Chapter 1

34K 1.1K 162
                                    

Please vote and comment :)

***

PoV Mayumi

Isang nakakatamad na araw para sa'min ng tropa ko. Nakaupo lamang kami sa ilalim ng isang malaking puno para maliliman. "Ang init!" Malakas kong sigaw at winagwag ko pa ang suot kong blouse upang mahanginan ako.

"Ano ba 'yan Mayumi, kababae mong tao ang balahura mo kumilos" Sabi sa'kin ng bestfriend kong si Jeston at binatukan ako.

"Ano ka ba Jeston, babae nga si Mayumi... Babae din naman ang trip" Pang-aasar sa'kin ni Clark kaya naman binatukan ko siya. "Aray ko naman! Tignan mo! Ang bigat-bigat ng kamay"

"Atleast ako may girlfriend, kayo? Panis kayo!" Pagmamayabang ko sa kanila at nginitian ko silang lahat, tahimik ang mga loko.

"Walang forever"

"Mag-be-break din kayo ni Trisha"

"Break na kayo sa twenty three"

Napailing na lamang ako dahil hanggang ngayon ay hindi sila makapaniwala na sinagot ako ni Trisha. "Ayos lang 'yan mga pre, bagay naman sila ni Trisha. Parehas silang may saltik" Sabi ni Jeston at malakas na nagtawanan ang lahat

"Ay! Nakakatamad talaga, bakit ba kasi ngayon pa nagkaroon ng biglaang meeting ang mga teachers? Wala tuloy magawa!" Sabi naman ni Obet.

Halos lahat ng estudyante tuloy ngayon dito sa Bloodfield Academy ay nakakalat lang. "Alam ko na! Mayu, 'diba may kakilala ka sa music club?" Pagtatanong sa'kin ni Jeston, isiniksik niya pa ang kanyang sarili sa'kin.

"Ang baboy mo p're! H'wag ka ngang dumikit sa'kin ng ganyan, hulas na hulas ka sa pawis. Balahura ka talaga" Pagrereklamo ko at inilayo ang mukha niya sa'kin.

"Manghiram ka naman ng gitara para may magawa tayo, alam mo na... Sound trip! Sound trip!" Itinaas baba pa ni Jeston ang kanyang kilay kaya naman mas lalo akong nandiri.

"Bakit ako? Kayo ang may kailangan edi kayo ang pumunta ro'n" Wika ko sa kanila at muling iwinagwag ang blouse ko, gusto ko nga sanang bumukaka kaso nakapalda nga pala ako! Grabe ang init ng panahon ngayon!

"Ganyan ka naman pare eh, sige lang Mayu... Tinulungan ka namin ligawan si Trisha tapos yung simpleng hiling namin hindi mo pa mapagbigyan" Sabi naman ni Marcus.

Dahil sa ginawa ni Marcus ay sumunod na rin ang iba kong tropa. "Nung kailangan niya ng pangregalo para kay Trisha, sino ang nag-ambagan para makabili si Mayu?" Sabi ni Jeston

"Kami!" Malakas na sigaw nina Clark, Obet, at Marcus.

"Nung una silang magkita ni Trisha sino ba tumulong kay Mayu para makuha ang number ni Trisha?"

"Kami!"

Napailing na lang ako dahil hindi ako tatantanan ng mga 'to sa pangongonsensya. Malakas kong binatukan si Jeston dahil siya ang promotor at dakilang taga-sulsol sa tropa. "Tignan niyo guys, binatukan pa ko ni Mayu... Wala talagang awa 'tong tibo na 'to"

"Mayu ganyan ka ba? Naging kayo lang ni Trisha nawalan na kami ng halaga sa'yo" Nagmalungkot na boses pa si Clark.

"Tang ina! Oo na! Babangasan ko kayo eh, Jeston samahan mo ko sa Clubroom ng music club" Sabi ko at hinatak ang kanyang tenga, para naman silang tanga na nagsigawan nung napapayag nila akong manghiram ng gitara sa music club.

Pagkarating namin sa Clubroom ay nagtalo muna kaming dalawa ni Jeston. "Ako ang kakatok tapos ikaw ang magsasalita ah" Sabi ni Jeston at nagtulakan pa kaming dalawa sa harap ng pinto. Halos lahat naman siguro ng estudyante ay nangyari sa kanila ang gan'tong point.

Dare with Mr. President (Short Story)Where stories live. Discover now