi ko talaga mapigilan na siya ang parating inaalala ng aking puso.
"Aba malay ko sayo! Hindi ko rin nga kilala ang Jose na iyan! Ikaw lang kaya parati nagsasabi ng pangalang yan!"
Simula noong umalis na si Jose, kinalimutan ko na siya.
Pinipilit ko.
Kaya iniisip ko nalang na isang panaginip ang pagkikita namin.
Isang napakagandang panaginip na dapat ibaon na sa limot.
"Oo nga no? Ang tanga ko talaga pa minsan-minan pero alam mo Azalea totoo nato, naka move-on na talaga ako kay A-aayani."
Tinitigan ko lang siya with my playful smile.
Nakamove-on ha? Hindi nagsisinungaling ang pag-uutal mo!
"Ahh.. si- alam mo na yon. Siya yon." Pautal-utal na pagsasalita ni Aya.
"Ah si Ayanni Ramirez! Ano kaba pati pangalan niya hindi mo pa masabi-sabi ng tuwid! Ikaw ha! Napaghahalataan ka na." Pangungulit ko sa kanya at mukha naman siyang napikon opps.
"Haay okay, I admit di parin ako nakaka move-on sa gwapong egotistic na manager na iyon. Kasi naman ehhhh. Tara na nga!"
At ayun, tinakbuhan na nanaman ang problema niya, si Aya nga naman oh.
"Teka lang hintay!" Tumakbo at sinundan ko si Aya at bumulong.
"Naroon sa Studio 4 si Ayanni ngayon Ayannie."
I'm a bully hahaha.
~Nobalilong x
BINABASA MO ANG
Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)
Historical FictionHIGHEST RANKING: #1 IN HISTORICAL FICTION Paano kung ang ating pambansang bayani sa nakaraan ay ma-inlove sa isang artista sa hinaharap?